CHAPTER 29

168 7 5
                                    

CHAPTER 29: WHAT IS INSIDE THE FUNNY NOTEBOOK?

-ROSE ANN’S POV-

Nagle-lesson kami nun nang bigla na lang may isang estudyanteng pumasok at sinabing pinapatawag daw ako sa may office.

Pumunta naman ako agad sa may office at nakita ko doon si Charlene na umiiyak, si Saira, Jannah, at Ara naman e nakaupo doon.

Umupo naman ako sa upuan ni Charlene sine pinalabas na sya nung dean.

Kinakabahan na umupo naman ako.

“Ano to?”, galit na sabi nung dean.

“Po? Hindi ko po alam yan?”

“Wag kang magsinungaling. Charlene prove me the truth!!”

Yung funny notebook yung tinutukoy nung dean. Siguro ibinigay yun ni Charlene dun sa dean at pinalabas na akin yung funny notebook.

-CHARLENE’S POV-

Handa na ko ngayong siraan at pabagsakin si Rose Ann.

I treated her like a true friend, tapos ganito lang yung gagawin nya sakin?

Kinuha ko lahat nung mga pina-burn ko galing sa notebook nay un at tsaka ipinaghahagis sa bawat sulok ng hallway ng campus.

Isa-isa ko ring pinasakan yung bawat pintuan ng classroom para paglabas nila. Boom!

Kalat na kalat na yung mga kabahuan nila.

-VALERIE’S POV-

Nag-ring na yung bell kaya lumabas na kami ng classroom magkakaibigan.

Pero nagkagulo s amay labas ng school nang may Makita kaming mga type-writing.

Isa-isa naman naming pinulot yung mga nandun. Yung karamihan un e tungkol samin.

Grabe naman yung mga sinayang na bond paper dun.

Parang fliers kasi sa dami e.

Nagalit naman ako nang Makita ko yung pangalan ko dun na nilalangaw daw ako na beauty queen, pati naman ikinainis ni Lawrence nang mabasa nya yung tungkol dun sa bakla daw sya.

Nakita naming na nagrarambulan yung karamihan dun.

Gawa na rin siguro nung nalaman nila yung tungkol dun sa mga nakalagay dun sa type writing.

Bigla namang lumabas yung dean naming at pinindot yung bell para naman ma-emphsize yung mga estudyante.

-PAMELA’S POV-

Napagkasunduan nung dean na dalin lahat ng girls sa may gymnasium at lahat ng teacher e kakausapin kami.

Hindi naman siguro biro yung nangyari kanina. Lahat naman apektado nung mga nangyari. Halos lahat nadamay.

Nakakalungkot talaga, at isa lang yung alam naming may dahilan nito.

-ROSE ANN’S POV-

Naranasan mo nab a yung pangyayari sa buhay mo na kamuhian ka ng mga tao?

Yung imbis na matuwa sila nung Makita ka nilang dumadaan e pinagbubulungan ka nila?

Yun bang halos lahat e pinagbubulungan ka?

Yun bang halos lahat sila e ikaw na lang yung topic?

Naranasan mo na bang mapagbintangan sa mga kasalanang hindi mo naman ginawa?

Well ako, oo.

Naglalakad ako ngayon papuntang gymnasium.

Yung feeling na gusto mo nang magtalukbong dahil sa sobrang kahihiyan.

GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon