Chapter 13

1.2K 33 24
                                    

VICE POV

Naging maayos ang party ng kambal namin. Nakakulong na nga si Sheena at si George naman hinahanap pa ng mga pulis. Nakatakas na naman ang walang hiya!

Kabuwanan ko na ngayon. Kaya naman kasama na namin sa bahay sina Nanay. Mas mabuti na raw na kasama namin sila.

Si Ion maaga na rin umuuwi dahil malapit na nga raw akong manganak. Nahanda na namin ang lahat at excited na rin kaming lahat. Malapit na naming makita ang aming bagong anghel.

Nakita ko si Ion na natataranta naman. Sinitsitan ko ito at lumingon naman agad sakin.

"Ion, kumalma ka nga! Nahihilo ako sayo. Just do, what you needed to do. Hindi pa naman ako manganganak no. Bukas pa, diba bukas ang due date ko." Saway ko naman sa kanya.

"K-kinakabahan kasi ako. First time ko lang ikaw na makasama na manganganak. Parang aatakihin ako sa puso." Sagot naman nito sakin.

Tinawanan ko naman ito. Hindi ko akalain na napaka nerbyoso pala ng asawa ko.

"Darling, kapag ikaw inatake. Baka mas lalo mong hindi makikita ang anak natin. So, calm down." Nakangiting sambit ko sa kanya.

"I know. Pero, posible rin na ngayon or bukas ka manganak, sabi nina Nanay yun eh. Kaya kinakabahan ako." Sagot nito sakin at ngumiti ng pilit.

"Darling, pumunta ka sa harapan ko bilis." Utos ko naman sa kanya.

Dali-dali naman itong lumapit. Hinawakan ko naman ang kanyang magkabilang pisngi.

"Darling, calm down. Kahit ngayon ka lang makakasama sakin sa panganganak, malaki ang tiwala ko sayo. Alam kong hindi mo kami pababayaan. I love you, Darling. Mahal ka namin ng mga anak natin." Malambing kong saad sa kanya.

Pumatak naman ang luha sa mga mata ni Ion. Pati tuloy ako naiiyak na rin.

"Para kang sira. Bakit ka naiyak?" Natatawa kong tanong sa kanya.

Hanggang sa tuluyan na nga rin akong napaiyak. Pinunasan ko naman ang aking mga luha.

"Wala. Masaya lang ako. Mahal na mahal na mahal na mahal kita at ang mga anak natin." Sagot sakin ni Ion.

Yumakap naman ito agad sakin. Mga yakap namin na nagdudulot sa amin ng kalma. Para bang lahat ng bagay ay aming malalagpasan basta kasama ang bawat isa.

Hanggang sa nakaramdam ako ng labis na sakit sa aking tiyan. Napadaing naman ako dahil sobra na talaga ang sakit. Humiwalay naman ako ng yakap sa kanya.

Ang sakit na nararamdaman ng aking tiyan ay parang konektado sa aking likod. Napa-upo naman ako sa sofa.

"Darling, bakit? Anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Ion at saka lumuhod sa harapan ko.

ION POV

Nag-aalala naman ako sa aking asawa. Dahil nakapikit ito at nakangiwi, tila ba may iniindang sakit.

"Darling, sumagot ka." Taranta kong saad sa kanya.

Nanlilisik naman ako na tiningnan ni Vice. Kita ko ang inis niya sakin.

"ION! MANGANGANAK NA AKO! ANG SAKIT-SAKIT NG TIYAN KO! NAWAWALAN AKO NG ULIRAT SA SAKIT!" Galit na sigaw sakin ni Vice.

Napatulala naman ako sa aking narinig. Manganganak na?! Tama ba ako ng narinig?!

"ION! MOVE! IHANDA MO NA ANG SASAKYAN!" Gitil na utos ni Vice na nagpabalik sakin sa realidad.

Agad naman akong napatayo at nagtatakbo sa kusina kung saan nandoon sina Nanay. Masaya ang mga ito na nagkekwentuhan kasama ang mga apo nila.

"Nanay, si Vice po manganganak na!" Taranta kong sigaw sa kanila.

Napalingon naman ang mga ito sakin na gulat na gulat. Mabilis naman ang mga ito na pumunta sa sala kung saan nandoon si Vice.

"Anak, inhale, exhale. Paulit-ulit na ganoon ang gawin mo." Utos ni Nanay Rosario.

Tumango naman si Vice at agad na ginawa ang sinabi ni Nanay Rosario.

"Noi! Bakit mo naman iniwanan si Vice dito mag-isa?! Dapat tinawag mo na lamang kami. Alalayan mo na ang asawa mo papuntang sasakyan para makapunta na ng ospital. Nakatulala ka lang dyan!" Saad ni Nanay Zeny.

"Y-yung kambal po?" Tanong ko sa kanya.

"Susunod kami ng mga bata kasama si Balae. Sa ngayon pumunta na kayo ng ospital. Tawagan na rin namin si Dr. Rebola, sabihin namin na papunta na kayo doon. Anak, kumalma ka kaya mo yan." Sagot sakin ni Nanay.

Hanggang sa pumutok na nga ang panubigan ng aking asawa. Mas lalo naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa aking nasaksihan.

Nilapitan ko naman agad si Vice at binuhat ko na ito. Bakas sa mukha niya ang sakit na dinadala.

"ION! HULI NA ITO! SINASABI KO SAYO HINDING HINDI KA NA MAKAKA-ULIT SAKIN!" Galit na sigaw na naman sakin ni Vice.

"Sorry, Darling. Hindi ko naman alam na ganiyan kasakit ang panganganak." Sagot ko naman sa kanya.

Hindi naman na ito umimik pa. Ngunit, dumadaing pa rin sa sakit ang aking asawa. Hinalikan ko na lamang ito sa kanyang noo.

Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang sasakyan namin. Isinakay ko agad ang aking asawa sa sasakyan at dumiretso naman ako sa may driver seat.

Mabilis naman naming narating ang ospital. Bago kami pumasok ay dala ko na rin ang gamit ng baby. Pagkapasok pa lang namin ay may lumapit naman agad sa aming mga nurse kasama si Dr. Rebola. Inihiga ko naman sa nakahandang stretcher si Vice.

"Manganganak na ang asawa ko. Pumutok na ang panubigan niya." Taranta kong saad sa kanila.

"Bring, Mrs. Perez in the delivery room now." Utos ni Dr. Rebola.

"Pwede po ba akong sumama?" Tanong ko.

Tumango naman ito sakin at may binigay sakin bago ako makapasok sa may delivery room.

Sabay na kami pumasok ni Dr. Rebola, at handa na nga sa panganganak ang aking asawa. Mabilis naman akong pumuwesto sa ulunan ni Vice.

"Okay, umire ka." Utos ni Dra.

Mahigpit naman na kumapit sa aking mga kamay si Vice. Agad nitong ginawa ang sinabi ni Dra.

"I hate you, Ion! Sinasabi ko sayo hindi ka na makaka-ulit sakin!" Sigaw ni  Vice sa pagitan ng sakit na kanyang nararamdaman saka ito umire muli.

"I'm really sorry, Darling. Sige, push lang ng push para mailabas mo na si Baby." Sagot ko naman sa kanya.

"Hindi ganoon kadali yun!" Inis na saad nito sakin.

Sinamaan ako nito ng tingin at saka ako sinabunutan ng mahigpit. Napangiwi naman ako sa sakit, ngunit alam kong mas masakit ang nararamdaman niya ngayon.

"Misis, nakikita ko na ang ulo ng bata. Push!" Saad ni Dr. Rebola.

Sinunod naman ni Vice ang sinabi ni Doctora. Mahigpit ang pagkakakapit ni Vice sa aking kamay. Sakin siya kumukuha ng pwersa. Ilang pag-ire pa nga ang ginawa ni Vice. Bawat ire niya ay mas lalong higpit ng hawak niya sakin.

"Vice, isang malakas na push pa at tuluyan nang lalabas ang bata." Saad ni Dra.

Isang ire pa nga ni Vice ay lumabas na ang anak namin. Narinig namin ang iyak ng isang munting sanggol.

"It's a healthy baby girl." Masayang saad ni Dra.

Nagkatinginan naman kaming mag-asawa at ngumiti. Napa-iyak na lamang kami pareho dahil sa tuwa. Hinalikan ko naman ito sa kanyang noo.

"Welcome to the world, Psyche Marie V. Perez." Nakangiting saad naming mag-asawa.

Author's Note:

Thank you, miss_kaexe sa suggestion mo mong mga name. It's a really big help to me❤️❤️ Thank you so much. Love lots❤️❤️

ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon