CHAPTER 25: TAKING OFF THE MASK
-PAMELA’S POV-
Nagulat ako nang bigla na lang pag-uwi ko ay batiin ako nina mama at papa.
Oo nga pala, birthday ko ngayon, sabi nga pala ni Carlo gusto daw nyang pumunta ng bahay ko ngayon.
FLASHBACK
“Malapit napala birthday mo e, pupunta ko ha?”, sabi ni Carlo nung nandun kami sa may park magkakaibigan.
“Pati rin kami pupunta!!”, sabi naman ni Angel.
“Oo nga ay minsan lang naman kami pupunta sa bahay mo e..”, sabi naman ni Deanne.
“Basta ba!! Alam naman ni papa Carlo kung saan yung bahay nyo diba papa Carlo?”, sabi naman ni Lawrence.
Hindi na ko nakatanggi nun,kasi ba naman napakakulit nung mga yun e. Bahala na.
END OF FLASHBACK
Dali-dali akong nagbihis, bahala na. Mag-iisip na lang ako ng dahilan. Kunwari sasabihin ko na lang na ayaw akong paghandain ni mama.
“O, anak kumain ka na. Hindi ka pa kumakain galing sa lakad mo.”, sabi sakin ni mama habang inilalahad sakin yung pagkain. Pansit ata yun.
Kagaya nga ng sinabi ko, naghanda naman kasi sila kahit papano e. May pansit, may lechon din, may sopas, spaghetti, menudo at ice cream din. May videoke pa panga e. Yung parang matatawag natin na simpleng handaan.
Pero kahit na no, hindi pa rin ako kontento sa ganito. Sana nga hindi na lang sila naghanda e. Tapos ano? Pagkatapos nito, utang-utang na kami.
“Pamela, hindi ka ba nag-imbita ng mga kaklase?”, tanong naman ni ate Princess.
“Hindi e, asahan mo pa yung mga yun. Mga sosyal yun, ayaw nun sa mga ganitong handaan.”
Parang nalungkot naman yung muka ni ate at mama dun sa sinabi ko.
“Naku, anak pasensya ka na ha?”, lumapit si mama sakin at hinaplos yung buhok ko.
“Pasensya ka na anak, eto lang naman talaga kasi yung kaya naming handa para sayo e.”, sabi ni mama na napapansin kang nangingilid yung luha.
“Ano ka ba mama”, kumalang ako kay mama at yumakap.
“Kahit naman walang handa masaya na ko no? mama, alam mo ba, dapat nga hindi na tayo naghanda e. Andami-dami na nga nating utang e.”
Umiiyak na humarap sakin si mama at ngumiti.
“Eto talagang anak kong to, manang mana sakin, hmmm, pa-kiss nga.”, nakangiti habang umiiyak na sabi ni mama.
Humalik naman sya sakin at yumakap ng mahigpit.
“Tama na nga”, binitawan ako ni mama at humarap sakin.
“Happy Birthday anak.”, umiiyak na sabi ni mama.
“Thank you mama.”, umiiyak na sabi ko rin.
Nasa ganon kaming moment nang biglang pumasok sa bahay naming si tito Tangkay at tumawag.
“HOY! PAMELA! MAY MGA NAGAGANAHANG BABAE AT MGA GWAPONG LALAKING NAGHAHANAP SAYO SA LABAS.”
At that moment na sumigaw si tito tangkay e lumabas agad ako ng kwarto na shocks na shocks.
Naku! OMG! Baka sila Valerie na yun.
Pagkalabas ko ng pintuan ng bahay ay nakita ko sina Valerie, Rose Ann, Carlo, Deanne, Riel, Chaleo, Angel, Sean at Lawrence na nandun. Nakaupo sila sa may trono ng videoke at panay ang upak ng kanta nung baklang si Lawrence.
BINABASA MO ANG
GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)
Teen FictionPaano kung mainlove ka sa isang taong halos kapatid na yung turing mo? what i mean is the age gap.. paano kung mainlove ang isang 24 year old boy sa isang 16 year old giRl?