Chapter 2

1.2K 38 2
                                    

ION POV

Nakangiti naman akong nakatingin sa aking asawa na kausap ang aming mga kaibigan. Sobra ang nararamdaman kong saya, dahil nagkaroon ulit ng bagong anghel ang aming tahanan. Hindi na ako makapag-intay na makita ang aming Bunso.

"Congrats, Anak. Alam kong umaapaw ang kaligayahan na nararamdaman mo ngayon. Mukhang sasakit talaga ang ulo mo balang araw. Dahil dalawang babae ang kailangan mong bantayan sa mga manliligaw." Nakangiting saad sakin ni Nanay Zeny.

Imbes na sumagot ako sa kanya ay niyakap ko na lamang siya. Bigla na lamang tumulo ang aking mga luha. Luha ito ng kasiyahan, iba ang sayang nararamdaman ko ngayon. Ito ang saya na naramdaman ko noong nalaman ko ang gender ng aming kambal. Humiwalay naman ako kay Nanay at mabilis na pinunasan ang aking mga luha.

"Bakit ka naiyak, Noi?" Tanong sakin ni Nanay. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Wala po ito. Masaya lamang po ako, magiging tatay na po kasi ulit ako." Sagot ko naman sa kanya.

"Anak, kami rin sobrang saya para sa inyong dalawa ni Vice." Saad sakin ni Nanay.

Nagpaalam naman ako kay Nanay na pupuntahan ko lang ang aking asawa. Dahil bakas sa mukha nitong pagod na siya. Ngumiti naman agad sila sakin pagkalapit ko.

"Congrats, Ion. We are so happy for the both of you." Bungad sakin ni Karylle.

"Salamat. Masaya ako na nakapunta kayong lahat dito." Sagot ko naman sa kanya.

"Basta kapag may mahalagang event sa isa sa ating buong tropa. Dapat present ang lahat. Nakakagulat nga na ang bongga ng baby shower niyo." Saad ni Ate Amy.

Napatawa naman sina Anne at Vice. Palibhasa sila ang nagdesisyon tungkol dito. Lahat sila ang nag-asikaso.

"Ang galing namin ni, Sis. Actually, all of this is Vice's idea. Ako na lang yung nakipag-usap sa mga event organizer." Saad ni Anne.

Ang aking asawa naman ay proud na proud sa nagawa niya. Napangiti naman ako dahil nakikita ko ang kasiyahan sa mukha niya.

Masaya kaming nag-uusap ng mapansin ng aking asawa na wala si Savannah. Tanging si Sky lamang ang kasama nina Nanay.

GENERAL POV

Bakas sa mukha ni Vice ang pag-aalala ng hindi makita ang kanyang babae na anak. Lumapit naman agad ito sa kanilang pamilya.

"Nay, asan po si Savannah?" May pag-aalalang tanong ni Vice.

"Pumunta sa inyo. Kanina pa samin nagpaalam na pupuntahan daw niya kayong dalawa." Sagot naman ng ina ni Vice na si Nanay Rosario.

"Nay, hindi pa po siya napunta sa amin." Saad ni Ion.

Nagpanic naman si Vice dahil hindi talaga nila makita ang anak. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama rito. Naghiwa-hiwalay naman sila para mahanap si Savannah.

Sa kabilang banda,....

Nanatiling tahimik lamang si Savannah na nakatingin sa hindi niya kilalang lalaki. Hindi niya ito makilala dahil ito ay may maskara. Akala ng batang babae ay pwede na siyang umalis dahil natulungan na naman niya ito. Ngunit ayaw pa siya nitong paalisin.

"Little girl, kanina ka pa tahimik. Nakatingin ka lamang sakin." Saad ng lalaki gamit ang kanyang malagong na boses.

"What do you want for me? I want Mommy. Can I go, Sir? I'm done helping naman na you eh." Saad ni Savannah na bakas sa boses ang takot dahil sa kaharap niya.

"Ibibigay naman kita sa kanya eh. May itatanong na lang ako sayo." Sambit ng lalaki.

