Chapter 13

308 11 2
                                    

-X-X-

"Now, explain."

Napatingin ako kay Sehun na nakatayo sa harapan ko. Huhu.

Nakakatakot dito. Feeling ko criminal ako tapos si Sehun yung pulis na nagtatanong ng kasalanan ko. Hindi ko alam kung nasaan kami. Pero alam kong nandito pa din kami sa SM Bldng. Ang kaso, hindi ko alam kung anong kwarto 'to.

Andito ko ngayon sa gitna ng kwarto at nakaupo sa isang arm chair habang nakayuko. Tapos itong si Sehun naman nakatayo lang at palakad-lakad. May hawak pa syang malaking kahoy.

Huhuhu. Ihahampas nya ata sakin yun eh.

Hindi ko lubos akalain na dito magtatapos yung buhay ko.

Mamatay na ko. Hindi man lang ako nakapag-sorry sa mga mahal ko sa bahay.

Huhuhu. Help me!

*PAAAAK*

"WAAAAH!! Sehun! Wag mo ko papatayin!! Magpapaliwanag ako! WAAAH" Sigaw ko.

Hinampas nya kase bigla yung pader ng hawak nyang kahoy. Nagpa-practice ata sya kung anong mas magandang position sa paghampas nya sakin. Huhuhu!

*PAAAK*

"Waaaaah" Naiiyak na ko. Waaah!! Ang wild pala netong Sehun na'to!!

Nakita ko syang nakaharap sa pader na parang nagpipigil ng tawa o baka natatae lang? Wah ang weird. huhu.

"Magsalita ka na kasi." Seryosong salita nya.

Magsasalita lang pala eh. Madali lang naman pala yung pinagagawa nya.

Kelangan pang takutin ako? Naiiyak na kaya ko.

"Hello Sehun! Hehe Hi! Oh ayan na nagsasalita na ko ha! Auhmm.. Ano pa bang pwedeng sabihin? Auhmm.. Wag ka magi-english ha? tsaka wag mo na pukpukin yan nakakatakot eh hehehe"

Napakunot bigla yung noo nya. Eeeh? Hindi ba nya gusto yung sinabi ko?

"Pft what i mean--"

"Wah wag ka na nga mag english-english jan!" Putol ko sa kanya.

Takte naman  kasi! English na english wala naman sya sa america! At lalong hindi ko naman sya kinakausap ng English para Englishin nya ko no!

"Pft hndi mo ba ko naiintndihan? Tsk! So.. May tanong ako. First question.."

*Lubdub* *lubdub* KINAKABAHAN AKO SA TAKOT WAH!! Pwede ba dito yung call a friend?

"Pano ka nakapasok sa SM Building?" Eh? Bakit parang pang tanga yung tanong nya?

"Baka kasi may pintuan kaya nakapasok ako." *facepalm* Pati ba naman pagpasok ko sa SM Bldng, Tinatanong pa nya? Obvious naman na dumaan ako sa pintuan. Alanganamang tumawid akong bintana. *facepalm* loko 'tong Sehun na 'to!

*BLAAAAAG*

"WAH SEHUN KUMALMA KA!!" Awat ko sa kanya. Hinampas na naman nya yung pader!! Mas malakas kumpara kanina. OMG baka gumiba 'to!

"Kumalma ka Sehun. Inhale exhale..Kumalma ka kung ayaw mong gumiba yung mga pader dito.." Sabi ko sa kanya kahit ang totoo eh ako yung hindi makakalma dito.

"Mas mabuti ng gumiba 'to. Kaysa naman sa hindi ka magsalita jan--"

"Oo na. Ipapaliwanag ko na yung lahat. K-kumalma ka na." Kinakabahan kong sabi sa kanya.

Expectation vs. Reality (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon