CHAPTER 26

198 7 4
                                    

CHAPTER 26: PUTTING THE HEARTS TOGETHER

-ANGEL’S POV-

May gagawin kami ngayong Saturday.

Bawal sabihin, kahit sino bawal humula.. hehehe,

Nandito kami ngayon sa bahay nina Valerie. Nanonood kami ng movie.

Nakakatawa pa naman yung movieng pinapanoo namin, yung ‘yours mine and ours’.

Tawanan kami ng tawanan nun, nang biglang may nag-door bell.

Nagkatinginan kami nun nina Deanne, Pamela, Lawrence at ako.

Ay, oo nga pala. nagtataka siguro kayo kung bakit hindi kami magkasama ni Sean no? ganun din, hindi naman naming kasama si Carlo at Riel.

Yung napagkasunduan kasi naming e pag Saturday dapat kami lang yung magkakasama. Sunday na lang daw yung boyfriend day.

Ang kulit ng mga bessy ko no? diba dapat pag Sunday nagsisimba na? Ajuju, wala tuloy kaming time ni Sean.

By the way, ay, si Rose Ann naman pala e busy dun sa mga mean girl thing.

Hindi na nga yun masyadong nakakasama samin e.

Eto na bago pa ko awayin ng author.

Syempre nung marinig ni Valerie yung door bell ay lumabas din kami kasunod nya.

Hmm, hulaan nyo kung anong laman nung box..

Napakalaki kasi nung box mataba sya tapos hanggang leeg ni Valerie.

Bubuksa na nya sana yung box kaya lang, biglang lumabas sa box si Jeremy dala yung isang boquet of roses.

Gusto nyo bang malaman kung bakit nangyari to?

FLASHBACK

Since alam ko kung saan yung bahay nina Jeremy ay niyaya ko sila bessy na pumunta sa bahay nila para naman hindi na malungkot si Valerie at para kumpleto na kami na may love life. Hehehe,

Pinindot naming yung door bell sa may gate.

Agad namang bumukas yung gate at si Jeremy agad yung nagbukas nung gate.

Nagulat naman sya. Ganun din naman kami. Yung gulat-gulatan lang, hindi na kami magatataka na si Jeremy yung nagbukas nung gate no? bahay nya yun e.

“O, bakit kayo nandito?”, medyo gulat pa din na sabi ni Jeremy.

“Ayaw mo ba? Aalis na kami.”, sabi ni Lawrence na akmang aalis na nga.

Pinigilan naman naming sya at binigyan ng isang malakas na batok.

Sapo nya yung batok nya.

“Joke lang naman yun e. Kayo naman sineryoso nyo.”

“Pasok kayo sa loob.”

Sa sinabing yun ni Jeremy ay agad naman kaming nagsipasukan ng bahay nya.

Dinalhan nya kami ng ice cream at cake. At ako naman e kumain ng kumain. Aba, favourite ko kaya to.

Lumingon naman sakin si Pamela na parang nagsasabing ‘what the heck are you doing’.

Pinalitan ko naman sya ng tingin na ‘kumakain lang naman ako ng ice cream e’.

Tapos tumingin uli sya sakin at ang next speech naman ng muka nya e ‘diba dapat yung plano ni Valerie yung inaayos natin?’

Pinalitan ko ulit sya ng tingin na ‘oo po hini ko naman po nakakalimutan e’.

Tapos nun e kumain na ulit ako. Bumaling naman yung atensyon ni Pamela kay Jeremy.

“Ano naman yung nag-udyok sa inyo na pumunta dito?”, sabi ni Jeremy.

GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon