CHAPTER 19

195 8 4
                                    

CHAPTER 19: YES OF ANGEL

-ANGEL’S POV-

Gabi na, pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa kwarto ko.

Mag aalas-dyes na, naghihintay ako sa may kwarto ko. Iniintay ko si Sean.

May usapan kasi kaming date e.

Hehe, oo nga pala, hindi alam ni kuya na may date kami ni Sean. Mamaya mo e mapagalitan pa ko nun.

Tulog na naman si kuya kaya hindi na nya ko mahuhuli.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung dapat ko na bang sagutin si Sean. Kasi naman ilang weeks pa lang naman syang nanliligaw sakin. Anlandi-landi ko naman kung sasagutin ko kaagad sya.

Hindi naman nagtagal ay narinig kong kumatok si Sean sa may pintuan ng terrace namin.

Madali syang nakakadaan dun since katabi lang yun ng bakod namin.

Binuksan ko naman agad yung pintuan.

“Ano? Tara naba?”

“Shh, wag kang maingay. Baka marinig tayo ni kuya.”

“O sige. Tara na”, hininaan nya yung volume ng pagsasalita nya.

Dahan dahan naming tinungo yung pintuan ng kwarto at patip toe na lumakad.

Hanggang sa may pinto. Ganun lang kami.

Lumabas kami ng gate na hingal na hingal.

Ganun naman kami palagi pag magda-date e. Alam ko naman kasi na hindi ako papayagan ni kuya.

Pumara kami ng taxi at pumasok sa loob.

Tahimik lang ako nung nasa loob. Kaming dalawa, tahimik lang kami.

Naakbay lang si Sean sa bewang ko at hawak nya yung kamay ko habang ako, nakabaling lang yung atensyon ko sa kalsada.

Bahala na sya kung saan nya ko gustong dalin.

 Bumaba kami sa isang hindi naman siguro gaanong sosyal na restaurant.

Pumasok kami sa loob. Tapos hinila nya yung chair para makaupo ako.

Nang makaupo na ko ay umupo na rin sya.

Dinalan naman aga kami ng menu nung waiter.

Sabi ko sa kanya na kung ano na lang yung oorderin nya ay yun na lang din yung akin.

Tapos biglang napalitan yung kaninang nag-paplay na music . Pwede kaming sumayaw dun may gitna.

Syempre si Sean hindi na pinalampas at ini-offer na nya yung kamay nya sakin.

Hindi naman ako tumanggi.

Nung nasa may gitna na kami. Humawak sya sa may bewang ko ako naman dun sa may balikat nya.

NOW PLAYING: Brown Eyes by. Destiny’s Child.

As the music plays, nagtama yung mata namin.

Ewan ko ba, para kasing magnet yung mata nya e. Hindi na tuloy maalis-alis yung tingin ko sa kanya.

“Remember the first day when I saw your face

remember the first day when you smiled at me

you stepped to me and then you said to me

I was the woman you dreamed about

“Gusto mo yung kanta?”, pagtatanong nya sakin habang nakatitig ako sa kanya.

GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon