Chapter 17

1.1K 46 50
                                    

VICE POV

Nakalipas ang ilang linggo at mas lalong tumatag ang pamilya namin. Nakakapagbonding kami kasama ang mga anak namin. Sina Savannah and Sky alagang-alaga ang kanilang bunsong kapatid na kinasisiya naming mag-asawa.

Si Ion bumalik na rin sa trabaho niya. Our company needs him. Every Saturday and Sunday naman ang day off niya. Naging matahimik na rin ang buhay namin na ipinagpapasalamat namin sa Diyos.

"Ate may naisip akong kalokohan." Pilyang saad sa akin ni Nathalia.

Naputol ang pagmumuni-muni ko dahil sa kanya. Halata rin sa kanya na may naiisip talagang kalokohan.

"Ano naman yun?" Tanong ko sa kanya.

"Diba I have a vlog. Naisip ko na gawan natin ng prank si Kuya." Sagot naman niya sakin na nagpipigil nang tawa.

"Baka naman magalit ang Kuya mo niyan sa atin. And marami rin akong ginagawa I'm not sure if I can help you with that." Tugon ko naman sa kanya.

Binalik ko naman ang aking atensyon kay Psyche na umiiyak sa kanyang crib. Lumapit naman ako rito para patahanin.  Kamukha niya talaga si Ion na nakapagpangiti sakin.

"Ate bakit ka nakangiti dyan? Papayag kana ba sa prank kay Kuya?" Pangungulit pa rin ni Nathalia.

Napabuntong hininga naman ako dahil rito. Hindi talaga ako titigilan nito hanggang hindi ako pumapayag.

"Sige na pumapayag na ako dyan sa trip mo. Ano ba kasi yung prank na sinasabi mo?" Tanong ko.

"Ignoring Kuya Ion for 24 hours. You need to ignore him for 24 hours." Nakangiting sagot niya sakin.

Nanlaki naman ang mata ko sa aking narinig. Na imagine ko pa lang na gagawin ko yun parang mahihirapan ata ako. Baka magtampo rin siya.

"Ate, g ka ba?" Excited na tanong sa akin ni Nathalia.

"Baka magtampo o magalit sa atin si Kuya mo." Nag-aalinlangan kong tugon.

"No, Ate. For fun lang naman eh. He will understand if I will say that we only did it because for the vlog. Kaya sige na, Ate. Payag kana huh, payag na." Nakangiting saad ni Nathalia habang tinutusok-tusok pa ang tagiliran ko.

"Sige na, sige na." Tanging na sagot ko na lamang sa kanya.

Ipinaliwanag nga sa akin ni Nathalia ang mangyayari. Magsisimula na mamaya ang prank namin kay Ion. Tamang-tama raw dahil day off bukas ni Ion mas magagawa ang Ignoring kay Ion. Ako ang kinakabahan sa gagawin namin. Baka hindi ko matiis si Ion kapag nagsimula na ito maglambing.

Lumipas ang oras at dumating na nga si Ion.  Sinalubong siya ng Kambal ng yakap na normal na nangyayari sa amin. Lumapit naman siya sa pwesto namin. Binati niya sina Nanay at humalik sa aming bunso. Hahalik na sana siya sa aking pisngi nang umiwas ako.

"May problema ba tayo, Darling?" Nagtatakang tanong niya sakin.

Hindi naman ako umimik sa kanya. Nanatili akong tahimik at nakamasid lamang sa aming mga anak. Napapansin kong hindi na rin mapakali si Ion.

"Darling, are you mad at me? Wala naman akong natatandaan na pinag-awayan natin kanina. Okay pa tayo kanina bago ako umalis." Saad sa akin ni Ion.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon