Chapter 12

1K 22 13
                                    

VICE POV

Nanginginig naman ang aking kamay nang marinig ko ang boses nito. Kilalang kilala ko ang boses na ito. Lumingon naman ako kay Ion at kita ko rin ang pagkabigla sa kanya.

"I-ikaw! I-ikaw ang nasa likod ng lahat ng mga ito." Sagot ko sa kabilang linya.

Kukunin sana ni Ion ang cellphone nang pigilan ko ito. Bigla namang nanahimik ang nasa kabilang linya.

"George! Speak up!" Sigaw ko na sa kanya.

"V-vice? I-ikaw ba yan?" Pagtatanong nito.

Inagaw naman na agad sakin ni Ion ang cellphone. Mukhang hindi na ito nakapagtimpi pa. Galit ang reaksyon ng mukha ni Ion.

"Walang hiya ka! Sinisigurado ko sayo na mabubulok ka sa bilangguan! Ipapahanap kita saang lupalop ka man pumunta. Magbabayad ka sa ginawa mo sa anak ko! At sa panggugulo mo sa pamilya namin!" Galit na sigaw ni Ion.

Nakarinig naman kami ng mahinang pagtawa mula sa kabilang linya.

"Really? Well, tingnan lang natin kung maipapakulong niyo ako. Babalikan ko kayo. I'll make sure, Vice will be mine." Matapang na saad ni George.

"Kuya, sino ba yang kausap mo?" Rinig naman na tanong ni Max sa kabilang linya.

"Nothing. Matulog kana lang dyan." Sagot naman ni George.

"Ion, I will do everything just to get rid of you. Vice is only mine. Magiging akin din siya." Natatawang saad ni George.

"Hinding-hindi mo makukuha ang asawa ko. Itatak mo yan sa utak mo!" Sagot naman ni Ion.

Agad naman pinatay ni Ion ang tawag.  Nanghihina ako sa mga nalaman ko. Hindi ko akalain na muntikan na naman kaming maloko.

"Darling, pahinga na kayo ng mga bata. Kami na ang bahala rito." Mahinahong saad sakin ni Ion.

"Are you sure? You know that I can help you." Sagot ko naman sa kanya.

"Kaya na naman ito nina Kuys Vhong. Natawagan na rin naman na nina Kuys Vhong ang mga pulis eh. We will just wait them. Then, I'll follow you." Sambit sakin ni Ion.

Tumango na lamang ako sa kanya at nagyakapan muna kami bago ako umalis kasama sina Anne. Tahimik lamang kami na naglalakad. Lahat kami ay gulat pa sa pangyayari.

"Vice, I thought it is Alexander. But, I'm wrong. I didn't expect that George will betray us." Saad sakin ni Anne.

"Ako rin naman. Nag-offer pa nga siya ng tulong eh. Buti na lamang hindi namin tinanggap. Mas naging matalino na rin kami ni Ion sa pagdedesisyon." Sagot ko na lamang sa kanya.

"Magpasalamat na lamang tayo at walang nangyari na masama. Makukulong na sa wakas si George." Sambit ni Ate Amy.

"Wag kayong pakampante muna. Kita ko sa itsura nun na marami pang gagawin yun na masama. At nagsisimula pa lang siya." Seryosong paalala ni Raissa.

Napabuntong hininga naman ako sa narinig. Hindi nga malabong mangyari ang sinabi nito.

"Guys, cheer up! Birthday party ito ng kambal. We should enjoy. Let's forget this for a while. The boys will make sure everything will be fine." Nakangiting saad ni Karylle.

Napangiti na lamang ako sa kanila. Dumiretso na nga sila sa kanilang kwarto. At sinundo ko naman muna ang kambal sa kwarto nina Nanay Zeny at Nanay Rosario. Kita kong tulog na tulog ang mga ito. Tanging ang kanilang mga lola na lamang ang gising.

"Anong nangyari, nak?" Pagtatanong sakin ni Nanay Rosario.

"Kilala na po namin, Nanay." Sagot ko naman sa kanila.

"Sino?" Sabay na tanong ng mga ito.

"It's George." Tanging na sagot ko na lamang.

Bakas naman ang gulat kina Nanay sa narinig. Halatang hindi makapaniwala ang mga ito sa kanilang narinig.

"Hindi ko akalain na magagawa niya ang mga ganoong bagay." Komento ni Nanay Zeny.

"Akala ko ba okay na kayo? Diba nagdala pa siya ng regalo sa mga bata." Dugtong pa ni Nanay.

Tanging tango lamang ang aking narinig. Katahimikan naman ang nangibabaw sa buong kwarto. Hanggang sa nakarinig kami ng malalakas ng katok.

Agad naman yun pinagbuksan ni Nanay Zeny. Hinihingal na pumapasok si Ion sa loob.

"Nay, nakita niyo pa ang mga anak at yung asawa ko? Wala po kasi sila sa kwarto namin eh. Baka may nangyari na masama sa kanila. " Hinihingal na saad ni Ion.

Kita ko sa reaksyon nito ang takot at alala na baka wala kami. Ang asawa ko talaga kahit kailan. Sasagot na sana si Nanay nang magsalita muli si Ion.

"Nay, sumagot naman kayo." Tarantang saad ni Ion.

Imbes na sumagot si Nanay ay piningot niya ito. Napatawa naman ako sa kanya. Napabaling naman ang tingin nito sakin. Malalaki ang hakbang nitong lumapit sakin. Pagkalapit nito ay niyakap agad ako nito ng mahigpit.

"Pinag-alala niyo ako. Akala ko nakuha na naman kayo sakin. Hindi ko kakayanin kung sa pangalawang pagkakataon ay mawala ulit kayo." Mahinang saad sakin ni Ion.

Humiwalay naman ako ng yakap sa kanya. Tinitigan ko ito ng mabuti sa kanyang mga mata.

"We are safe. Hindi na tayo magkakahiwalay. Lalo pa at alam kong hindi mo kami papabayaan. Nagkwentuhan lang naman kami nina Nanay eh." Sagot ko kay Ion.

"Anak, kalma. Ano na ba ang balita?" Pagtatanong ni Nanay Rosario.

"Nasa kulungan na ho ngayon si Sheena. Si George po hinahanap pa ng mga pulis." Sagot ni Ion.

Napatango-tango naman kami. Masyado na kong pagod para sa araw na ito. Mabigat na rin ang talukap ng aking mga mata. Senyales na ako'y inaantok na.

Napansin siguro ni Ion na inaantok na ako, kaya nagpaalam na si Ion kina Nanay. Pina-iwanan naman na nila ang kambal. Pumayag na lamang din kami.

Mabilis naman kaming nakapunta sa aming kwarto. Agad akong nahiga sa aming kama. I'm really tired. I want to rest.

"Darling, change your clothes first." Utos sakin ni Ion gamit pa rin ang kanyang malambing na boses.

"Bukas na. I'm really tired, Darling. All I want to do is sleep." Nakangusong sagot ko sa kanya.

Nilapitan naman ako ni Ion at mabilis na hinalikan ang aking labi.

"Sige na. Para hindi na ako mag-alala sayo." Saad naman sakin ni Ion.

Wala naman akong nagawa kundi ang pagbigyan ito. Inalalayan niya akong bumangon at magbihis.

Bumalik na rin naman ako sa paghiga. Tumabi naman ito agad sakin at niyakap ako.

"Good night. I love you, Darling." Malambing saad ko kay Ion.

"I love you too, Darling." Sagot naman nito sakin.

Pinikit ko naman ang aking mga mata at rinig ko ang pagkanta niya sakin. Napangiti naman ako sa pagiging sweet ng aking asawa. Hanggang sa tuluyan na nga akong nilamon ng antok.

Author's Note:
Hi, sorry if ngayon lang nakapag-update. Naging busy lang talaga. And baka next chapter na po natin makikilala ang bagong anghel ng pamilyang Perez.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon