CHAPTER 15

247 10 7
                                    

CHAPTER 15: SEAN’S REVELATION

Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain ng pagkain. Mitong mga to. Pinagtripan pa kami. Pinagtabi pa kami ng upuan ni Angel.

“Baket naman kasi bessy dito pa ko e.”, sabi namanni Angel.

Hindi naman nila pinan sin si Angel at nagpatuloy lang sa pagkain.

Naiilang na kumain na din si Angel.

Nagulat naman ako nang bigla syang tumayo at lumabas na nagdadabog.

“Anong problema nun?”, tanong ko sa kanila.

“Ewan ko, hindi ko alam.”, sabi naman ni Pamela.

“Gawa ata sayo. Ayieee.”, nangaasar na sabi ni Lawrence.

Dahil dun sa sinabi nila, nag-init yung mukha ko at napangiti ako.

“Uy nag-bublush sya oh.”, sabi ni Valerie na tinuturo ako.

Syete, mukang pipigain pa ata ako nitong mga to a.

“Pero umamin ka. Mahal mo si Angel no?”, nilakipan ni Pamela ng madiin na accent yung pagkakasabi nya.

“Umamin ka na kase. Ay ikay halatang halata na e.”, sabi naman ni Deanne.

“Pag di ka umamin kikilitiin ka namin Chaleo sige ka.”, nananakot na sabi ni Valerie.

Tumaas na ko ng kamay tanda ng pagsuko.

“HEP!! OO NA!! OO NA NGA!!! MAHAL KO NGA SI ANGEL.”,napasigaw ako sa sinabi ko.

Buti na lang kami lang yung tao dito sa canteen.

Nang-asar naman sila sakin.

“E bat ayaw mo syang ligawan?”, sabi naman ni Pamela.

“Ayoko, baka mabasted lang ako nyan?”

“Bakit naman? e ni hindi mo pa panga sinusubukan.”, sabi ni Valerie.

“E kasi- laging nakabantay yung kuya nya e.”,

“E ano namang pake ni Chaleo dun?”, sabi naman ni Lawrence.

“Para kasing isip bata pa sya. Parang hindi pa nya kayang mabuhay ng wala yung kuya nya.”

“Ay hindi ituring mong baby.”, sabi naman nung accent alien na si Deanne.

“Kaya mo yan Sean kalalaki mong tao e duwag na duwag ka.”,si Pamela.

“E baka mamaya e bugbugin pa ko ni Chaleo e.”

“Bat mo ba iintindihin si Chaleo? Wala naman syang pakealam kung sino man yung gusting manligaw kay Angel.”, naiiritang sabi ni Valerie.

“Grabecious naman yung pagka-inis mo kay Chaleo.”, nakangiwing sabi ni Lawrence.

“Umamin ka teh, naging ex mo noh?”

“Iw! 24 years old na yun no.”, nakangiwing sabi ni Valerie.

“Ano na bang gagawin natin? ha Sean?”,sabi ni Pamela.

“Ewan ko. Pag-iisipan ko muna.”

“Ay nakaw!! Sabi ko pa naman ay ako’y boto sa iyo. Yun pala’y wag na! Baka mamayay hindi mo pa kayang ipagtanggol si Angel kahit sa ipis.”, si Deanne.

Tumawa sila sa sinabing yun ni Deanne.

“Ano ba yung dapat ko kasing gawin? Ha?”

“Hala!! Kami ba yung tatanungin ng ganyan? Go then fight for your feelings!”, mataas yung boses na sabi ni Valerie.

GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon