CHAPTER 16:PAMELA MEET THE PARENTS
-PAMELA’S POV
“Sure ka naba talaga dyan? Makikipagkita ka naba talaga sa mama ni Carlo?”
Iyan yung paulit-ulit na sinasabi sakin ni ate habang nakatingin ako sa salamin at suot-suot yung dress na binili sakin kahapon ni ate.
“Oo naman, ate aalis na ko ha?”
Pagkasabi ko nun kay ate ay nag-beso kami. Nagpaalam na kami sa isa’t isa at umalis na rin ako.
Nagtungo ako sa bahay kung saan ako laging nandoon. Kung natatandaan nyo. Eto yung bahay-bahayan ko. Yung kunwa-kunwarian kong bahay.
Tumayo ako dun at nag-abang. Biglang tumigil yung kotse ni Carlo sa may harapan ko.
“Let’s go!!”
Bumaba si Carlo para buksan yung seat na katabi nya at nang pumasok na ko dun ay biglang nagsalita si Carlo.
“Just wait me there for a while ha? May bibilin lang ako.”
Tumango ako tanda ng pagsang-ayon.
Bigla namang bumalik si Carlo at nagulat ako nang may dala-dala syang supot.
Sumakay na sya sa kotse at minaneho ito.
“What was that for.”, lumingon ako sa kanya na nakatuon ang atensyon sa kalye.
“A eto ba? Nabili ko to dun sa may kanto. Okoy, tokneneng, shanghai at turon.”
Hindi talaga bagay sa kanya yung line na Okoy, tokneneng, Shanghai at turon. Masyado kasing Englishero yung dila nya e. Ampanget pakinggan.
“Masarap magluto yung ale dun sa inyo.”
Ang tinutukoy ba ni Carlo e yung mama ko?
“Oo naman, lagi nga kong bumibili dun e.”
Nang matapos ang ilang minuto ay narating na din naming yung bahay nina Carlo.
OMG na lang yung masasabi ko sa bahay nila. Sabrang laki kasi talaga. Parang mansion.
Pumasok kami sa loob at pinaupo nya ko sa may sofa nila na pag umupo ka ay sobrang lambot.
“Hintayin mo lang ako dito ha? Pupuntahan ko lang sina mama sa loob to see you.”
Tumango lang ako sa kanya.
Nang makaalis na sya ay lumibot ang tingin ko sa bahay nila.
Ang-kintab talaga ng bawat sulok ng bahay nila.
Nakakalula namang tingnan.
Ilang saglit lang ay nakita ko na si Carlo kasama ang babae at lalaki na sa tingin ko ay nasa age 40 ang below. Yun na siguro yung mama at papa nya.
Umayos ako ng upo. Syempre baka mamaya mapahiya ako sa mga to. Mukang mga sosyang na sosyal sila e.
Ilang saglit pa ay umupo na sila dun sa may pwesto katapat ko. Si Carlo naman sa may katabi ko umupo.
Umakbay sakin si Carlo at bumaling yung tingin sa mama at papa nya.
“By the way mama, This is Pamela.”
“O hi hija”, bumaling sakin yung atensyon ng mama at papa ni Carlo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Hijo, I think you bet a good choice”, sabi naman nung papa nya.
“So I hope you will join us to our lunch.”,sabi naman nung mama nya.
“A o-opo naman. Y-yes maam.”
BINABASA MO ANG
GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)
Teen FictionPaano kung mainlove ka sa isang taong halos kapatid na yung turing mo? what i mean is the age gap.. paano kung mainlove ang isang 24 year old boy sa isang 16 year old giRl?