Chapter 7

1K 29 8
                                    

SHEENA'S POV

Magpapaalam ako ngayon kina Vice na aalis ako. Gusto raw akong maka-usap ni Boss. Kaya naman kailangan kong makaalis agad. Nakita ko naman si Vice sa may garden. Ito ang paborito niyang spot sa bahay. Ang asawa naman nito ay nasa trabaho.

"Ma'am, pwede po ba akong magpaalam na aalis muna saglit? May sakit po kasi ang Mama ko. Kailangan nila ako doon." Saad ko.

Tumingin naman siya sakin. Nakangiti namang tumango si Ms. Vice. Ang bait nito palagi sakin. Pasensya na talaga pero kailangan kong gawin ito.

"Sige, ingat ka huh. Do you need money?" Pagtatanong nito sakin.

"Naku, Ma'am hindi na po." Sagot ko at umiling-iling pa.

"Mag-ingat ka, Sheena. Saka ka na lang bumalik kapag magaling na ang Mama mo. We can take care Savannah and Sky naman na." Nakangiting saad sakin ni Ms. Vice.

Tumango na lamang ako sa kanya. At umalis na nga ako. Nagtungo agad ako sa bahay ni Boss. Pinapasok naman ako agad ng guard dahil kilala naman ako rito.

Pumunta naman ako sa office ni Boss. Pagkapasok ko ay kita ko ang kakisigan at kagwapuhan niya. Ang swerte ni Ms. Vice, miski hindi siya totoong babae. Marami ang nagkakagusto sa kaniya. At meron pang rare case ng male pregnancy. Ibang klase. Isa na nga sa nagkakagusto kay Ms. Vice ay ang taong minamahal ko.

"Stop staring at me." Seryosong sabi sakin ni Boss.

"Sorry po, Boss. Ano po bang kailangan niyo?" Magalang na tanong ko sa kanya.

"Anong balita sa kanila?" Balik tanong sakin nito.

Napabuntong hininga naman ako. Naaawa ako sa pamilya nina Ms. Vice, maaaring mapahamak na naman sila at magkalayo muli. Pero kailangan kong gawin ito, para sa taong mahal ko.

"Sagutin mo ang tanong ko! Ano wala kang alam?! Hindi mo siguro ginagawa ng ayos ang trabaho mo!" Galit na sigaw nito sakin.

Nagitla naman ako sa pagkakasigaw nito sakin. Napatulala na pala ako ng hindi ko namamalayan. Nakaramdam ako ng takot. Alam kong miski anong oras pwede niya akong patayin.

"S-sorry. Nagbabalak na po silang lumipat ng bahay sa Tarlac. Pagkatapos ng birthday party ng kambal. Lilipat na sila roon." Sagot kong puno ng pangamba.

Napatitig naman si Boss sa kisame. Waring nag-iisip na naman ng panibagong plano. Bakit ba kasi hindi na lang ako ang mahalin nito?

"Are you listening to me?!" Galit na namang tanong nito sakin.

"Ano po ba ang sinasabi mo?" Tanging nasambit ko na lamang.

Kita ko sa mukha nito ang galit sa akin. Agad naman itong lumapit sakin. Pagkalapit niya sakin ay sinampal nito ako ng malakas. Tumulo naman ang luha ko dahil sa sakit na ginawa sakin ng taong pinakamamahal ko.

"B-bakit ba kasi si Ms. Vice pa rin ang mahal mo? Pwede namang ako na lang. Kaya kitang mahalin ng buo. Alam mo namang mahal na mahal kita diba." Malungkot kong saad sa kanya habang patuloy na lumalandas ang luha sa aking mga mata.

"Wag ka mag-ilusyon na mamahalin kita. Dahil kahit kailan hindi ikaw si Vice. Itatak mo yan sa utak mo. Sabihin mo sa akin lahat ng galaw nila, yun ang atupagin mo! Hindi ang kalandian mo. Ngayon, umalis ka na. Bago pa kita patayin. Dahil miski ikaw papatayin ko kapag humarang ka sa mga plano ko para maging akin si Vice!" Walang emosyon na sabi sakin nito.

Tumakbo naman ako palabas ng bahay nito. Tutulungan ko na lamang ito sa mga plano niya. Kung kailangan niyang pumatay din para sa kanya, gagawin ko.

VICE POV

Ang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin. Narerelax ang utak ko sa mga bagay-bagay. Natigil lamang ito nang dumating sina Anne, Vhong at Jhong. Nakipagbeso ang mga ito sakin.

"Si Alex lang ang nandoon. Nasaan yung isang tagapag-alaga si Sheena?" Pagtatanong sakin ni Jhong. Nginitian ko naman ito ng nakakaloko.

"Bakit mo hinahanap? May gusto ka ba sa kanya?" Pagbibiro ko sa kanya.

"Tigilan mo ko, Vice. Wala akong gusto sa kanya no. Kay Maia lang ako, loyal ata ako." Pagmamayabang naman nito sakin.

Napatawa na lamang ako sa kanya. Pati rin sina Anne at Vhong ay tumawa na rin.

"Umalis siya kasi may sakit daw ang Mama niya. I do not know lang kung kailan babalik si Sheena." Sambit ko sa kanila.

Tumango-tango naman sila sakin. Tiningnan nila ako ng seryoso. Parang may gustong sabihin sakin ang mga ito.

"Ano ba sasabihin niyo? Spill it." Saad ko sa kanila.

"Vice, si Alexander pala nakalaya na." Saad ni Vhong.

"Oo nga, nalaman ko yan kina Max and George." Sagot ko naman sa kanya.

"Paano nalaman ng magkapatid na yun?" Pagtataka ni Anne.

Miski naman ako napa-isip. Oo nga naman, paano nalaman ng mga yun?

"Marami namang koneksyon yung mga yun no. Diba nga nasa gang sila." Saad ni Vhong.

"Oo nga pala no. I forgot kasi." Tanging nasabi na lamang ni Anne.

Namayani naman ang katahimikan saming apat. Iniisip ang mga nangyayari ngayon.

"Posibleng si Alexander ang nasa likod ng mga ito." Saad ni Anne.

"I agree. Nakagawa nga siya ng masama noon sa inyo. Hindi malabong gawin niya ulit yun ngayon." May galit sa boses na sambit ni Jhong.

Ngumiti naman ako sa kanila. Mahal na mahal talaga ako ng mga kaibigan ko.

"Wag na muna nating isipin yan. Iwas muna tayo sa nega. Malapit na birthday ng kambal. Next week na yun. Paghandaan niyo yun. And pakisabi na rin sa iba, ang request ng kambal. Yung gift na para sa kanila na bibilhin niyo. Mga baby stuffs na lang para kay Bunso." Nakangiting saad ko sa kanila saka ko hinaplos ang aking tiyan.

"Sige, kami ng bahala." Tanging sagot na lamang sakin ni Vhong.

Masaya kaming nagkekwentuhan nang makarinig kami ng malakas na pagsabog sa labas ng bahay. Tiningnan ko naman ang oras sa relo ko. Shit, si Ion!

"Anne, Vhong at Jhong, s-si I-Ion ganitong oras dumarating. Baka napahamak siya. Lumabas tayo!" Taranta kong saad sa kanila.

"Dito ka lang, dito lang kayo ng mga bata. Anne, samahan mo sina Vice. Doon kayo sa living room. Kami na lang ni Vhong ang lalabas." Utos ni Jhong.

Mabilis namang tumakbo palabas sina Vhong at Jhong. Diyos ko, wala naman po sanang nangyari na masama kay Ion.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon