Gulat na gulat si Pablo nang buksan nito ang pinto at nakita si Ken na nakangiti ng malapad habang kalong-kalong nito si Kuro sa mga bisig.
"Ah, Ken?" nag-aalangang bati niya bago buksan ang pinto para papasukin ang bisita. "Pasok."
"Thanks, Pau." Sumaludo pa nga ito at sumipol.
"Ginagawa mo rito?" tanong ng binata habang napakamot sa ulo.
Awkward na natawa naman ang bagong dating. "Ah kasi... ano si Kuro kasi eh."
Bigla tuloy nabahala si Pablo sa pusang itim ni Ken. "Ha? Bakit? Anong nangyari kay Kuro? Ayos lang ba siya."
Agad na tumango-tango naman ang isa bago hinayaan si Kuro na magliwaliw sa unit ni Pablo. "Of course. Kaso binalak ko siyang iligaw."
"Ano?" Isang masamang tingin ang ipinukol ni Pablo sa kaniyang bisita.
Napalunok naman si Ken. "G-Grabe ka naman kung makatingin."
"Anong sinabi mong ililigaw mo siya?" Wala na, lumabas na si Chona.
"Joke lang naman, Pau." Liligawan talaga kita.
"Umayos ka, Suson kung ayaw mong palabasin kita sa bahay ko na gamit ang bintana," baling ni Pablo sa kaniya.
Napanguso tuloy siya. "Ililigaw ko talaga sana si Kuro kaso nag-aalala naman ako kaya sinundan ko pero sa'yo naman nagpunta kaya ayon... baka kasi magsumbong sa'yo, eh 'di lagot ako." Miss lang talaga kita.
Isang malakas na batok ang ibinigay nito sa kaniya. "Sira ulo! Bano! Lagot ka pa rin sa'kin. Ikaw lang naman ang naglaglag sa sarili mo!"
"Sakit no'n ah. Payakap ako, isa lang nang makaganti naman ako sa'yo." Tinangka niya itong lapitan. Akma na sana itong kakaripas ng takbo ngunit agad niya naman itong nahuli. "Ano ka ngayon? Lika rito!"
"Bitaw, Ken! Uy, teka, teka. Huwaaaaaag!" palahaw nito nang sinimulan niya na itong kilitiin sa tagiliran. Para tuloy itong uod na pipiksi-piksi.
Tuwang-tuwa naman siya habang mas hinapit pa ito ng husto. "Ang mapanakit mo, Pau. Ito ang sa'yo!"
"Huwag, aray uy! Ken, tama na!" natatawang pigil nito sa mga kamay niya.
Nang makita niyang pulang-pula na ito ay saka niya naman ito tinigilan pero hindi niya pa rin binibitawan. "Sarap ng lasa ng ganti, 'no?"
"G-Gago ka! Napagod ako kakatawa. Ang lala no'n, buwisit!" Hinihingal na napasandal ito sa dibdib niya. Sa gulat ay muntikan pa siyang mapasinghap.
Hindi niya maiwasang huwag mamula sa posisyon nila ngayon - siya na nakayapos sa bewang nito at si Pablo na nakasandal sa dibdib niya. Parang ang ideal sa isipan niya pero may kaunting kirot din dahil ang totoo, ay wala lang naman talaga iyon sa isa.
"Ken?"
"Hmmmm?"
"Ba't ka nandito?" biglang tanong nito matapos ang ilang minutong katahimikan.
Bakit nga ba? "Dahil bored ako."
"Ahhhh..." Walang ano-anong kinalas nito ang mga kamay niya at nagmartsa palayo sa kaniya.
"Pau?" nababahalang tawag niya sa papalayong pigura nito.
"Nag-lunch ka na?" pabalang na tanong nito habang papunta sa kusina. Bigla niya tuloy naalala ang backpack niya.
"Hindi pa. Gusto ko sabay tayo. May dala ako rito. Boring kasi kapag ako lang mag-isa," tugon niya naman habang nagmamadaling sumunod dito.
Napabuntong-hiningang humarap ito sa kaniya. "Bakit mo ba ito ginagawa?"
YOU ARE READING
Nah, Just SeKen
Hayran KurguThis is just some random SeKen imagines or drabble on the writer's past time. Some might find this cringe-y, or maybe some butterfly flapping its wings on their stomach. Few would also tear up, who knows what to find inside; anything childish, daddy...