"What is it?" Pagtatanong ni Savannah.

Napangiti naman ang lalaki kay Savannah. Hindi naman siya nahirapang kunin ito. Dahil nga mabait ang bata, nagkunwari lamang siya na may hinahanap ay sinamahan siya nito. Siguro nga ganto pinalaki ni Vice ang kanyang anak, matulungin sa isip-isip ng lalaki.

"Okay lang ba na ako ang maging asawa ni Mommy mo? Pwede naman akong maging Daddy niyo eh. I can take care of you, your brother and even your little sister." Nakangiting saad ng lalaki kay Savannah.

"No! No! No! I don't want you to be my Mommy's husband. Dada Ion, is already fine with us. Dada really loves Mommy and vice versa. So, it's NO! I don't like you! We don't need you. Dada with Mommy is enough for us." Sigaw naman ng batang babae.

Tila naman nag- init ang ulo ng lalaki sa kanyang narinig. Hinawakan naman nito ng mahigpit ang mga braso ni Savannah. Umiyak naman si Savannah dahil sa sakit.

"Wala akong pakialam sa Dada mo! Akin lang si Vice! Kung magiging hadlang ka lang din naman para makuha siya! Mas mabuti pang patayin na kita!" Galit na galit na saad ng lalaki kay Savannah. Mas lalo namang natakot si Savannah dahil sa narinig.

"MOMMY! DADA! HELP ME!" Sigaw ng bata.

Sinaksak naman ito agad ng lalaki, dahil mas lalo itong nagalit sa pagsigaw nito. Ngunit mas lalo lamang napasigaw ang batang babae. Sasaksakin na sana muli nito si Savannah nang marinig nitong may dumating at si Vice yun.

"Anong gagawin mo sa anak ko?!" Galit na sigaw ni Vice. Agad naman tumakas ang lalaki papalayo.

VICE POV

Lakad takbo naman ang ginawa ko para makalapit agad kay Savannah. Pagkalapit ko sa aking anak ay kita ko ang sakit na nadarama nito. Niyakap ko naman siya agad at tumulo na lamang ang aking luha.

"Mommy, you came, you save me." Nanghihinang sabi ni Savannah habang umiiyak ito.

"Baby, what happened?" Alalang pagtatanong ko sa kanya.

Hindi naman ito sumagot. Pagkahawak ko sa tiyan nito ay may mainit na likido akong naramdaman. Hanggang sa nakita ko na lamang na may saksak ito sa tiyan. Nanginig naman ako sa nakita ko, ang daming dugo.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!" Sigaw ko habang umiiyak.

Narinig siguro kami nina Ion kaya naman nakapunta agad sila samin. Kalong kalong ko si Savannah na nanghihina na.

"Anak, lumaban ka. Wag kang matutulog. Dadalhin ka na namin sa ospital. Please, wag mong iiwan si Mommy huh." Saad ko kay Savannah.

"Mommy, I will. Please, don't cry. I will not leave you." Sagot nito sakin na talagang nanghihina na.

Tumulo naman ang mga luha sa mata ko.  Niyakap ko na lamang ito. Alam kong nalaban ang aking anak.

"Ion, dalhin na natin agad sa ospital si Savannah may saksak siya!" Sambit ko agad kay Ion. Bakas naman sa mukha nito ang takot at pag-aalala.

"I'll get my car. Intayin niyo na lang ako rito." Saad ni Vhong.

Tumakbo naman agad si Vhong para makuha ang kanyang sasakyan.

"Anong nangyari, Vice?" May pag-aalalang tanong ni Ion.

"Naabutan ko na lang na may sasaksak si Savannah. Nakatakbo yung lalaki, and pagkalapit ko kay Savannah. May saksak na siya." Nanginginig kong sagot kay Ion.

Dumating naman na agad si Vhong at papunta na kami agad ngayon sa ospital. Ibinilin namin kina Nanay si Sky.

Wala naman sanang mangyari na masama sa anak ko. Hindi ko kakayanin kapag nagkataon.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon