Chapter 6

1K 30 6
                                    

VICE POV

Nakalipas ang mga araw at nakalabas na rin sa ospital si Savannah. Nagkaroon na rin ng guard ang paligid ng bahay. Ang kambal naming anak ay may sariling bodyguard para hindi na maulit ang nangyari.

Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang nangyari at kung sino ba ang nasa likod ng pangyayari na ito. Naputol ang pag-iisip ko nang lumapit sakin si Sheena.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas sina Max at George raw po." Saad nito sakin.

"Sige, papasukin mo na sila." Sagot ko naman.Pinigilan ko naman itong umalis.

"How come na ikaw ang nagsasabi sakin? Diba may guard naman." Pagtatanong ko sa kanya.

Bakas naman ang gulat sa mukha nito. Nagtatanong lang naman ako sa kanya.

"Nevermind, puntahan mo na sila." Sambit ko na lamang.

Umalis na nga ito at hinintay ko na lamang na makarating sila. Nakangiti naman ang mga ito sakin na lumapit sakin. Bineso naman nila akong dalawa at sinenyasan ko silang maupo.

"Long time no see, Vice." Saad sakin ni George nang nakangiti.

"Yeah, it's really been a long time. How are you?" Sambit ko sa kanya.

"I'm perfectly fine. And I think, you need our help." Sagot sakin ni George.

Tiningnan ko naman ito ng nakakalito. Ngunit nanatili lamang ito na nakangiti. Iba ang tingin sakin ni George. Hindi ko masabi kung ano yun. It makes me uncomfortable.

"Nasabi ko kasi kay Kuya ang nangyari sa anak mo. And he volunteered to help you." Sambit ni Max.

"I don't think it is not a right idea. We can handle this." Tugon ko naman.

Tiningnan naman ako ng magkapatid na puno ng gulat. Ano ba ang nakakagulat sa sinabi ko sa kanila?

"Bakit ba ayaw mo kaming  patulungin sa inyo? Our gang can help you. We can protect you easily." Sambit sakin ni Max.

Bakit ba nila ako pinipilit sa ganoong bagay? Nag-iinit ang ulo ko sa kanila.

"Sa totoo lang, ayaw ko na ma-link muli kami sa mga gang na yan. Yun ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay noon. Baka may iba na namang mangyari kapag nagkataon." Sagot ko naman sa kanila na may bahid ng inis.

"Tell me, Vice. Alam mo bang nakalaya na si Alexander?" Nakasmirk na tanong sakin ni George.

Ako naman ang nagulat sa sinabi nito. How? Is it possible na  siya ang may pakana ng pangyayari na ito?

"Alam ko ang natakbo sa isip mo. Posible talaga na siya ang may pakana nun. Remember siya ang may pakana ng nangyari sa inyo ngayon. And diba, ang gusto ng suspect na maging kanya ka. He wants to own you." Sambit sakin ni George.

Tiningnan ko ito ng nakakalito. Paano niya nalaman ang bagay na yun? Naputol ang pag-iisip ko nang dumating si Ion.

"Darling, you're here." Malambing kong saad kay Ion at niyakap siya.

"I miss you, Agapé." Sambit nito sakin at saka ako nito hinalikan sa noo.

Nakarinig naman kami ng tikhim. Nakalimutan kong andito sina Max at George. This man can really bring me to another world that can escape us in reality.

Nakipagkamay naman si Ion kina Max and George. Sumenyas naman ako kay Ion na pupuntahan ko lang ang kambal. Tumango na lamang ito sakin.

Pumunta naman ako sa may garden at natagpuan kong masaya na naglalaro sina Savannah at Sky. Nang makita nila ako ay tumakbo ito palapit sakin.

"Hi, Mommy. Do you want to play with us?" Pagtatanong sakin ni Savannah habang naglalakad kami.

Bumalik na talaga ang sigla kay Savannah. Ngumiti naman ako kina Sheena at Alex at sinenyasan na tulungan akong umupo malapit sa kambal. Agad namang sinunod ng mga ito.

"Even though ilI want to play with you. I can't na, medyo hirap na kasi akong kumilos. I promise if kaya ko na, maglalaro na tayo with our Bunso." Nakangiti kong sagot kay Savannah.

"Okay, Mommy. We understand. Just sit and relax. Do you want juice and sandwich?" Pagtatanong sakin ni Sky.

Napangiti naman ako sa paglalambing sakin ni Sky. Niyakap ko naman ito ng mahigpit.

"You're so sweet like your father. Don't mind me. I'm full, I'm not hungry." Tanging nasabi ko na lamang kay Sky.

Hinayaan ko na lamang na maglaro ang kambal. Nanatili naman akong tahimik na nanonood sa kanila. What if pumayag na lang kaya ako na sa Tarlac na lamang kami?

"Darling, ano ang nasa isip mo?" Pagtatanong ni Ion.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sakin. Pinatayo naman ako nito at siya ang umupo sa inuupuan ko kanina.

"Sit here in my lap." Utos sakin ni Ion saka nito tinapik-tapik ang kanyang mga hita.

Agad naman akong umupo sa mga hita niya. Bakas sa mukha nito na nabigatin sakin. Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

"Tsk, bakit ka tatayo?" Pagtatanong sakin nito ng may bahid na inis.

"Mabigat na kasi ako. I see it in you face na nahihirapan ka na sakin." Nakanguso kong sagot sa kanya.

Hinalikan naman nito ang aking mga labi. Ngumiti naman ito sakin ng sobrang tamis.

"Eh ano naman ngayon? Yung mga mabibigat nga na bakal nabubuhat ko. Ikaw pa kaya?" Saad sakin nito.

Ako naman ang humalik sa kanya. This man never failed to make my heartbeats fast. He is the only who can make this to me.

"I love you, Ion." I said to him.

"I love you too." Sagot naman nito sakin.

"Bakit nandito ka na? Umalis na ba ang dalawang yun?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Yes. Hayaan mo na sila. Sabi ko bumalik na lang sila sa ibang araw. I want to enjoy every single seconds, minutes and hours with you." Tanging sagot lamang nito sakin.

Nanatili naman kaming tahimik na dalawa. Should I ask him? Sa tingin ko naman papayag si Ion.

"Ion, I'm thinking that is it alright if sa Tarlac na lang tayo tumira? Sabi mo, if I want at quiet life. We can live there." Nahihiya kong sabi kay Ion.

Tiningnan naman ako nito ng gulat na gulat. Wala naman masama sa sinabi ko. Napasimangot naman ako sa kanya.

"Are you sure about that?" Paninigurado nito sakin.

"Yes. Hindi naman kita tatanungin kung hindi ako sigurado." Mataray kong sagot sa kanya.

Tinawanan lamang ako nito at saka ako nito niyakap muli. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.

"Wag ka ng magalit. Ipapaayos ko na ang bahay natin dun. Pagkatapos ng birthday ng kambal natin. Doon na tayo titira." Masayang sambit nito sakin.

Ngumiti naman ako sa kanya at sumubsob na lamang sa may leeg niya. Siguro naman kapag nandoon na kami wala ng manggugulo samin. Wait, I'm so sleepy. I want to sleep. At tuluyan na nga akong nilamon ng antok.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon