Chapter 16

1.2K 32 14
                                    

VICE POV

Lumipas ang araw at nakauwi na rin kami sa aming bahay. Sinalubong naman kami ng pamilya't kaibigan namin ng mga nakangiti.

"Hi,Baby Psyche. You're so beautiful." Saad ni Nathalia.

"Mana sa Mommy at Daddy eh. Kaya walang duda na maganda talaga ang prinsesa namin." Nakangiting sagot naman ni Ion.

"Hay nako, Kuya. Sa amin na nga muna ang maliit na anghel na ito dami mo pang sinasabi dyan." Masayang saad ni Nathalia.

Hindi pa kami nakakasagot ay kinuha na nina Nanay si Psyche at nauna pang pumasok sa loob ng bahay. Napatawa na lamang kaming dalawa na mag-asawa dahil dun. Sumunod naman kami ni Ion sa loob at nakita namin sila sa may living room na nagkukumpulan.

"Mukhang wala ata silang balak na ibigay sa atin si Psyche. Nawiwili pa sila sa Prinsesa natin." Saad ko kay Ion nang natatawa.

Inakbayan naman ako ni Ion at inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Nakangiti lang ako habang minamasdan sila. At hindi ko na rin napigilan ang aking paghikab.

"Iwanan na muna natin ang mga bata sa kanila, Darling. Magpahinga kana muna. Alam kong pagod at inaantok ka pa. Ilang araw ka rin na walang maayos na tulog." Malambing na sabi sakin ni Ion.

Napatayo naman ako ng diretso at umarte pa ko na sobrang sigla. Mula sa malambing niyang titig ay napalitan nang seryoso. Kaya naman napa-pout ako sa kanya.

"You need to rest. Para makabawi ka na ng mga lakas na nawala sayo." Seryosong saad sakin ni Ion.

"Paano naman ang kambal natin at si Psyche?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Andyan naman sina, Nanay. Willing sila na alagaan ang mga bata." Sagot naman niya sakin.

"Naiintindihan ko kina Sav at Sky maiintindihan nila tayo. Pero si Psyche..." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang halikan na lamang ako ni Ion sa aking labi para tumigil na ako sa pagsasalita.

"Darling, kaya na nina Nanay yun. Sila pa ba? Halika kakausapin natin sila." Saad sakin ni Ion.

Hindi pa ako sumasagot ay inalalayan na ako ni Ion palapit sa mga nagkukumpulan. Tumikhim naman si Ion para makuha ang atensyon nila.

"May problema ba, Nak?" Pagtatanong ni Nanay Zeny.

Umiling naman ako sa kanila bilang tugon. Kaya naman sinamaan ako nang tingin ni Ion. Ngumiti na lamang ako sa kanya.

"Okay lang po ba na kayo muna ang bahala sa mga bata?Nag-aalala kasi siya. Halata pong pagod na itong asawa ko ayaw pang magpahinga. Sasamahan ko lang po sanang magpahinga itong mabait kong asawa." Saad ni Ion.

"Sige na, samahan mo na si Vice. Ikaw din Ion magpahinga kana." Sagot naman ni Nanay Rosario.

"Pero pwede naman pong mamaya na lang kaming magpahinga eh." Pagsabat ko sa usapan nila.

"Wag kang makulit, Vice. Magpahinga na kayo. Wag matigas ang ulo." Pagsaway sa akin.

Tumango na lamang ako bilang tugon. Bago kami umakyat ay lumapit muna kaming mag-asawa para humalik kay Psyche at sa Kambal.

"Magpapahinga lang muna kami huh." Paalam ko kina Savannah at Sky.

"Okay, Mommy. Rest na po kayo ni Daddy. We will take care, Baby Psyche." Masiglang sagot samin ni Sky.

"Mommy and Daddy, we will wake you up na lang later." Nakangiting saad samin ni Savannah.

"Dito na muna kayo mga anak huh." Malambing na saad ni Ion.

"Are you sure na okay lang kayo?" Malambing kong pagtatanong sa kanila.

"Yes, Mommy. Don't think about us. You should rest." Pagsagot sa akin ni Sky.

"Sige. Basta kapag kailangan niyo kami. Gisingin niyo kami agad huh. I love you." Tugon ko naman.

Niyakap na lang muna namin sila bago tuluyang pumunta sa kwarto namin. Pagkapasok ko ay mabilis akong naglakad palapit sa kama para humiga.

Tumabi naman sakin si Ion sa paghiga. Nagsumiksik naman ako sa kanyang mga braso at narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

"Na miss ko yung bahay natin lalo na itong malambot na kama." Magiliw kong saad kay Ion.

"Bakit na miss mo na ba yung mainit nating sandali rito? Pwede naman nating gawin ngayon." Pagbibiro sakin ni Ion.

Kinurot ko naman siya agad dahil sa sinabi nito. Ramdam ko rin ang pamumula ng aking pisngi.

"Ikaw ang pilyo mo talaga. Nakakainis ka." Pabebe kong sagot.

"Ay sus, gusto rin naman ng asawa ko. Sabihin mo lang sa akin na gusto mo. Game na game na ako." Pasaring pa rin nito sakin.

"Ewan ko sayo, hahahahaha." Kunwaring pikon ko namang saad.

Tinawanan niya na lang ako at hinigit ako palapit pa ng husto sa kanya. Nagyakapan na lamang kami ng mahigpit.

Ramdam ko ang pagkapanatag sa mga bisig ni Ion. Sumiksik din ako ng husto pa sa kili-kili niya. Inaamoy-amoy ko ito dahil mabango, sobrang bango.

"Ang bango-bango ng kili-kili ng asawa ko. Hmmmm... Ang sarap amuyin." Natutuwa kong saad kay Ion.

Tawa lamang nang tawa si Ion dahil kiniliti ko rin siya. Nang mapagod kami parehas ay umayos kami nang pagtagilid magkaharap sa isa't isa.

"Darling, gusto ko lang malaman mo na habang lumilipas ang segundo, minuto, oras, araw... Mas lalo kitang minamahal. Sobra akong humahanga sa lahat-lahat nang ginagawa mo. Kung hindi mo na kaya, kung napapagod ka na. Sabihin mo lang sa akin, ako naman ang gagalaw sa bahay. Take some day off without us. I will do anything for you para naman makapagpahinga ka." Mahabang litanya ni Ion.

Lumayo naman ako sa kanya at tinitigan siya ng mabuti sa kanyang mga mata. Masaya ako sa narinig mula sa kanya. Parehas kaming nagpipigil na pumatak ang aming mga luha.

"Listen, Darling. I'm happy that you really appreciate all the things that I made in our family. Pero hindi ako mapapagod na alagaan, mahalin kayo. Masaya ako sa tuwing kasama ko ang mga bata lalo ka na. Hindi ko kailangan ng day off. Ang kailangan ko makasama ko lang kayo lagi. At makita kayong masaya, malusog. Doon pa lang kuntento na ako. Ginagawa ko yun kasi gusto ko at hindi ako naghahanap ng ano mang kapalit. Wala kang dapat gawin. Okay? I love you. Mahal na mahal kita, Darling." Malambing kong sagot kay Ion.

Pumatak naman na ang luha ni Ion kaya tuluyan na ring pumatak ang sa akin. We are too emotional right now.

"I love you too. Kaluguran daka. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Ano man ang mangyari ikaw lang ang mamahalin ko. Hinding hindi ako magsasawa na mahalin ka." Nakangiting saad sakin ni Ion.

Hindi na lamang ako umimik at hinalikan na lamang siya sa kanyang labi. Tumagal ng ilang minuto ang halik sa pagitan namin. Punung-puno ng pagmamahal ang halik na para kaming dinadala sa bagong mundo na tanging kami lamang dalawa.

Naghiwalay ang aming mga labi at umayos na kami parehas nang higa. Nagsumiksik muli ako sa pagitan ng kanyang mga bisig at humalik muli ng mabilis sa kanyang labi. Bago namin ipinikit ang aming mga mata ay ibinulong pa namin sa isa't isa ang katagang 'I love you'


ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon