Chapter 5

1K 35 4
                                    

ION POV

Hindi ako napalagay ng lumabas si Vice. Tapos sinundan pa ito ni Terrence. Bakit ba kasi nandito ang lalaki na yun?! Hindi naman namin siya kailangan eh.

"Kuys, kalma. Kanina ka pa nakasimangot dyan." Saad sakin ni Vhong.

Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko na kayang nag-aaway kami ni Vice.

"Kausapin mo na ang asawa mo sa labas. Ikaw lang din ang inaantay nun. Ang tamang gawin niyong dalawa ay mag-usap. Hindi ito ang tamang panahon para mag-away kayo. Hindi rin maganda kay Vice ang sobrang stress." Payo sa akin ni Ate Amy.

Tumango na lamang ako sa kanya. At napagpasiyahan kong sundan nga si Vice sa labas. Ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko. Sina Vice at Terrence magkayakapan.

Tiningnan ko naman sila ng may galit at sakit. Saglit lang ako nawala sa paningin ni Vice may kayakapan na ito. Napansin naman nila agad ako na nakatitig sa kanila.

Lumakad naman ako ng mabilis palayo sa kanila. Hindi ko kayang maka-usap muna si Vice. Nasasaktan ako ngayon, parang tinutusok-tusok ang puso ko. At tumulo na lamang ang aking luha.

"Ion! Darling! Wait for me! Mag-usap na muna tayo!" Sigaw sakin ni Vice.

Ngunit hindi ko siya nilingon man lang. Naririnig ko pa ring tinatawag niya ako. Hindi ko kayang tiisin si Vice kaya naman tumigil na ako sa paglalakad pero nanatili akong hindi lumulingon. Naramdaman ko na lamang na  yumakap sakin si Vice.

"I'm sorry, Ion. Don't be mad at me. Yung nakita mo kanina wala lang yun. He just only said sorry for all the things he had done to our family." Sambit nito sakin habang umiiyak.

Nanatili naman akong tahimik at hindi pa rin siya nililingon. Ang higpit ng pagkakayakap nito sakin.

"Please, speak.. talk to me, Darling." Umiiyak pa rin nitong saad sakin.

Humarap naman ako sa kanya at niyakap na rin siya. Mas lalo naman itong umiyak sa ginawa ko. How can I be so mad to Vice? Hindi ko siya kayang tiisin ng matagal.

"Sshh, stop crying. Ayokong nakikita kang umiiyak at nasasaktan ng dahil sakin." Sambit ko naman sa kanya.

"Ikaw naman kasi, kanina ka pa galit sakin. Hindi pa nga tayo bati kagabi, nag-away na naman tayo kanina." Sagot naman nito sakin na halata sa boses ang pagkatampo.

Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Nakonsensya naman ako sa pinaggagawa ko kanina. Humiwalay naman ako ng yakap sa kanya at hinawakan ko na lamang ito sa kanyang mga balikat.

"I'm sorry, Darling. Nadala lang ako ng emosyon. Sa stress, na nangyari ito kay Vice. At saka nagselos din ako, pinagtatangol mo kasi si Terrence. And kay Savannah, parang mas gusto niya pa rin si Terrence kaysa sakin. Naabutan ko pa kayo na magkayakap kanina ng lalaki na yun." Saad ko naman.

Napatawa naman ito sakin. May nakakatawa ba akong sinabi? Parang wala naman eh.

VICE POV

"I'm sorry, Darling. Nadala lang ako ng emosyon. Sa stress, na nangyari ito kay Vice. At saka nagselos din ako, pinagtatangol mo kasi si Terrence. And kay Savannah, parang mas gusto niya pa rin si Terrence kaysa sakin. Naabutan ko pa kayo na magkayakap kanina ng lalaki na yun." Saad ni Ion habang nakanguso pa.

Natawa naman ako sa kanya, ang cute niyang magtampo. Hinawakan ko naman ang mga pisngi niya.

"Wag ka ng magdamdam, Darling. Wala ka dapat ikaselos kay Terrence. Ikaw ang MAHAL KO, dahil ikaw lang sapat na. About kay Savannah, hindi mo maiaalis ang pagiging malapit niya kay Terrence. Matagal din silang nagsama, and always remember ikaw lang ang nag-iisang tatay nina Savannah, Sky at ni Bunso. So, wag ka na magselos. I love you. Mahal na mahal kita." Buong pagmamahal kong sambit sa kanya at saka ko ito hinalikan sa labi.

Tumugon naman sa halik ko si Ion. Ilang minuto pa nga ang lumipas bago naghiwalay ang aming mga labi.

"Please, as soon as possible wag na tayong mag-away. I love you, Darling. You will be my forever agapé." Saad sakin ni Ion.

Tumango naman ako sa kanya at yumakap muli sa kanya. Hanggang sa napagpasyahan naming bumalik sa kwarto ni Savannah. Naka-akbay ito saking mga balikat. Sa wakas okay na rin kaming dalawa.

Pagkapasok namin sa loob ay nakangiti sila saming lahat. Lumapit naman kaming dalawa ni Ion kay Savannah.

"Okay na po ba kayo, Dada and Mommy?" Pagtatanong samin ni Savannah.

"Yeah, we are already okay." Sagot ko naman.

"Susubukan naming hindi na mag-away ni Mommy mo. Kasi hindi naman nawawala yun sa relasyon. Pero susubukan naming hindi na lumalala pa yun. Hindi ko rin kasi kayang tiisin ang Mommy mo." Sagot din naman ni Ion.

"Wow! Dada, you really love Mommy. Kaya hindi talaga ako papayag na may aagaw kay Mommy sayo." Sambit ni Savannah.

Nagkatitigan naman kaming dalawa ni Ion. Hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na yun. May bago na namang nanggugulo sa pamilya namin. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito.

"Listen, Baby. Hindi ko hahayaang may mangyari pa ulit na masama sayo. Miski sino man na malapit satin. At hindi ko rin hahayaan na makuha satin ang Mommy mo. I will protect our family. We can do this together. No one can defeat us. Hindi ko na ulit hahayaan na magkahiwalay tayo." Paninigurado ni Ion.

Napangiti naman ako sa narinig ko. Miski narinig ko man yun, hindi na siguro mawawala ang pangamba kong ito hanggang hindi nahuhuli ang nasa likod nito. And ako pa ang may kasalanan, what should I do?

SOMEONE'S POV

Sayang hindi ko pa natuluyang napatay ang anak ni Vice. Tsk, sagabal lang yun para maging akin si Vice. Matagal ng panahon na akong naghihintay sa kanya.

Hindi pa ako tapos sa mga plano ko. Nagsisimula pa lamang ako. Humanda sila sa mga susunod ko panggagawin. Sisiguraduhin ko na makukuha ko na this time si Vice.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon