Chapter 14

1K 33 4
                                    

VICE POV

Pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang Kambal na katabi ang kanilang mga lola. Ngunit wala naman ang aking asawa.

"I know our baby sister is very beautiful like me." Masayang saad ni Savannah.

"Yes, she is. I promise to the both of you, that I will protect you. No one can hurt you and our baby princess." Sagot naman ni Sky.

"I will protect also our baby sister. Don't worry, when we grow up. We will not let anyone make her cry." Saad naman ni Savannah.

Naluha naman ako sa narinig ko sa aking mga anak. Miski sina Nanay ay mukhang masaya sa narinig. Napansin naman ako ni Savannah na gising.

"Mommy! Mommy! You're awake! How's your feeling?" Masiglang saad ni Savannah.

Napalingon naman agad ang iba sakin at nagtatakbong pumunta sa tabi ko ang kambal. Hinalikan nila ako sa aking pisngi.

"Are you already, okay? Do you need water? How about food?" Pagtatanong ni Sky.

Natawa naman ako sa kambal kong anak. Manang mana kay Ion.

"Mommy, why are you laughing?" Tanong ni Savannah.

"Nothing." Simpleng sagot ko lamang.

Sumimangot naman ang mga ito sakin. Kaya mas lalo lang akong natawa sa kanila. Habang nasa kasagsagan kami ng kulitan ay pumasok naman si Ion na may malaking ngiti sa labi.

"Be ready. In a few minutes, Psyche will be here." Pag-imporma ni Ion.

Ngiting-ngiti naman ako sa aking narinig. Napadako naman ang aking tingin sa Kambal na mukhang nalilito. Sinenyasan ko si Ion na tanungin ang aming mga anak.

"What's bothering the both of you?" Malambing na tanong ni Ion saka hinalikan ang mga ito sa kanilang noo at pagkatapos ay sa akin naman.

"Who is Psyche? Is she our baby sister? Is she Princess?" Pagtatanong ni Savannah.

"Sav and Sky, your baby sister's name is Psyche Marie V. Perez." Pagsagot ko naman.

Mas lalo namang nalukot ang mukha ng kambal sa narinig.

"I thought our sister name is, 'Baby Bunso' or 'Princess'. Because that's how you called her before." Saad naman ni Sky.

Tumango-tango naman si Savannah na tila sumasang-ayon kay Sky. Napahagalpak naman kami ng tawa sa aming narinig.

"No, baby. We just called her Princess or Baby Bunso. Because we can't decide her name before." Pagsagot ni Ion.

"I understand na. Pero we can still call her Baby Bunso or Princess. Am I right?" Paninigurado ni Sky.

"Yes, Sky. How about you Sav?" Saad ni Ion.

"I understand it too. But, where is Psyche?" Curious na tanong ni Savannah.

Ilang saglit pa nga ay pumasok na si Doktora at ang nurse na may hawak sa baby namin. Inilapit naman ng nurse sakin ang bata.

Ngunit, isang tinginan lang ay parang may mali. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Doc, are you sure this is my daughter?" Pagtatanong ko.

Nag-aalangan naman na tumingin silang lahat sakin.

"Yes, Mrs. Perez. Bakit po ba?" Saad ni Dr. Rebola.

"Bago ako matulog kanina. Tinitigan ko ng mabuti ang aking anak. S-she have three moles near in her eyes. This baby, she doesn't have." Nanginginig kong sagot.

Lumapit naman sakin si Ion at tinitigan din ang bata.

"T-tama. Natatandaan ko. Ipaliwanag niyo ito!" Galit na saad ni Ion.

"Hindi po namin maintindihan. Dahil ang pangalan ng batang ito..." Hindi natapos ni Dr. Rebola ang sasabihin ng sumabad si Ion.

"Kung ganun, bakit wala ang anak namin?! Bakit iba ang binigay niyong bata samin?! Kapag may nangyari na masama sa anak namin sisiguraduhin ko na makukulong kayo!" Galit na sigaw ni Ion.

Bakas naman ang takot sa mukha ni Dr. Rebola at sa kasama niyang nurse. Ibinalik ko naman ang bata sa nurse. Nagpaalam naman ang mga ito na gagawin ang lahat para hanapin si Psyche.

Lumingon naman sakin si Ion at niyakap ako. Hanggang sa tuluyan na lang akong napaiyak sa bisig ni Ion.

"I-ion, please find our daughter. We can't lose her." Umiiyak kong saad sa kanya.

"I will find her. Just stay here. Okay?" Sambit nito.

"Hindi nila basta mailalabas ang anak natin dahil mahigpit ang security ng hospital. Paparating na rin sina Vhong magpapatulong ako sa kanila. Sa ngayon magpahinga ka na muna." Dugtong pa ni Ion.

Hindi na lamang ako umimik at nanatiling nakatulala. At umalis na nga si Ion. Ang anak ko, bakit ganito ang nangyayari sa pamilya namin? Bakit kailangang madamay ng bunso naming anak?

"Anak, kumalma ka. Masama sayo yan. You should rest." Saad sakin ni Nanay Rosario saka ako niyakap.

Mas lalo naman akong naiyak dahil sa pangyayari. I don't know how to calm myself.

"N-nay, mababaliw ako kapag hindi nahanap si P-psyche. Nay, saglit ko lang siya nakita, nahawakan. Hindi ko kakayanin, Nay." Umiiyak kong sambit sa aking ina.

"Tatagan mo ang loob mo. Mahahanap din ang anak niyo. Okay?" Sagot naman sakin ng aking ina.

Niyakap naman ako nina Savannah at Sky. Wari ako'y pinapatahan nila. I need to be strong not only for myself and Psyche also for Sav and Sky.

"Mommy, I'm curious. Paano mo nalaman na hindi siya ang baby princess natin?" Tanong ni Sky.

Ngumiti naman ako ng pilit sa kanila. Pinapakalma ang aking sarili.

"Sky, tinitigan ko ng mabuti ang kapatid niyo kanina. At saulo ko ang bawat detalye sa mukha niya. Iba rin ang pakiramdam ko ng hawakan ang bata na ibinigay sakin kanina nung Doctor. Hindi yun katulad ng una kong mahawakan ang kapatid niyo." Mahaba kong paliwanag.

"Mommy, mahahanap naman po natin siya diba?" Tanong muli ni Sky.

"Y-yes. I and Dada promise you that we will find our Baby Bunso." Sagot ko.

Hinawakan naman ni Savannah ang mukha ko. Pinunasan nito ang aking mga luha na nakapagpangiti sakin.

"Mommy, don't cry." Malambing na saad sakin ni Savannah.

"I will try not to cry, Baby." Sagot ko.

Hinalikan ko naman ang noo ng aking mga anak. Saka ko sila masuyong niyakap. Miski paano ay nawala ang takot at lungkot na aking nadarama.

"Thank you for making me calm, babies." Saad ko sa kanila.

"You're welcome, Mommy." Sagot naman nila sakin.

"Nak, mahahanap din natin ang bunso niyo huh. Sa ngayon, magpahinga ka na muna. Sigurado, pagkagising mo andito na si Psyche." Mahinahong saad sakin ni Nanay Zeny.

Tumango naman ako at ipinikit ang aking mata. Taimtim akong nagdarasal na makita ko na agad sana ang anak namin.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon