Chapter 9

906 24 13
                                    

VICE POV

Naghahanda na kami ngayon papunta sa resort kung saan gaganapin ang birthday party ng aming minamahal na kambal. Sinikap naming matupad ang kanilang hiling na iyon. Si Ion na rin ang nagdesisyon, kailangan daw naming ipakita na hindi kami natatakot sa taong nasa likod ng mga pangyayari na ito.

Lumapit naman sakin ang kambal na nakangiti. At may inabot sila sakin na papel. Pagkatanggap ko ay hinalikan ko ang kanilang noo.

"What is this?" Malambing na tanong ko sa kanila.

"Gratitude letter, Mommy." Sabay na sagot ng kambal sa akin.

"You don't need to this. Makita ko lang kayong masaya at ligtas ay okay na ako." Saad ko sa kanila.

Pinalapit ko naman sila sakin ng husto para mayakap ko sila. Nasa ganoon kaming pwesto nag dumating si Ion na may malaking ngiti sa amin.

"Aalis na po ba tayo, Dada?" Pagtatanong ni Sky.

"Yes, tara na." Nakangiting sagot ni Ion.

Nagtatalon sa tuwa ang aming kambal. Nakangiti naman akong nakatingin sa kanila. They are really excited. Please, God huwag niyo pong hayaan na may mangyaring masama sa pamilya ko.

"Ang lalim ata nang iniisip ng asawa ko." Malambing na saad sakin ni Ion at hinalikan ang aking noo.

"Nagdasal lang ako na hindi tayo mapahamak." Sagot ko na lamang sa kanya.

Tumitig naman ito sa mga mata ko. Para akong nalulunod sa mga titig niya. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Baka kung saan pa mapunta ang tinginan namin na ito.

"Darling, are you sure that we are really safe there?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Araw-araw may napunta doon para i-check lahat. And nagpalagay na rin ako roon ng maraming security." Sagot naman nito sakin.

"Buti pumayag yung owner..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang patahimikin ako nito.

"We are the owner of that resort." Saad nito sakin.

Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko yun. Magsasalita na sana ako nang halikan nito ng mabilis ang aking labi.

"Wag ka na magtanong pa. Umalis na tayo, kanina pa excited ang mga kambal natin. Umuna na sila sa sasakyan, baka iwanan tayo ng mga yun." Pagbibiro niya sakin.

Napatawa naman ako sa sinabi niya at niyaya na nga siya palabas. Inalalayan ako ng aking asawa pasakay sa aming sakayan. Tuwang-tuwa naman ang kambal na paalis na kami.

Fast Forward

Matiwasay naman kaming nakarating sa resort. Tulad nga nang sinabi ni Ion talagang mahigpit ang seguridad. Ang mga anak naman namin ay tulog pa rin.

"Darling, mauna na akong bumaba. Tatanungin ko lang kung nandito na sila Nanay. Ipapakuha ko na pati sa tauhan yung gamit natin ng mga bata." Paalam ni Ion.

"Sige, balikan mo na lang kami agad dito huh." Sagot ko na lamang sa kanya.

Sinensyasan ko naman sina Sheena at Alex na gisingin na ang kambal. Ginising naman na ni Alex si Savannah at mabilis itong nagising. Nagtaka naman ako dahil hindi ginigising ni Sheena si Sky.

"Sheena, pakigising na si Sky." Mahinahon kong utos kay Sheena.

"Ma'am, ako na pong bahala kay Sky. Intayin ko na lang po siya sa paggising. Dito na lang po muna kami, susunod na lang po kami sa inyo." Sagot naman nito sakin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ngunit hindi pa rin ito natitinag.

"I said, gisingin mo na siya! Pwede naman nila ipagpatuloy ang pagtulog sa kwarto namin." May pagtitimpi kong saad sa kanya.

"Ma'am, baka naman po magtopak si Sky." Pangangatwiran nito sakin.

"Shut up, Sheena! I know Sky for a long time. At sigurado akong matutuwa pa yan dahil andito na tayo!" Galit kong saad sa kanya.

"Ma'am, wala po ba kayong tiwala sakin?" Pagtatanong sakin nito.

Napakunot naman ang noo ko sa kanya. This woman is really getting into my nerves. Paano napunta roon ang usapan?

"Sheena, hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo! You know that I trust you! Ang sinasabi ko lang gisingin mo ang anak ko. Para makababa na tayo. Andito na ata sina Nanay and they really miss Savannah and Sky." Inis kong saad sa kanya.

"Alex, ikaw na nga lang ang gumising kay Sky. Sheena, bumaba ka na. Kunin mo na ang gamit niyo ni Alex. Kami na ang bahala sa mga bata." Dugtong ko na lamang.

"S-sorry po, Ma'am." Paumanhin nito sakin.

"Okay, just do what I said to you." Tanging sambit ko na lamang.

Ginawa na nga ng dalawa ang inutos ko. There's really something wrong with Sheena. Hmmm, nagsimula ito noong napahamak si Savannah.

Nagdesisyon akong bumaba na nga ng sasakyan. Inalalayan ko naman ang kambal. Nakita ko naman patakbo na palapit samin si Ion kasama si Natalia.

"Bakit mukhang mainit ang ulo mo, ate?" Pagtatanong sakin ni Natalia.

Sinabi ko naman sa kanila ang nangyari sa pagitan namin ni Sheena. Si Natalia ay napatawa na lamang. Samantalang si Ion ay seryoso ang mukha.

"Don't mind her, Ate. Let's go na, inaantay na tayo nina Nanay." Saad sakin nito.

Tumango na lamang ako sa kanya. At nauna na nga itong naglakad kasama ang kambal at si Alex. Nakasunod naman kaming dalawa ni Ion na magkahawak ang kamay.

"Darling, what do you think of Sheena?" Tanong ko kay Ion.

"Parang nagbago siya simula noong nasaksak si Savannah. Diba?" Dugtong ko pa. Lumingon naman ito sakin at inakbayan ako.

"No, nag-iba siya simula noong nagkabalikan tayong dalawa. Hindi ko lang sinasabi sayo. Noon ko pa napapansin yun, ngayon lang talaga naging halata yung pagbabago sa kanya. Hindi ko lang sinasabi sayo kasi baka magalit ka sakin." Pagtatapat sakin ni Ion.

"Ion, gusto ko lang makasigurado. I think huwag natin hayaang masolo ni Sheena ang kambal. Please, do something. Iba ang pakiramdam ko sa kanya eh." Saad ko kay Ion.

"Okay, Darling. Sasabihin ko kay Kuys Vhong na pa-imbestigahan si Sheena." Sagot naman nito sakin.

"Let's make sure also na tayo lang ang nakakaalam ng mga ito. Ipagpaliban na rin muna natin ang paglipat sa Tarlac." Saad ko sa kanya.

"Sige. Wala tayong pagkakatiwalaan na iba. Maliban sa pamilya natin at sa tropa. Ako ng bahala sa lahat. Mag-enjoy kana muna ngayon huh. Let me handle this." Malambing na saad niya sakin.

We need to be smart. Hindi ko na hahayaang may mangyari pa na masama miski sino pa sa pamilya namin.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon