CHAPTER 9: BEHIND THE MASK OF PAMELA
-PAMELA’S POV-
“HOY!! PAMELA!! GUMISING KA NGA DYAN!!”, sabi ng nanay ko habang hinahagisan ako ng unan.
Hay naku, eto talagang si mama parang ewan lang kung manggising.
Ay oo nga pala readers, sshh, wag kayong maingay ha? Hindi ko ngapala pwedeng sabihin sa kanila na ganito lang yung bahay naming.
Bumangon ako at dumiretso ng kusina. Pagkatapos nun, nagkanaw na ko ng kape.
Pinagmasdan ko yung buong bahay naming. Wow, sobrang ganda ng yero naming, haha, fresh air. Butas butas pa. Yung kusina naman naming, puro pinggan na stainless at bilang lang yung pinggan. Kaya nga dapat pag natapos ka ng kumain, huhugasan agad.
Ay oo nga pala, may pasok nga pala kami ngayon. Kagaya nyan, baka kulang na kulang pa yung ipabaon sakin.
Biruin nyo ba naman madlang reader, 80 pesos a day ako pagbaunin. Nakakatuwa diba? 80 pesos a day? Parang ayaw na kong palamunin.
Pero ganun talaga, wala naman akong magagawa kung ipinanganak akong mahirap e.
Nakamulatan ko na talaga yung ganitong buhay. Simula bata pa ko, wala na kong nakagisnan kundi puro hirap ng buhay.
Minsan naririnig ko sina mama at papa at nadumaaing sa isa’t isa dahil wala kaming pera. Minsan naman asin lang yung ulam namin.
Nakakatuwa no?
Minsan nga e pag kumakain ako, iniisip ko kung gaano kaya kasarap yung kinakain ng mga best friend ko? Oo naman, hindi ko rin naman maiwasang mainggit no? Yung buhay na pinapangarap ko e meron sila.
Pero ang ipinagpapasalamat ko sa lahat sa Dyos ay yung binigyan nya ko ng mapagmahal at maunawaing mga magulang.
Oo nga at hindi nila maibigay yung mga pangangailangan ko. Pero at all napakaserte ko sa kanila.
Yung mama ko nagtitina lang yun ng kwek-kwek at yung mga lutong bahay pati na dinpala yung mga street foods yung papa ko naman driver ng jeep.
Yung mga yun? Mahal na mahal ako nung mga yun. Kahit nga napakapasaway kong anak minsan e.
Pinilit nilang makuha ko yung kursong gusto ko which is tourism. Kahit na hindi nila kaya. Pinilit nilang ibigay sakin yun.
Kaya lang, ang awkward naman kasi nung buhay na to para dun sa kursong pinasukan ko. Lalo na at yung mga kakalase ko pa dun ay mukang mayayaman.
Ayoko talagang sabihin sa kanila kung sino ko. Baka kasi mamaya, pagtawanan lang nila ko. O baka mamaya ibully nila ko.
Kaya nga mag-aaral akong mabuti para matapos na ko dito sa kursong to. Para makahanap na ko ng magandang trabaho. Para hindi na mahirapan yung mga magulang ko.
Sawang-sawa na ko sa ganitong buhay, ang hirap hirap ng araw araw kelangan naming magpakapagod ng husto para lang may baunin at kumita ng pera.
Sawang sawa na kong Makita yung mga butas ng bubong namin. Ayoko nang makitang naghihirap sina mama at papa.
Oo, naaawa na ko sa kanila. Ayoko na.
Kaya nga minsan iniisip ko na mag-asawa ako ng mayaman.
Ang materialistic girl ko no? Siguro sa mga mayayaman na nakakabasa nito. Magagalit sila sakin o maiinis. Pero bakit? Naranasan nyo na ba ung ano yung mga naranasan ko?
Yes, ang pinaka-standard ko sa pagpili ng lalaki e yung mayaman. Pag mahirap ka, ayaw ko na kaagad sayo. Ayokong maranasan nung mga magiging anak ko yung ganitong buhay. Ang gusto kong ipatikim sa kanila e yung swerte na hini ko nakamit. Gusto ko ring tumigil na sina mama at papa sa hanap-buhay nila. Nahihirapan din ako pag nakikita ko silang hirap na hirap.
BINABASA MO ANG
GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)
Dla nastolatkówPaano kung mainlove ka sa isang taong halos kapatid na yung turing mo? what i mean is the age gap.. paano kung mainlove ang isang 24 year old boy sa isang 16 year old giRl?