Chapter 27

80 5 1
                                    


-X-X-

Jheanne's POV.

Ilang beses na akong bumuntong hininga. Hindi ako matigil sa pag iisip at ngayon ko lang nalaman na marunong pala kong mag-isip. Aah! Medyo nawi-weirduhan ako sa sarili ko. Inuntog ko 'yung ulo ko sa dingding. Paulit-ulit.

"Please! Please! Tama na!!" Sigaw ko. Naiiyak ako kasi hindi ko maintindihan 'yung sarili ko. Parang.. hindi ko alam.

Kumalabog ang pintuan ng kwarto ko. Sunod sunod na malakas na katok ang narinig ko. Tumayo ako.

"Jheanne? Okay ka lang ba bhe? Buksan mo 'tong pinto!" Narinig ko si Ayis. Kahit labag sa loob ay tumayo ako at binuksan ko ang pinto.

"Fine," ngumuso ako.

"Tangina natulog ka ba? Anong nangyari sayo?" Tanong ni Iyrah. Hindi. Hindi ako nakatulog kaya ako nagkakaganito.

"I'm fine." Ngumuso ako at naglakad papuntang banyo. Siguro kapag naligo ako ay mahihismasan din ako.

"'Wag mo kong engrishin! Ano nangyari sayo?!"

Tumingin ako kay Iyrah. Pakiramdam ako nagkaroon ako ng nanay. Batang version nga lang.

"Ok lang ako. Please?" Naglakad ako patungong banyo. Binuksan ko ang shower at naligo. Joke lang. Wala kaming shower. Gripo at tabo lang ang gamit ko.

Nawala ang antok ko pero kita ko sa salamin ang dalawang itim sa ilalim ng mata ko. Eyebag for sale. Nagkamot ako ng ulo. Sa totoo lang ayokong pumasok ngayon. Gusto kong matulog magdamag. Hindi ko naman kasi alam na aabutin pala ko ng umaga na dilat pa din ang mata.

Lumabas ako ng banyo at halos mapasigaw ako ng may makita akong BABANG nakaupo sa sofa. Bakit may BABA dito? Anong ginagawa nya?

"Sinusundo kita, Noona." Ngiti nya. Nagtatakang tumitig ako sa kanya. Si Sehun. Naka leather jacket sya at black jeans. All black si gago ang haba naman ng baba.

Itinaas ko ang middle finger ko sa ere.

"Eto ka o, pakyu." Wala ako sa mood at ayokong pinagtitripan ngayon dahil sa totoo lang parang anytime makakasapak ako ng tao. O ng fetus.

Hindi ko alam kung bakit nandito sya at sasabihing susunduin ako. Dahil nakita ko sya, lalo lang akong nainis.

"Ayaw mo maniwala? At tsaka-- wait lang noona bakit mukha kang zombie?" Tumayo sya at tiningnan ako. Hinawakan nya ang magka bilang balikat ko at parang diring diri sa itsura ko.

"Zombie talaga ko kaya lumayo layo ka na dahil baka makain kita," hinampas ko ang kamay nya. Napakamot sya ng ulo at nagtaka sa ginawa ko.

"Ah! Wala ka nga palang utak baba lang ang meron ka kaya hindi kita kakainin. Ligtas ka," malamig kong sabi.

"Wtf? Anong ginawa ko? Bakit ang sungit nito?" Tanong ni Sehun sa sarili nya at napakamot ng ulo.

Naglagay ako ng kaunting make up at concealer sa mukha. Nung una ayoko pa mag make up dahil naalala ko si Jeon pero ng maalala kong sya ang dahilan kaya ako nagkaka ganito ay kumulo na naman ang dugo ko.

Gusto ko syang patayin. Walangyang lalaki! Ang lakas ng topak at ako pa ang pingtripan! Nakakaasar! Iritado talaga ko!

Sinuot ko ang salamin ko.

"Maganda ka pa din kahit wala kang tulog," sabi ko sa sarili ko.

"Ulul wag salamin ang lokohin mo," Humarap ako kay Iyrah. Naka cross arm sya at nakataas ang kilay.

"Salamin na nga lang niloloko ko nagrereklamo ka pa?"

Tinalikuran ko sya. Umalis ako at nagpaalam. Hinatid nga ako ni Sehun sa SM entertainment. Nagulat pa ko. First time kasi yon at.. ano ba nakain nya? Akala ko nangti trip lang din sya e.

Expectation vs. Reality (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon