Chapter 8

935 31 0
                                    

VICE POV

Sobrang kaba pa rin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa kasi bumabalik sina Vhong at Jhong. Kanina pa ako palakad-lakad para miski paano ay mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Mommy, calm down. What is happening po ba?" Pagtatakang tanong sakin ni Sky.

"W-wala, baby. Don't mind me." Sagot ko na lamang sa kanya.

"Sis, pwede bang umupo ka rito. Nahihilo na ako sayo! Don't make yourself stress. Tandaan mo, buntis ka!" Inis na saway sakin ni Anne.

"I'm sorry. Hindi ko lang talaga magawa kasi. Alam mo naman." Sagot ko kay Anne.

Umupo naman ako sa sofa para miski paano ay kumalma ang aking pakiramdam. Tumabi naman sakin si Savannah at hinawakan ang aking kamay.

"Mommy, sa labas po ba natin nanggaling yung malakas na pagsabog kanina? Yan po ba ang reason kaya po kayo mukhang problemado?" Inosenteng pagtatanong sakin niya sakin.

Niyakap ko naman siya. Naramdaman kong tumulo ang aking luha. This is not healthy to a pregnant person. Pero ang hirap na hindi mastress sa mga nangyayari. Pinunasan ko naman ang aking mga luha. At tinitigan ko naman sa mata ang aking anak.

"Baby, I don't know. Si Vhong at Jhong, they are checking what's happening outside. Don't worry about it, okay?" Sagot ko naman kay Savannah.

Inutusan ko naman si Alex na dalhin sa kwarto nila ang kambal. At least, safe sila roon. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik na sina Vhong at Jhong.

"Asan si Ion?! Okay lang ba siya?! Nasugatan ba siya?! Saan yung pagsabog na yun?!" Taranta kong pagtatanong.

Sasagot na sana ang mga ito nang pumasok si Ion. Nag-unahan naman ang aking mga luha sa pagtulo. Lumapit naman agad ito sakin, niyakap ako at saka pinunasan ang mga luha ko.

"Bakiiiiit? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo?" Pag-aalalang tanong niya sakin.

"A-akala ko kasi may nangyari na masama sayo. Hindi k-ko kakayanin kapag nangyari yun." Saad ko naman sa kanya.

"There's nothing that will be happened to me. Wag ka na mag-alala. Alam mo namang masama sayo ang pagiging stress diba. Calm down, Darling." Pagpapakalma niya sa akin.

"What happened ba kasi?" Maarteng pagtatanong ni Anne.

"Papasok na sana ang sasakyan ko sa loob. Nang mapansin kong may nakamanman sa may puno malapit sa bakuran natin. Ang plano ko lalapitan ko yung tao. Ngunit, hindi pa ako nakakalayo mula sa sasakyan ko. Tumakbo na yung lalaki na nakita ko. Pagkaalis nung lalaki may sumabog na bomba roon sa mismong lugar kung saan ko siya nakita." Kwento ni Ion.

"Hindi mo ba namukhaan ang lalaki?" Pagtatanong pa rin ni Anne.

"Hindi, nakamaskara yung tao eh. Pero, pinapacheck ko na sa security yung mga CCTV footage." Sagot naman ni Ion.

"I-ion, sa tingin mo ba ay dito nun balak ilagay yung bomba? What if bumalik siya? What if..." Hindi ko na natapos ang pagsasalita nang halikan ako sa labi ni Ion.

Ilang segundo pa nga ang lumipas bago inihiwalay ni Ion ang kanyang labi sa akin. Tinitigan ako nito sa mata, na naging dahilan para kumalma ako.

"Walang mangyayaring masama sa atin, Okay? Pinadagdagan ko na ang security sa paligid ng bahay. Hindi ko hahayaan na may mangyari na masama sa inyo." Sagot sa akin ni Ion.

"Vice, kalma. Hindi naman namin papayagan ang kung sino man na manakit sa inyo. Andito kami para tumulong aa inyo." Nakangiting saad sakin ni Vhong.

Nagpasalamat naman ako sa kanila. At nagpaalam na rin silang aalis na. Niyaya ko naman si Ion sa kwarto namin para makapagpalit na siya ng damit.

Tahimik akong nakasandal sa may headboard ng aming kama. Iniisip ang mga bagay-bagay. Hanggang sa nakatanggap ako ng text mula sa hindi ko kilala.

From: 09*********
Hi, Vice. Are you scared of what's happening in your family? Matakot kana talaga. Nagsisimula pa lang ako, Sweetheart. I will make sure that in the end of the day. You'll be mine. Lahat ng haharang sa mga plano ko, MAMATAY! I-kamusta mo na lamang ako sa anak mo. Sayang hindi ko pa siya tuluyang napatay. Wala namang mangyayari na masama pa miski sa sino sa pamilya mo. Basta sumama ka sakin ng matiwasay. Wag kang mag-alala malapit mo na kong makilala. Mahal kita. - your Lover

Mas lalo naman akong natakot sa nabasa ko. Paano nalaman ng tao na yun ang number ko? Ibig sabihin, talagang may balak ang tao na ito na patayin ang mga taong malapit sakin.

"Darling, bakit ang lalim ata nang iniisip mo?" Tanong ni Ion.

Nang marinig ko yun ay binura ko agad ang text na natanggap ko. Mas mabuti ng ako lang ang may alam. Ayaw ko ng problemahin pa ito nina Ion.

"Bakit tutok na tutok ka sa cellphone mo?" Pagtatanong muli sakin nito.

Hindi naman ako sa sumagot sa mga tanong niya. Tumabi naman sakin sa kama si Ion. Ang ginawa ko naman ay ipinatong ko sa may bedside table ang aking phone.

"Ion, I'm sorry. Ng dahil sakin napapahamak ka, ang kambal, Lahat ng taong malapit satin. All of this things, it is my fault. Pasensya na talaga. Maiintindihan ko kung gugustuhin mong lumayo kana sakin, kasama ang kambal. Ako ata ang malas sa buhay niyo." Malungkot kong sabi kay Ion.

"Darling, bakit mo nasasabi ang mga bagay na yan? Hindi ka namin iiwan, ng mga anak natin. Wag mo ring sabihin na malas ka. Hindi totoo yun! Wag ka mag-isip ng kung ano-ano. Mahal kita, mahal ka namin. Andito kami lagi kasama mo." May pagmamahal na saad sakin ni Ion.

"Think positive, Darling. Malalampasan natin ang mga pagsubok na ito. I love you." Dugtong pa ni Ion.

"I love you too, Darling. I'm really sorry and thank you for everything." Sagot ko sa kanya.

Agad naman akong lumapit ng husto kay Ion. I kiss him passionately. Palalim ng palalim ang halik sa pagitan naming dalawa. Inabot ng ilang minuto ang aming halikan. Sa simpleng halik namin na yun, nakalimutan ko miski paano ang mga problema namin.

"Pasensya na kung matagal ka ng hindi nakaka-score sakin. Matagal ka ng tigang. Alam mo naman, buntis." Nakangiting saad ko sa kanya.

"Okay lang yun. Basta kapag nakapanganak ka na. Babawi ka talaga ng husto. I'll make sure na hindi ka makakalakad." Sagot naman sakin nito at hinalikan nang mabilis ang aking mga labi.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon