Chapter 11

938 32 20
                                    

ION POV

Nabigla naman ako pagkalabas namin ng banyo ni Sky. Andito sina Max at George. Ano ang ginagawa ng dalawang ito dito?

Titig na titig si George kay Vice. Iba ang tingin niya sa aking asawa. Inihatid ko naman si Sky sa kanyang upuan saka ko nilapitan si Vice. Tiningnan ko naman si George at tila nag-iba ang reaksyon nito.

"Ano pala ang ginagawa niyong dalawa rito?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Birthday ngayon ng kambal niyo diba? And we are only here to give our gifts for them." Sagot ni Max nang nakangiti.

"Paano niyo nalaman na rito gaganapin ang party ng kambal?" Pagtatanong ni Terrence.

Nag-iba naman ang reaksyon ng magkapatid. Tama naman ang tanong ni Terrence. Paano nga naman nila nalaman ito?

"We asked Sheena about it." Sagot ni George.

"You should ask me instead of Sheena." Singit ni Vice.

Napangiti naman si George sa narinig. Sa tingin ko hanggang ngayon may gusto pa rin ang lalaking ito sa asawa ko. Hindi kaya, siya ang lalaki na yun?!

"Are you jealous, Vice?" Pagbibiro ni George.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa aking narinig. Ang kapal ng mukha nito na tanungin ng ganito ang asawa ko sa harapan ko pa. Pinisil ko naman ng marahan ang balikat nito.

"No. Never. Dapat sa amin kana lang nagtanong instead of her. Para alam namin na pupunta kayo. Binigla niyo talaga kami." Sagot naman ni Vice.

Seryoso naman akong nakatingin kay George. Hanggang sa lumapit si Raissa kay George. Tinitigan niya itong mabuti bago tiningnan si Sheena.

"You look so familiar. I think I already saw you before with her." Saad ni Raissa at itinuro pa si Sheena.

Gulat naman ang naging reaksyon ng dalawa miski kami. Paano naman nangyari yun?

"Saan mo naman nakita ang kapatid ko at saka si Sheena? Kaka-uwi lamang namin last month from America." Pagtataka ni Max.

Mukhang wala ngang alam si Max. Nakikinig lamang ako sa kanila. Dapat makakuha ako ng maraming kaalaman bago sumingit.

"In America, it is three years ago. Parang sa restaurant ko sila nakita noon na magakasama. Kasi parang nagtatalo sila noon eh." Sagot ni Raissa na nag-iisip talaga.

"Anyway, baka nagkamali ako. Baka kamukha niyo lang yun. Don't mind me." Dugtong na lamang ni Raissa.

Naging tahimik naman ang buong paligid. Tila walang gustong umimik sa mga naganap.

"Max at George, kumain na muna kayo. Siguradong nagutom kayo sa byahe." Saad ko na lamang sa kanila.

"Hindi na aalis na kami. Actually, idadaan lang talaga namin yung regalo rito. We need to go. We have something to do." Sagot na lamang sakin ni Max.

"Ganun ba? Sige, mag-ingat na lamang kayo." Saad ni Vice.

Pagkabigay nga ng regalo ay umalis na nga ang mga ito. Hinawakan naman ni Vice ang aking kamay.

"Darling, what do you think about them?" Tanong sakin ni Vice.

"Wala naman. Mukhang gusto lang nila talaga ibigay ang regalo nila." Sagot ko na lamang sa kanya.

Ayaw kong mag-isip pa siya ng kung anu-ano. Niyakap ko na lamang ito para kumalma. Hindi maganda sa kanya ang ma-stress sa mga bagay-bagay.

Humiwalay naman ito ng yakap sakin at lumapit kay Sheena. Kita ko ang galit sa mukha ng asawa ko. Lalapitan ko sana siya ng pigilan ako ni Vhong.

VICE POV

Lumapit naman ako kay Sheena at tiningnan siya ng masama. Naiinis ako sa ginawa niya.

"Bakit mo sinabi sa kanila kung saan ginanap ang party na ito?! Hindi mo man lang kami tinanong tungkol doon!" Galit kong bungad sa kanya.

"Kaibigan niyo naman po sila. Akala ko po pwede." Sagot nito sakin na nakatitig sa aking mata.

"Miski na, you should ask me! Masyado kang intrimitida. Kanina pa ako nagtitimpi sayo!" Saad ko sa kanya.

"Grabe ka naman sakin, Vice! Kaya kayo napapahamak eh! Ganyan kasi ang ugali mo!" Saad nito sakin.

Sinampal ko naman ito dahil sa sinabi niya sakin. Gaganti pa sana ito ng agad ko itong sinapak sa mukha. Napasalampak naman ito sa sahig dahil sa ginawa ko.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihin sakin yan! You're fired! Hindi ko kailangan ang isang katulad mo!" Galit kong saad sa kanya.

Lumingon naman ako kina Nanay at nakatitig lamang ito samin. Ngumiti na lamang ako sa kanila.

"Nay, mauna na po kayo. Pakisama na po ang mga bata. Susunod na lang po kami sa inyo." Saad ko sa kanila.

Tumango naman ang mga ito sakin. Kasabay nila ang maraming security. Naiwan kaming buong barkada at si Alex.

Nakita ko namang may hawak na tali sina Anne at Raissa. Nilapitan agad ng mga ito si Sheena at saka itinali sa may upuan. Nagpupumiglas naman ito. Ngunit bawat piglas nito ay isang sampal ang natatanggap nito mula kay Raissa. Napapatawa na lamang kami sa aming napapanood.

"Alex, anong nalaman mo kay Sheena?" Tanong ni Ion.

"Sir, may kausap po siya sa cellphone niya. Ang tawag niya Boss. Sa tingin ko po kasabwat siya ng mga kalaban niyo." Sagot ni Alex.

Ibig sabihin talagang may alam ang babaeng ito. Ang galing ng asawa kong mag-isip ng plano. Napangiti naman ako nang makita kong patuloy pa rin pinapaamin nina Anne si Sheena.

"Wala kayong makukuha na impormasyon tungkol sakin! Wala akong alam tungkol sa sinasabi niyo!" Sigaw nito sa aming lahat.

"Hmmmm.. you and that freaking George mukha kayong mga kriminal. Yuck!" Maarteng saad ni Raissa.

Napatawa naman kami dahil sa narinig na yun. Sinensyasan ko naman si Jhong na kunin ang cellphone nito. Agad naman nila itong nabuksan. Dahil may face recognition naman ito. Madali itong nabuksan. Tiningnan naman agad ng mga ito ang cellphone nito. Umiling naman ang mga ito sakin. Ibig sabihin ay walang makikita.

"Sinabi ko naman sa inyo diba!" Sigaw pa rin ni Sheena.

"Tumahimik kang babae ka! Baka gusto mong sapakin ulit kita!" Galit kong saad sa kanya.

Tumahimik naman nga ito. Kinuha ko naman ang cellphone niya. Tiningnan ko ang contacts nito at may nakapangalan na Boss.

Tinawagan ko naman ito agad. Ring lamang ng ring noong una. Niloud speaker ko naman ang cellphone para marinig nila. Hanggang sa sinagot na nito.

"Hello! Ano ba ang kailangan mo na babae ka?! May balita na ba kay Vice?! Makukuha ko na ba si Sky!?" Inis na tanong nito pagkasagot ng tawag.

Nabigla naman kaming lahat dahil sa boses nito. Kilala namin kung sino ang nagmamay-ari nun. Ibig sabihin, ang nasa likod ng lahat ng ito ay si ......

To be continued.....

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon