-X-X-
Luhan's POV
Diretso kong naglalakad papuntang cr ng biglang may humarang sa daanan ko. Tss Ito na naman tayo.
"Hi Babe!" Si Krystal. Tss tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Baka mamaya sabihan pa kong snob eh. Nilagpasan ko lang sya at hindi na pinansin.
"Hey, Where are you going?" Tanong nya at tsaka sumabay sakin sa paglalakad. Tss binibilisan ko nga maglakad para hindi ako masundan eh. Mangungulot na naman to!
"What do you care?" Walang gana kong sabi.
"I just want to know.." Naka-pout pa nyang sabi kaya napairap ako. Tss Ayoko talaga sa mga taong mahilig ngumuso. Nakakairita. Kung sana cute eh. Hindi naman. Sarap tapyasin ng bibig eh.
"Pupunta kong CR. Sasama ka?" Tanong ko habang diretsong nakatingin sa mata nya.
Bigla naman syang ngumiti ng pagkatamis-tamis sakin at tsaka nagsalita
"Sure. Pwede ba?" Pfft. Sinubukan ko lang kung kakagat sa tanong ko eh, Kumagat nga. Tss kainis. Mga babae nga naman ngayon oh.
Magsasalita sana ko ng bigla na lang may bumangga kay Krystal dahilan para mapaupo sya sa sahig at magsipagbagsakan sa kanya yung mga kahon.
"Ouch! Look what've you done!" Sigaw nya sa nakabangga sa-- SI BABAENG BALIW 'TO AH?!
"Maam. I'm sorry! Hndi ko po sinasadya!" Hahawakan sana nya si Krystal para tumayo sa pagkakasalampak sa sahig pero hinawi nya yung kamay nung babae.
Ako? Eto. Nakatingin lang sa kanilang dalawa. Inaantay ko magsabong eh. Pft.
"Don't touch me! Urgh! Stay away from me! Wag kang lalapit sakin! Aish! Lu, help me to stand!" Inextend nya yung kamay nya sakin. Pinahawakan nya yun sakin tapos tutulungan ko syang tumayo. Tss Tiningnan ko lang sya.
"Hindi naman naputol yang paa mo. kaya bakit pa kita tutulungan? Tss" Tawagin nyo na kong hindi gentleman, Totoo naman talaga yun. Tsaka kaya naman nya talaga kasing tumayo bakit pa kaylangan ng tulong ko?! Paarte.
Tinalikuran ko na sila at nagsimulang maglakad. Bahala sila sa buhay nila. Bwisit. Nawala tuloy yung ihi ko. Naiihi na ko eh. Kaya nga pupunta kong Cr eh. Makabalik na nga lang sa Practice Room.
Iniba ko yung direksyon ng lakad ko instead na papuntang cr kumaliwa ulit ako para bumalik sa practice room.
Lumingon ako sa likod ko at-- nakita ko yung babaeng baliw na nakasunod sakin-- Uh wait. Hindi pala sya nakasunod sakin may bitbit syang tatlong kahon. Buti kaya nya yun? Mukha kasing mabibigat yun. Hindi na nga nya makita yung dinadaanan nya dahil nakaharang sa mukha nya yung kahon.
Bakit ba kasi sya yung nagbubuhat nun? Andami-dami namang staff dito. Tsaka diba dapat lalaki nagbubuhat nun? Bakit ba-- Teka nga lang, Luhan pakialam mo ba sa kanya? Aish! Bakit ko ba naiisip yung babaeng yan!
May kaylangan pang linawin sakin yan eh. Naiinis talaga ko kapag naiisip kong niloloko lang kami nyan eh! Pero di ko naman din masabi-- Baka kasi nagbago ng rules. Mapahiya pa ko pag nagsabi ako kay Manager.
"Aray ko naman!" Narinig kong sabi nya sa likod ko at kasabay nun yung pagbagsakan ng mga kahon na bitbit nya. I ignored her. Naglakad pa din ako kahit na.. ugh nevermind!
Again, narinig ko na naman yung pagbagsakan ng mga kahon. Antanga naman nya. Hindi ko na napigilan yung sarili ko at nilapitan ko sya tsaka kinuha yung mga bitbit nya. At inunahan ko sya sa paglalakad. Kita ko yung pagkagulat sa mata nya.
BINABASA MO ANG
Expectation vs. Reality (Fanfic)
Fanfiction"Don't expect something that you know can make you hurt."