Chapter 3

1.1K 36 6
                                    

VICE POV

Sobra ang takot na nararamdaman ko dahil sa nangyari sa anak ko. Hindi ko alam kung sino ba ang may gawa nito sa kanya.

Kasalukuyan na ginagamot pa rin si Savannah. Si Ion ay nireport na sa pulis ang pangyayari. Hindi namin lubos maisip ang motibo ng may kagagawan nito.

"Darling, sino kaya ang may pakana nito kay Savannah?" Pagtatanong sakin ni Ion.Napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi ko alam, Ion. Baka naman ang may gawa nito isa sa mga nakaaway mo sa gang noon. At ang binabalikan yung anak natin." Sagot ko naman sa kanya.

Tiningnan naman ako nito ng litong-lito. Bakas sa mukha nito ang sakit mula sa narinig sakin.

"Paano mo nasabi ang ganyang bagay?! Matagal na kong wala sa gang simula noong nawala kayo sakin. Kaya paano naman nangyari na may kinalaman ang pangyayari na ito." Saad naman niya sakin na puno ng hinanakit ang boses nito.

"I'm sorry, Darling. Nadala lang ako ng takot kaya nasabi ko yun. I'm really sorry." Umiiyak ko namang paumanhin sa kanya.

Nakakahiya dahil pinagbintangan ko pa siya. Niyakap naman ako nito at hinagod ang aking likod. Medyo gumagaan ang pakiramdam ko sa ginagawa niya.

"Naiintindihan ko, Darling. Kumalma ka muna, makakasama yan sa baby natin." Tugon naman niya sakin.

Hihiwalay na sana sa yakap namin si Ion nang pigilan ko siya. Gusto kong maramdaman ang yakap niya. Dahil napapakalma ako nito. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa kaya naman nahampas ko siya.

Ilang sandali pa ay lumapit na nga samin ang Doctor. Kaya naman naghiwalay na kami sa pagyayakapan ni Ion.

"Are you the parents of the patient?" Pagtatanong samin ng Doktor.

Tumango naman kami ni Ion. Hawak ni Ion ng mahigpit ang aking kamay. Ramdam ko ang kaba sa kanya.

"The patient is already stable. Maswerte na hindi ganoon kalalim ang pagkakasaksak sa kanya. And buti na lamang nadala siya agad dito sa ospital. Let's wait until she wake up. Pwede niyo na siyang puntahan sa Room 3127." Saad samin ng Doktor.

Napatango naman kami at nagpasalamat sa kanya. Laking pasasalamat ko na okay na si Savannah. At wala namang nangyari na masama sa kanya.

Pagkarating naman sa kwarto ay mahimbing na natutulog ang aming anak. Paano nagawa ng lalaki na yun na saktan ang aking anak. Walang kalaban-laban si Savannah.

"Buti na lamang okay na ang anak natin. Wala nangyari na masama sa kanya. Hindi ko akalain na sasaktan niya ang walang kamuwang-muwang na bata." Saad ni Ion at hinaplos pa ang kamay ni Savannah.

"I don't know. I really don't know. Savannah is an angel. How can he do such thing like this." Sagot ko naman kay Ion.

Hinalikan ko naman sa noo ang aming anak at hinaplos haplos ang pisngi nito. Ang anak ko, hindi niya deserve ang pangyayari na ito.

"Ang iniisip ko, Ion. This is a traumatic experience to Savannah. Baka magkatrauma siya, malaki ang chance na mangyari yun." Saad ko kay Ion at tiningnan siya.

"Darling, listen to me. Kung sakaling mangyari man yun. Magkasama tayong dalawa na tutulungan siya. Malalampasan din natin ang pagsubok na ito." Sagot naman niya sakin.

Hinawakan naman nito ang aking kamay at nginitian niya ako. Para bang sinasabi ng mga ngiti't tingin niya sakin na okay lang ang lahat. We can do it together.

Pumasok naman sa loob ng kwarto sina Anne na halata ang pag-aalala kay Savannah. Hinayaan naman namin na malapitan ang anak namin.

"How is she?" Pagtatanong samin ni Mariel.

"She's already okay. Stable na ang kalagayan niya. Sa ngayon inaantay na lang namin na magising siya." Sagot ko naman sa kanya.

Tumango naman ang mga ito. Nanatiling tahimik ang buong kwarto. Siguro hindi namin inaasahan na may mangyayari na ganito.

"Tiningnan namin ang CCTV kanina. Hindi namin makilala ang lalaki kasi may maskara siya. Nakakapagtaka lang kusang sumama ang anak niyo sa kanya. Dire-diretso sila patungong labas ng venue. Para bang kilala niya yung lalaki." Saad samin ni Jhong.

Napa-isip naman ako sa sinabi nito. Bakit kusang sumama si Savannah? Anong dahilan?

"Hindi naman kaya si Terrence ang gawa nun? Kasi parang kilala ni Savannah ang kasama niya eh." Saad ni Anne.

Napatingin naman silang lahat sakin. Pero, parang ang imposible naman nang sinasabi nila.

"Imposible yun. Terrence can't do that to Savannah. I know him very well. Hindi siya gagawa ng bagay na ikakapahamak ng sino man sa kambal. Alam ko kung gaano niya kamahal sina Savannah. Siya ang numero unong tagapagtanggol ng kambal. Kaya naman imposible talaga." Sagot ko naman.

Siguro nga nagsinungaling noon si Terrence. Pero miski isang beses hindi niya nasaktan ang kambal. Tinuring pa nga niyang parang tunay na anak sina Savannah.

"Paano mo naman nasabi yun, Vice?! Hindi mo pa naman ganoon kalubos na kilala ang lalaki na yun!" Inis na saad sakin ni Ion.

"Sa maikling panahon na magkasama kami noon. Hindi man lang niya nasaktan ang kambal. His love for the twins is really genuine. So, it is really impossible. And nagpromise siya noon na titigilan niya ang panggugulo sa pamilya natin." Tugon ko naman sa kanya.

"Paano ka namang nakakasigurado na tutuparin niya yung sinabi na yun?!" Sagot naman nito sakin.

"I just feel it! Baka naman kasi talagang binabalikan lang tayo ng mga kaaway mo noon." Saad ko sa kanya. Pwede rin naman kasi yun.

"Malabo nga ang sinasabi mo na yan. Matagal na akong wala sa gang. At paano mo maipapaliwanag yung kusang pagsama ng anak natin?! Teka nga, bakit mo ba pinagtatanggol ang Terrence na yun?!" May paghihinakit na sabi sakin ni Ion.

"Hindi ko siya pinagtatanggol! I'm just telling, what I think is right! We can not conclude easily without any proof. So, stop this stupid thing!" Galit ko namang sagot sa kanya.

Tiningnan naman ako nito ng masama. Sa tingin ba ni Ion na matatakot ako sa kanya. Nag-aaway na kami dahil lang sa kung sino ba ang may kagagawan ng lahat na ito.

"Wag na kayong mag-away na mag-asawa. Wala naman maitutulong yan sa pagsagot ng kaso kung sino ba talaga ang may kagagawan na ito sa anak niyo." Pagpigil samin ni Max.

Teka, andito pala siya. Hindi ko man lang napansin na kasama pala siya nina Anne.

"Andyan ka pala." Maikling pahayag ni Ion na halatang wala sa mood.

Ngumiti na lamang samin si Max. Pero hindi ko na ito pinansin. Wala ako sa mood na makipag-usap.

What if tawagan ko si Terrence to confirm if may kinalaman ba siya rito. Pero it's really impossible for him to do it. I know it, that he can't do such stupid thing like this.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon