Chapter 4

1K 36 2
                                    

VICE POV

Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Ion pagkatapos ng aming pagtatalo. Wala akong balak na kausapin siya. Dahil baka mas lalo lang kaming magkasagutan kapag nagkataon. Umaga na ngayon pero hindi pa ako nakakatulog, inaantay ko na magising ang aming prinsesa.

Nakatitig lamang ako sa anak ko na mahimbing na natutulog. Sa bawat minutong hindi siya nagigising ay nagpapakaba sa akin ng husto. Hanggang sa nakita ko na unti-unti na nitong minumulat ang kanyang mga mata.

"Mo... Mommy." Mahinang saad nito sakin.

Ngumiti naman ako nang marinig ko ang kanyang tinig. Sa wakas gising na rin siya. Lumapit naman sina Ion samin.

"Okay ka na ba anak? Wala bang masakit sayo?" May pag-aalalang tanong ni Ion.

"I'm okay na, Dada. Don't worry about me." Sagot naman ni Savannah.

Parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang marinig ko yun. Buti naman okay na talaga ang anak namin.

"Sav, kilala mo ba kung sino ang may gawa niyan sayo?" Pagtatanong ni Jhong kay Savannah.

Bigla namang nagbago ang reaksyon ng mukha ni Savannah. Natakot ito bigla nang maalala niya ang nangyari sa kanya.

"I don't think this is the right time to ask her about that thing. Stop asking her! Baka makasama pa ito sa kanya!" Saad ko naman.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Savannah para mapakalma ito. Bakas pa rin sa mukha nito ang pangamba na baka may mangyari muli na masama sa kanya.

"Baby, listen to me. Hindi ko na hahayaang may mangyaring masama sayo, kay Sky and in our Bunso. So, don't be scared. Mommy, will always be here for you." Malambing kong saad kay Savannah.

"Anak, si Terrence ba ang may gawa niyan sayo?!" Pagtatanong ni Ion.

Pinanlakihan ko naman ng mata si Ion. Ano ba ang pumapasok sa utak ng lalaking ito?!

"I said, this is not the right time to ask her that bullshit thing! She needs to rest. Hindi niyo ba nakikita na natatakot siya kapag inaalala niya yun. Ion, imbes na ikaw ang unang umalala ng pwedeng mangyari. Nasali ka pa rin sa pagtatanong!" Galit kong sambit.

"Masama bang magtanong?! Ang gusto ko lang naman malaman kung sino ang may pakana nito para mabigyan ng hustisya ang pangyayari na ito sa kanya!" Sagot naman nito sakin.

"Magtigil ka, Ion! May ibang tamang panahon para sa pagtatanong na yan!" Tugon ko sa kanya. Pinapakalma naman kami ng mga kasama namin.

Pumasok naman sa loob ng kwarto na hindi namin namamalayan si Terrence. Mabilis itong lumapit kay Savannah na puno ng pag-aalala.

"Are you okay, Baby?" Pag-aalalang tanong ni Terrence.

Nakatitig lamang kaming lahat sa kanila. Hindi kami makakilos sa sobrang gulat dahil sa pangyayari.

"Daddy Terrence, you're here. Daddy, I'm so scared. There is a bad guy that talked to me and he asked for a help. Akala ko pagkatapos ko siyang tulungan, it's already done. But, hindi niya ako pinaalis. He said, si Mommy ay sa kanya lang. Nung sinabi kong, no! He became mad. Then, sinaksak niya na ako. Mommy came and she saved me." Pagkekwento ni Savannah sa kanyang Daddy Terrence.

That's it, hindi si Terrence ang may kagagawan nitong lahat. Hindi naman magsasabi si Savannah ng ganito kung si Terrence nga ang may pakana. Pero sino ang may gawa nito? Bakit sinabi nun na sa kanya lang ako?!

"Do you know the bad guy?" Pagtatanong ko naman kay Savannah.

Hinawakan naman ni Savannah ang kamay ko at ni Terrence. Nagkatitigan kaming dalawa ni Terrence at ngumiti na lamang sa isa't isa.

"No, I don't know him. He has a mask. But, one thing is for sure. It is not Daddy Terrence." Sagot naman ni Savannah.

"Mommy, Dada, please don't fight. I don't wat to see the both of you fighting because of me. I'm already fine." Dugtong pa ni Savannah.

Nginitian ko naman siya at saka ko ito hinalikan sa pisngi. Tiningnan ko naman si Ion pero nakatitig lamang ito sakin ng walang reaksyon.

"I'm sorry, Baby. Hindi na kami mag-aaway ni Dada mo. Dala lang ito ng sobrang pag-aalala namin sayo. Diba Ion?" Saad ko naman at tiningnan si Ion.

"Y-yes, Baby. We will never fight again. Promise ka sakin na magpapagaling ka huh." Malambing na saad ni Ion saka niya ito hinalikan sa pisngi.

Napabuntong hininga naman ako at lumayo na muna sa kanila. Lumabas na muna ako sa loob ng kwarto at naupo na lamang sa may labas. Nakakapagod ang pangyayari na ito. At Sinundan naman ako ni Terrence sa labas.

"Paano mo nalaman na nangyari ito kay Savannah?" Panimula ko sa kanya .

"Your mother called me. She asked me, kung ako ba ang may pakana nito kay Savannah. God knows that I can't do this to her." Sagot naman nito sakin at sumandal na lamang sa pader.

Napatingin naman ako sa kanya. Pumayat siya, he looks so terrible. Nagkakain pa ba ang taong ito.

"Baka naman matunaw ako sa mga tingin mo na yan." Pagbibiro nito sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Shut up! Mukha kang stress na stress. Pumayat ka. Kumakain ka pa ba?" Pagtatanong ko sa kanya ng hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

"Naging busy lang ako sa trabaho kaya ako ganito. Don't mind me." Sagot naman niya sakin.

"I'm sorry, if pinagbintangan ka nila." Simpleng saad ko sa kanya.

"Bakit ikaw ba hindi mo ko pinaghinalaan?" Tanong niya sakin.

"No, why would I? Alam ko namang hindi mo kayang gawin yun kay Savannah. I know how much you love  Sky and Savannah. Siguro nga wala akong tiwala sayo kapag tungkol sakin ang usapan. Pero, kapag sa Kambal may tiwala ako sayo." Sagot ko naman sa kanya.

Lumapit naman ito sakin at niyakap ako. Hindi naman ako agad nakagalaw dahil sa ginawa niya. Tinutulak ko ito palayo, pero nagmatigas itong yakapin ako.

"Please, for the last time let me hug you." Sambit nito sakin.

Kaya naman pinabayaan ko na lamang ito. Naramdaman ko naman na may tumulong luha sa balikat ko.

"Thank you for trusting me, when it comes to Savannah and Sky. I'm sorry for all the things that I've done to your family. Isa lang maipapangako ko sayo, yun ay hindi ko hahayaang may mangyari pa ulit na masama sa Kambal, sayo at sa magiging anak niyo ni Ion." Saad nito sakin.

"Okay na Terrence. Salamat, salamat sa lahat." Tanging nasagot ko na lamang sa kanya.

Humiwalay naman ito ng yakap sakin. At nagngitian na lamang kami. Pabalik na sana ako sa loob ng kwarto. Nang nakaabang sa may labas ng kwarto si Ion na masamang nakatingin samin. Kita ko sa mga mata niya ang galit at sakit.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon