Paubaya (One shot Story)

221 5 2
                                    

Author's Note: Segue way ko lang itong aking gawa last 2020 pa. Hope you like it ☺️

VICE's POV

Malapit na ang 5th anniversary namin ng aking kasintahan. Nasa tamang edad na rin naman kaming dalawa para magpakasal. Ngunit, hanggang ngayon mukhang wala siyang balak. Ayoko naman magtanong dahil nahihiya rin naman ako sa part ko. Pero, umaasa pa rin ako isang araw tanungin niya rin ako. Wala eh, assuming ang girlfriend niya.

"Hey, Love! Bakit tulala ka? May problema ka ba?" Pagtatanong sa akin ni Ion na bagong dating lang. Pawis na pawis sya, halatang tumakbo sa pagmamadali. Pero miski ganun ang gwapo pa rin niya. Pagkabati nito sakin ay hinalikan niya ang aking noo. Napangiti naman ako sa kanyang ginawa.

"Nothing." Tanging sagot ko lang sa kanya.

Tinitigan naman ako nito ng mabuti at waring sinusuri ako. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya at napiling buksan na lamang ang telebisyon para hindi na ito magtanong pa sakin.

Lumipas ang oras na walang umiimik sa aming dalawa. Tanging tunog lang mula sa telebisyon ang maririnig. Hindi ako mapakali, parang may ibang mangyayari. Halo-halo ang aking nararamdaman. Nababaliw na ata ako dahil samu't sari ang pumapasok sa aking isipan.

"Love, I need to tell you something. This is important." Saad ni Ion sa'kin.

Pagkarinig ko nun ay pinatay ko na ang telebisyon. May nabuhay na part sakin. Umaaasang magpropose na rin ang pinakamamahal kong lalaki. Ngunit, may kasamang kaba rin ang aking nararamdaman. Halo-halo, hindi ko na alam.

"W-what is it? Magpropose ka na ba sakin ngayon? HAHAHAHAHA." Pagbibiro ko sa kanya pero ngumiti lang ito ng pilit sakin.

"Vice, you know that I really love you, right?" Tanong nito sakin. Kaya naman tumango ako sa kanya. "But, I can't marry you... Nakikipaghiwalay na ako sayo." Dugtong na saad ni Ion.

Napatulala naman ako sa aking narinig. Anong sabi niya? Hindi niya ako kayang pakasalan? Hiwalay? Kami? Baka naman nagkamali lang ako narinig.

"Hindi ko maintindihan... Bakit... Bakit? Bakit?! May mahal ka na bang iba? May nabuntis ka ba? May nagawa ba akong mali? Hindi mo ba ako nakikita na mapapangasawa mo? May mali ba sa akin?" Sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya habang nag-uunahang tumulo ang aking luha.

"No, no. It's not like that. Kasi..." Naiiyak din nitong saad sakin.

"Sagutin mo ako, Ion! Wag mo kong bitinin. Kasi kapag hindi ko malaman kung ano ang rason. Mababaliw ako sa kakaisip kung ano ba ang dahilan bakit nakikipaghiwalay ka sakin." Umiiyak kong sabi sa kanya. Hindi na maproseso nang ayos ng aking isip ang mga nangyayari.

"Walang mali sayo, Love. Yung mga iniisip mong dahilan, hindi lahat ang sagot dun. Mali ang iniisip mo. I already bought a ring for you a year ago." Saad niya at ipinakita sakin ang isang napakagandang singsing.

"Then, why? Why all of a sudden you want to break up with me?! May singsing na pala eh bakit ganito pa. What is your real reason, Ion?! Pagod na ako kakaisip sa ano mang dahilan yan." Naiinis ko na tanong sa kanya.

"Vice, I felt my calling. God wants me to serve Him and the people. V-vice, even though I want to stay with you forever... But, God let me feel it. Matagal kong pinag-isipan ito. Inisip ko na baka nagkakamali lang ako o baka hindi lang talaga ako handa na magpakasal pa. Pero, Vice, ramdam ko eh. Eto ang calling sakin. Nanghingi ako ng mga signs sa Kanya, at lahat yun sinagot Niya. Magpapari ako, I want to and I need to be a priest. And you know that it's my childhood dream. I'm sorry, Love. I'm sorry." Umiiyak na saad sakin ni Ion.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon