Chapter 1

1.8K 48 16
                                    

VICE POV

Malaki na ang aking tiyan, actually my baby bump is already 7 months. Two months more, we will see the new angel in our family. Hindi lang ako ang excited pati na rin ang kambal namin.

Alam ko na ang gender ng baby namin ni Ion. Actually, ngayon ang baby shower. Ako at si Anne lang ang nakakaalam ng gender ni Baby. I want to surprise every one, even Ion. I'm excited to tell the gender of our baby.

Nabigla naman ako ng may humalik sa aking pisngi. Paglingon ko ay si Ion na nakasimangot sakin. Bakit pa siya humalik sakin kung sisimangot din naman. Minsan talaga mas malakas ang toyo niya sakin eh.

"What is your problem, Benigno?" Pagtatanong ko sa kanya.

Umupo naman ako sa may sofa namin sa loob ng aming kwarto. Tumabi naman sakin si Ion at sumubsob sa may leeg ko.

"Darling, hindi mo ba talaga pwedeng sabihin sakin ang gender ni Baby? I really want to know it." Sagot naman nito sakin. Napatawa naman ako sa kanya.

"Anong nakakatawa? Ang daya mo naman kasi. Dapat alam ko ang gender eh. Bakit si Anne pwede? Kapag ako hindi!" Pagmamaktol nito sakin.

Mas lalo naman akong napatawa sa kanya. Lumayo naman agad ito sakin. Nakanguso naman ito at halatang nagpapaawa na sabihin ko na sa kanya.

"Alam mo ba ang salitang 'Surprise'? You need to wait. Few more hours, you will know our gender's baby. Okay?" Malambing ko namang saad sa kanya.

Lalapit na sana ako sa kanya nang pumasok naman sa kwarto namin ang kambal. Nakangiti ang mga ito samin. Humalik naman sila agad saming dalawa.

"Mommy, I'm excited for the event later. I can't wait to know it." Nakangiting saad sakin ni Savannah.

"Me too, Mommy. And also we are excited too in our birthday next month." Saad ni Sky samin.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Ion. Mukhang hindi lang pala kami ni Ion ang excited hindi lang dahil sa event na ito ngayon, kundi pati rin ang kambal namin. Their birthday is really special to us. Dahil yun ang unang beses na magkakasama kaming  magcelebrate.

Bumaling naman ako sa kambal. Nginitian ko naman muna ang kambal bago ko sila kausapin.

"What do you want in your birthday party?" Tanong ko naman sa kanila.

Sasagot na sana ang kambal nang sumenyas si Ion na tumahimik kaming tatlo. Napatingin naman kami sa kanya nang nalilito.

"Pwede bang wag kayo mag-usap ng english. Dudugo na ang ilong ko sa inyong mag-iina. Nasa Pilipinas tayo, pakiusap magtagalog kayo." May inis sa boses ni Ion na sabi samin. At tumabi naman siya sakin. Napangiti naman ako sa kanya.

" Ano ang nginingiti mo, Mrs. Perez?" Pagtatanong sakin ni Ion. Umiling naman ako sa kanya bilang tugon. Inirapan naman ako nito. Mas lalo lamang ako napangiti, dahil talagang inis na ito.

"Savannah and Sky, ano ba gusto niyo sa birthday niyo? Simpleng party ba o bongga?" Pagtatanong ko muli sa kanila.

Nagkatinginan naman ang kambal at parang nag-uusap gamit ang tinginan nila.

"Mommy, gusto namin is simple celebration only. We want sana that our party will be held in dagat." Maarteng saad ni Savannah. Taglish ang pagsasalita nito. Sumasakit na rin ang ulo ko sa pag-iingles ng mga anak ko.

Bumulong naman sakin si Ion na nagmana sakin ng kaartehan ang anak naming babae. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Pero tinawanan lamang ako nito. Kaya naman nahampas ko siya sa braso. Nabaliktad na, ako na ngayon ang tinotoyo saming dalawa.

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon