Chapter 15

1.2K 33 10
                                    

VICE POV

Naalimpungatan naman ako nang makarinig ako nang iyak ng sanggol. Agad naman akong nagmulat ng mata at bumangon. Napako ang aking tingin kay Ion na hirap na hirap na patahanin ang buhat nitong bata.

"I-ion, siya na ba yan?" Kabadong tanong ko sa kanya.

"Oo." Simpleng sagot nito sakin.

Tumulo naman ang aking mga luha dahil sa saya na aking nararamdaman. Lumapit naman sakin si Ion at ibinigay sakin ang bata. Pinunasan ni Ion ang aking mga luhat at masuyo akong hinalikan sa labi.

Tinitigan kong mabuti ang baby at kumpirmadong siya ang aking anak. Tiningnan ko naman si Ion at bakas din sa reaksyon niya ang saya na nararamdaman.

Pinatahan ko naman agad ang aking anak. Buti na lamang ay mabilis ko rin itong napatahan at napatulog. Ang sarap sa pakiramdam na mahawakan muli ang aming bunso.

"Ikaw lang pala ang kailangan para tumahan na ang Baby Psyche natin eh." Nakangiting sambit ni Ion sakin.

Ngumiti lamang ako sa kanya at tinitigan ko pa rin ang bunso namin. Binalingan ko naman nang tingin si Ion.

"Darling, hindi naman ito panaginip hindi ba? Totoong totoo diba." Paninigurado ko sa kanya at pinipigil ang aking mga luha.

Tumango naman ito sakin. Niyakap niya ako at hinalikan ang aking noo. Kumakalma talaga ang buong sistema ko basta kasama si Ion.

"Paano mo nahanap ang anak natin?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Bumalik ako sa may nursery room. Nakita ko roon ang anak natin. Mali ang nadampot ng nurse kanina hindi niya nabasa yung pangalan na nandun. Sa pagmamadali niya hindi niya napansin na iba ang batang nakuha niya. Nadatnan ko sa may tapat ng nursery room na nag-iiyak nga roon yung isang mag-asawa kasi hinahanap ang anak nila. Yung batang ibinibigay satin kanina ay sa kanila pala. Akala nila nawawala na. Grabe ang galit nung mag-asawa sa nurse. Mas grabe sa galit na nararamdaman natin kanina." Mahabang kwento sakin ni Ion.

Napatulala naman ako sa aking narinig. Nakaramdam ako ng awa para sa mag-asawa na sinasabi ni Ion. Pero sa pagtingin ko ay Ion nagpipigil ako ng tawa dahil kunot na kunot ang kanyang noo.

"Pero, okay na naman ang lahat?" Tanong ko para mabaling ang aking atemsyon.

"Yes, Darling. Wala ka dapat ipag-alala." Sagot naman niya sakin nang nakangiti.

"Darling, salamat sa paghahanap sa bunso natin. Mahal na mahal ka namin." Malambing kong saad sa kanya.

"Kahit ano basta para sa inyo. Diba sabi ko nga hindi ko kayo papabayaan. At mahal na mahal ko rin kayo lahat gagawin ko para lang protektahan kayo." Sagot naman niya sakin na puno ng pagmamahal.

Nag-ngitian naman kami at tinitigan ang aming bunsong anak. Ang ganda niyang babae. Nakuha niya ang mata ko, samantalang ang ilong at labi ay kay Ion naman.

"Asan pala sina Nanay at ang kambal? At diba pupunta sina Vhong ngayon, asan na rin sila?" Muling tanong ko kay Ion.

Napatawa naman sakin si Ion. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero mas lalo lang ito na natawa sakin.

"Darling, kalma ka lang. Silang lahat pumunta ng cafeteria sa baba para kumain. Ibibili na lang daw nila tayo. Kasi ang haba nang tulog mo nagutom na sila at kanina ka pa nila inaantay na gumising." Sagot naman ni Ion na nagpipigil tumawa.

"Nakita na nila itong Baby Psyche natin?" Pagtatanong ko muli sa kanya at hindi pinapansin ito.

Tumango naman ito sakin habang nakangiti. Tinitigan naman ako ni Ion na nagbigay sakin ng pagka-ilang.

"Bakit ka ganyan makatingin sakin?" Mataray kong tanong sa kanya.

Lumapit naman ito sakin ng husto. Halos wala ng distansya ang pagitan ng mukha naming dalawa. Buti na lamang hindi naiipit ang bunso namin.

"Darling, curious lang ako. Kailan natin susundan si Psyche?" Pilyong tanong sakin ni Ion.

Nanlaki naman ang aking mga mata sa sinabi ni Ion. Tinulak ko naman ito palayo sakin at ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi.

"Hoy, Ion! Hindi pa nga nagsisimulang gumagapang si Psyche! Ikaw nagpaplano na nang paggapang sakin! Ikaw talaga!" Nanggigil kong sagot sa kanya.

Tawa naman nang tawa sakin si Ion. Halos matumba na si Ion sa pagtawa niya. Samantalang inis na inis akong nakatingin sa kanya.

Bigla namang pumasok sa loob sina Vhong kasama sina Nanay. Ang ingay ng mga ito. Litong-lito namang tiningnan ng mga ito si Ion.

"Anong nangyayari sa asawa mo, Sis?" Pagtatanong ni Anne.

"Si Ion puro kapilyuhan ang alam niya kaya yan ganyan." Sagot ko naman sa kanya.

Inakbayan naman nina Jhong at Vhong si Ion. Kaya naman tumigil na si Ion pero pilyo pa rin itong nakatingin sakin.

"Ano ba yun, Kuys?" Curious na tanong ni Jhong.

"Wala, Kuys. Natutuwa lang ako sa asawa ko. Sarap kasing asarin." Sagot na lamang ni Ion.

Nagkibit balikat na lamang ang mga ito. Nilapitan naman ng kambal ang kanilang bunso na kapatid.

"Mommy, she's really beautiful." Pagpuri ni Savannah sa bunsong kapatid.

"You're also right she has three moles near in her eyes." Saad ni Sky habang nakatitig kay Psyche.

"Mommy, now that we have already a baby sister. Pwede po bang baby brother naman?" Inosenteng tanong sakin ni Sky at sumang-ayon pa si Savannah.

Napatulala naman ako sa aking narinig. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila. Rinig ko naman ang tawanan ng mga nakapaligid samin.

"Kayo talagang mga bata kayo. Wag niyo munang tanungin ang Mommy niyo. Dahil hindi pa siya masyadong nakakapagpahinga. Dito nga muna kayo sakin, kayo talaga." Pagsaway ni Nanay Rosario sa kambal.

Para naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi ni Nanay. Dali-dali namang pumunta ang kambal sa kanilang lola. Kinuha naman muna sakin ni Anne si Psyche. Nilaro-laro nila ang bunso namin.

Nanatili lamang akong nakatulala dahil kay Ion pati na rin sa kambal. Seriously, yun talaga ang sinasabi nila sakin.

"Darling, hindi lang naman pala ako ang humihingi ng kasunod sa bunso natin eh." Pagbibiro ni Ion.

Piningot ko naman si Ion dahil nang aasar muli ito sakin. Napangiwi naman siya dahil doon.

"Hoy! Alam mo ba kung gaano kasakit ang panganganak! Halos isumpa na kita!" Gitil kong sagot kay Ion.

Hindi naman ito sumagot sakin at niyakap na lamang ako. Tumabi naman ito sakin sa may kama. Sinandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat at inakbayan na lamang ako. Humupa naman bigla ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Ang rupok ko talaga pagdating kay Ion.

"I know, Darling. I'm sorry. I'm just only teasing you. I love you, Darling." Saad sakin ni Ion.

"I love you too, Darling. Pagdating talaga sayo ang rupok ko." Sagot ko na lamang sa kanya.

Napatawa naman ito sakin at nanatili na lamang kaming tahimik na dalawa. Pinagmasdan na lamang namin ang mga taong malalapit samin na tuwang-tuwa sa bunso naming anak.

Nagdasal naman akong taimtim. Nagpasalamat ako sa Panginoon dahil dininig niya ang aking dasal na makasama ang bunso naming anak. Ligtas ang bunso namin at walang miski isang galos.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon