Chapter 10

957 29 0
                                    

SHEENA'S POV

Nanatili akong nakatambay sa kwarto na tutuluyan namin ni Alex. Kita ko kanina ang galit sa akin ni Ms. Vice. Muntikan na sana naming na kidnap si Sky kung hindi lang nangialam si Ms. Vice. Lagot na naman ako nito kay Boss.

Mahihirapan kami na kumilos ngayon. Masyadong mahigpit ang segeuridad sa paligid nitong resort. Kailangan namin makapag-isip ng magandang plano para makuha si Sky. Naputol ang aking pag-iisip nang nakatanggap ako ng tawag.

On phone, "Boss"

"H-hello, Boss." Bungad ko. Bakas sa aking boses ang pagkatakot sa kanya.

"Makukuha na ba namin si Sky dyan?" Pagtatanong nito sakin.

"K-kasi Boss, napurnada." Sagot ko sa kanya.

Narinig ko naman itong napamura ng mga malulutong. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

"Wala ka talagang kwenta na babae ka! Ako na ang kikilos! Wala ka rin namang silbi!" Galit na sigaw nito sakin.

"G-gagawa p-po ako ng paraan." Takot kong saad sa kanya.

"Huwag na! Subaybayan mo na lang sila at balitaan ako." Utos nito sakin.

End Call

Napabuntong hininga naman ako. Wala na naman akong nagawang tama para sa kanya. Kasalanan 'to ng bwisit na Vice na yun eh! At hindi ko namalayan nang pumasok si Alex.

"Sheena, tawag ka na ni Ma'am Vice kakain na raw tayo." Nakangiting saad nito sakin.

"Galit pa ba sakin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi na. Sino pala yung kausap mo kanina?" Saad nito sakin. Nagulat naman ako sa tanong nito.

"N-narinig mo ba pinag-usapan namin?" Balik na tanong ko sa kanya.

Umiling naman ito sakin. Natanggal naman ang aking kaba nang marinig ko yun.

"Amo yun ng kapatid ko sa probinsya. Tumawag sakin kasi nagkaroon ng utang ang kapatid ko sa kanya." Sambit ko kay Alex at tumalikod sa kanya.

"Akala ko ba wala kang kapatid? Diba sabi mo yun." Nagtatakang sabi nito sakin.

Shit! Paano na ito?! Bakit ba naman kasi yun ang nasabi ko?! Ang tanga ko naman talaga oh!

VICE POV

Ang tagal naman nina Sheena at Alex. Kakain na eh, baka nagtsismisan na naman ang dalawang yun. Habang inaantay ko sila ay dumating na ang kanina pa namin inaantay.

Sina Terrence at Raissa ay andito. Ngumiti naman sila sakin pagkalapit. At nakipagbeso naman ako sa kanila.

"Buti, nakapunta kayo. Akala ko hindi na kayo makakapuntang dalawa eh. Kanina pa kayo inaantay ng mga bata." Sambit ko naman sa kanila.

"Si Love kasi ang bagal magmaneho." Sagot naman sakin ni Raissa.

Well, okay naman na kaming lahat. Nagkapatawaran na at ngayon magkakaibigan na kami. Raissa is a good person naman pala. And nakakasama na rin namin sila pareho kapag may gala ang buong tropa. And silang dalawa nga ni Terrence ay magkarelasyon na.

"Sorry, Love. Gusto ko lang naman na magkasama tayo ng matagal eh." Malambing na sabi ni Terrence.

Napatawa naman ako sa kanila. They are really look good together. Hanggang sa nagtalo na nga ang dalawang ito na nagdulot sakin nang pagtawa.

"Tara na, pasok na tayo. Let's eat na inside." Pagyaya ko na lamang sa kanila.

Sabay-sabay naman kaming pumasok sa loob ng restaurant. Tuwang-tuwa ang kambal na makita ang dalawa. Bebeso na sana si Raissa kay Ion nang pigilan ko ito.

"Ooops! No! Mag-hi ka na lang. Di mo na kailangan magbeso." Saad ko kay Raissa.

Napatawa naman ang lahat sa sinabi ko. Hinalikan naman ni Ion ng mabilis ang aking mga labi.

"Selosa talaga ang asawa ko. Halika na, kumain na tayo." Malambing na saad sakin ni Ion.

Dumating na rin naman sina Sheena at Alex. Kaya nagsimula na rin kaming kumain. Masaya ang lahat na nagkekwentuhan. Nang lumapit sakin si Raissa at niyaya akong mag- usap kami sa kabilang lamesa.

"What is it, Raissa?" Takang tanong ko sa kanya.

"Vice, I don't like Sheena. She's really weird you know. And she looks familiar. Parang nagkita na kami noon. Hindi ko lang alam kung saan at kung sino ang kasama niya." Maarteng saad nito sakin.

"Really? I think you and Terrence can help us. We are conducting some investigation about her." Sagot ko naman sa kanya.

Tumingin naman kami ni Raissa kay Sheena at nahuli namin itong nakatitig sa aming dalawa. Ngumiti na lamang ako kay Sheena at ito'y nag-iwas na nang tingin.

"Don't trust her too much. That girl, ang lakas ng amoy niya na isa siyang traitor." Inis na saad ni Raissa.

"I know. I know. Calm down." Natatawa kong saad sa kanya.

"We will help you. Kapag napatunayan nating traydor ang babae na yan. I'm telling you, sasabunutan ko talaga ng husto yan." Seryosong sabi sakin ni Raissa.

Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap siya. Lumalakas ang loob ko na malalampasan namin itong lahat ni Ion.

"Thank you very much, Raissa. Your presence makes me feel that we are not alone with this fight." Sambit ko sa kanya.

"You're always welcome." Sagot nito sakin.

Sabay naman na kaming bumalik sa aming lamesa. Habang masaya kaming nagkekwentuhan ay lumapit sakin si Sky.

"Mommy, I will pee. Samahan mo po ako." Saad nito sakin.

Sasagot na sana ako nang sumabat si Sheena. Lumapit ito samin at hinawakan sa kamay si Sky.

"Ma'am, ako na lamang po sasama kay Sky. Let's go na Sky." Pagyaya ni Sheena.

Napatahimik naman ako sa sinabi ni Sheena. Iba ang pakiramdam ko, parang may mangyayari na masama sa anak ko kapag hinayaan ko itong sumama. Pinigilan ko naman ito agad na samahan si Sky.

"No. Si Ion ang magsasama kay Sky. Bawal ka sa C.R ng boys. Ipagpatuloy mo na ang pagkain mo. Just enjoy, our little vacation. Dahil pagbalik natin sa Manila, trabaho ka na naman." Mahinahon kong saad sa kanya.

Binitawan naman ni Sheena si Sky. At sinamahan na nga ni Ion ang anak namin sa C.R.

"Akala ko po, Ma'am sa Tarlac na tayo uuwi pagkatapos nitong party ng kambal." Takang sambit nito sakin.

Nagulat naman ako sa sinabi nito. Paano nito nalaman ang desisyon namin na yun?

"How did you know it, Sheena?" Pagtatanong ni Anne.

"A-ah, a-ano po k-kasi. Narinig ko po sa kanila nung nag-uusap sila nung nakaraan." Tarantang sagot ni Sheena.

Magtatanong pa sana si Anne nang dumating ang hindi namin inaasahan na panauhin. Sina Max at George ay nandito. Hindi naman namin sila inimbita. Ion and I make sure na kami-kami lang ang nandito sa party ng kambal. Pamilya at mga kaibigan lang. What are they doing here?

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon