CHAPTER 31: REPENT AND REFIX
-ROSE ANN’S POV-
Nagbibihis ako ngayon ng uniform sa may kwarto ko.
Tumingin ako sa salamin tapos tsaka ko hinarap yung mga make up kit ko.
Nagdalawang isip ako kung magmamake-up ako o hindi.
Nagflashback sa utak ko lahat lahat..
Yung mga nangyari kahapon, nung nerd pa ko..
“I like you just the way you are. And i want you to stay in that way. That’s what makes you beautiful to me.”
Naalala ko yung sinabi ni Sir Junno.
I know that was just a few sentence.
That was untold but in this situation i want to go back to start.
I have to refix all the damage I have done.
Kinuha ko yung uniform ko na mahaba at yung salamin kong malaki. Itinali ko yung buhok ko at kinuha yung body bag.
Nagsimula na kong maglakad papuntang school.
Nang makarating ako sa school ay huminga muna ako nang malalim at nagsimulang pumasok ulit ng school.
Nang pumasok ako e para bang may dumaan na anghel.
Lahat sila natahimik, lahat sila naririnig kong nagbubulungan.
Hindi ko na lang muna sila pinansin.
Nang napadaan ako sa isang bulletin board dun e tiningnan ko yung list of candidates naging panghuli na ko sa list.
Ayos lang yan Rose Ann.
Dumiretso na ko papuntang classroom at umupo sa upuan ko.
Late na pala ko.
Naabutan kong nagdi-discuss dun yung dean naming tungkol daw dun sa nagsulat nung tungkol dun kay sir Reyes.
“Meron ba sa inyong nagsulat dito nun?”
Goodbye, bestfriends you gonna hate me forever.
Tumayo ako at umamin.
“Ako po sir.”
Ngumiwi yung dean naming at tsaka lumabas. Agad naman akong sumunod sa kanya.
-LUCILLA’S POV-
Hindi ko talaga inaasahan na ganun na lang yung mangyayari.
Nandito kami lahat sa classroom at gulat na gulat nung inamin ni Rose Ann yung kasalanan nya.
Nagbabago na ulit sya, tuluyan na nyang inaamin yung mga pagkakamali nya.
Sana naman bumalik na yung dating sya.
Nag-bell na nun ibig sabihin recess na.
-ROSE ANN’S POV-
Recess na nun at kumukuha ko ng pagkain sa canteen.
Uupo na sana ako kaya lang wala naman akong makitang upuan. Lahat sila pinagbubulungan at pinag-uusapan ako.
Humanap ako ng magandang pwesto at tsaka lumapit sa katabi ni Lucilla.
Ngumiti sya sakin at ganun din naman ako sa kanya.
“Next week na yung pageant.”
“Hindi ko nga alam kung pupunta ako o hinndi e.”
“Pumunta ka, somebody is needing you to come in that pageant.”
“Sino naman yun?”
“Si sir Junno, he believes in you.”
Biglang nag-bell, ibig sabihin nun e class hour na ulit.
Pumunta na kami sa kanya-kanya naming classroom.
Since exam namin ay agad namang nagbigay ng exam si sir Reyes.
Hindi naman ako makaharap ng maayos sa kanya kasi nga may ginawa pa kong mali sa kanya.
Nung natapos na ko sa exam e pinasa ko sa kanya yung exam.
Nung lumapit na ko sa kanya, pinasa ko na sa kanya yung papel.
“O, Rose Ann? Gusto mo bang bumili ng drugs sakin?”
Medyo nilakipan ni sir ng biro yung ilang mga sinabi nya.
“Sir about nga pala dun sa nangyari nung isang araw, pasensya nap o talaga. Hindi ko po sinasadya.”
“Mababayaran mo lang yung pagakakamali mo sakin sa isang kondisyon.”
Alam ko na kung ano yung kondisyon nayun.
Sasali ako sa Math fest.
Pano kaya yun e sa araw at oras nay un e gaganapin yung pageant. Hay, bahala na.
-PAMELA’S POV-
Uwian na at nasa may plaza ako.
Hanggang ngayon nga pala e hindi pa kami nag-uusap ni Carlo.
Hanggang ngayon e nasa awkward stage pa rin kami dahil dun sa nangyari.
Nakakainis nga e.
Nakita ko si Carlo sa may plaza na mag-isang kumakain.
Nagdadalawang isip ako kung tatabihan ko ba sya o hindi e.
Hindi ko alam kung pano ko sya kakausapin.
Uh, nakakainis ka Carlo!!! Hindi kita maintindihan!!
Nagulat ako nang bigla kong Makita si Carlo na tumayo at tila papalapit sakin.
Hindi nga ko nagkamali dahil umupo sya sa lapit ko at nag-offer sakin ng kwek-kwek.
Kinuha ko naman agad yun sa kanya.
Bumaling naman sya ng tingin sa harapan habang ako e nakatingin sa kanya.
“Carlo, about nga pala dun sa nangyari nung nakaraan. Sorry nga pala..”
Humarap naman sya sakin.
Hindi ko mapigilan na hindi umiyak.
Tinakpan ko yung muka ko at tsaka biglang bumunghalit ng iyak.
Niyakap naman ako agad ni Carlo.
“Ano ka ba? Ayos lang naman yun. Wala yun sakin ha? Mahal pa din naman kita kahit sino ka at ano ka e.”
Inalis ko yung pagkakatakip nung muka ko at tsaka humarap sa kanya.
“Akala ko kasi nagalit ka sakin e. Kasi naman e, bigla ka na lang umalis nung party at hindi mo ko pinapansin.”
Amfufu talaga, hanggang ngayon kasi umiiyak pa rin ako.
“Ayos lang yun Pamela. Kahit naman noon pa mahal na mahal na kita e.”
Nagulat ako dun sa sinabi nya.
Hindi kaya si Carlo yung ex-boyfriend ko dati. Hindi e, malayo sya sa muka ni Carlo.
A oo, medyo malapit sila ng itsura sa isa’t isa.
“C-carlo.”
“Ako to Pamela. Ikaw talaga, nakalimutan mo na ba ko?”
“Ha? Ikaw na ba talaga yan?”
Carlo?
“Oo naman. Hinanap kita e, antagal-tagal mong hindi nagparamdam sakin.”
“Sorry, kasi naman e. Ikaw kasi, hindi mo sakin sinabi na sobrang yaman mo pala.”
“Ano ka ba? Mahal na mahal kita Pamela. Hindi mo ba alam na hindi naman kita iiwan, ako nga e hindi mo iniwan e.”
“Sorry ha? Hinanap mo ko ng matagal.”
“Hindi, yun ganun ha? Ok lang, tama na now, that i found you. Hindi na kita iiwan at papakawalan.”
Hinawakan nya ng mahigpit yung kamay ko.
And now that Carlo is here, i would never let him go also.
BINABASA MO ANG
GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)
Teen FictionPaano kung mainlove ka sa isang taong halos kapatid na yung turing mo? what i mean is the age gap.. paano kung mainlove ang isang 24 year old boy sa isang 16 year old giRl?