CHAPTER 30

211 8 4
                                    

CHAPTER 30: OFFICIALLY SARAH AND CHALEO

-ANGEL’S POV-

Nakita ko sina ate Sarah at kuya Chaleo na sabay naglalakad sa may hallway.

Nasa may corridor kasi kami ni Sean at nakasandal sa may pasilya.

Sabay silang naglalakad, dala pa panga ni kuya Chaleo yung bag ni ate Sarah e.

Siguro sila na ni ate Sarah.

Pero bakit dati parang...

Yehey!!  Sila na ni ate Sarah. Ganun pa yung reaksyon ko.

Pero bakit ngayon parang ayaw ko nang maging sila.

Napakaselfish ko naman kung hindi ko pagbibigyan si kuya Chaleo na kahit minsan man lang e main-love sya.

“Hi!!!”, kumaway sakin si ate Sarah habang nakangiti.

Lumapit naman samin ni Sean sina kuya Chaleo at ate Sarah.

“Kayo na pala kuya?”, hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong ngumiti nung mga oras na yun.

“Oo”, kumapit si ate Sarah sa braso ni kuya Chaleo.

Bakit ba parang ansakit-sakit sakin nung pagkakakapit ni ate Sarah sa braso ni kuya.

Ngumiti ako nang pilit at tsaka ko hinampas si kuya.

“Ikaw ha kuya!! Hindi mo sakin sinasabi! Kayo na pala ni ate Sarah ha? Pero ayie, bagay kayo.”

Ngumisi si kuya Chaleo dun sa sinabi ko.

Ahh, bakit ba hindi ko makuha yung tamang timpla ng ‘ayie’.

Bakit ba parang gusto kong umiyak sa mga oras na to?

“Sabi mo kasi, hindi ka muna magbo-boyfriend hanggat hindi pa ko nakakahanap ng girlfriend na matino.”, umakbay sakin si kuya.

“Kaya eto sabi mo gusto mo si ate Sarah mo para sakin diba? Ikaw talaga bunso.”

“A, tara na Chaleo sa taas male-late na ko.”

Kumalas si kuya Chaleo sa pagkaka-akbay sakin at tsaka nag-wave.

Tuluyan na silang umalis ni Sarah.

Napaka-ewan ko, tumakbo ko papasok ng classroom at tumungo sa upuan ko.

Sinundan naman ako ni Sean.

-SEAN’S POV-

Sabi ko na nga ba? Siguro nga, Angel is secretly in love with his kuya.

Halatang halata naman na nasasaktan sya kanina e. Yung mga ngiti nya halatang pilit lang. Pati yung pang-aasar nya sa kuya Chaleo nya kanina.

Pinapatahan ko sya ngayon na nakatungong umiiyak.

Sa panahong to, gusto ko ring sapakin ng todo-todo si Chaleo.

Nakakaawa naman kasi si Angel sa mga oras na to.

If he truly loves Angel, dapat hindi nya yun ginawa dahil alam nyang masasaktan si Angel.

“Tahan na”, inakbayan ko si Angel at hinawakan yung kamay nya.

Patuloy pa rin syang umiiyak at humihikbi.

Eto talagang babaeng to. Kahapon pa panga iyak ng iyak dahil dun sa issue tungkol sa notebook.

Magang-maga nanga yung mata nya e.

“Tama na. Wag ka nang umiyak.”, hinagod ko yung likod ni Angel.

GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon