-X-X-
Pakiramdam ko bibitayin ako ngayon. Kinakabahan ako ng bongga pati yung mga kamay ko nanlalamg. Ang kaibahan lang sa pagbitay ko ay meron akong taga manicure, pedecure at taga make up. Bago lang sakin yung ganito, pakramdam ko ang kati kati ng mukha ko kapag may make up e
"Myghad! Feeling ko bibitayin na ko! Kinakabahan ako! Huhuhu!" Walang pasubaling kinuha ko yung mineral bottle na nasa harapan ko at tsaka to pinagkakagat-kagat.
"Kung bitayin kaya kita!--Tang ina wag mong kagatin yan baka masira lipstick mo!" Sigaw sakin ni Iyrah at hinatak yung buhok ko.
"Aray naman!"
"Wag ka ngang mag-inarte! Buti nga makakapasok ka sa loob e! Kami ngang dalawa ni Ayis, hanggang ngayon nag-iisip ng paraan kung paano makakapasok sa putanginang building na yun e" Padarag na binitawan ni Iyrah yung bote ng tubig. Nanlilisik yung mata nya at namumula sya. Nakakatakot
"Keep calm bhe.." kalma ko sa kanya.
"Gago!" Yun ang sagot nya.
"Tama si Iyrah bhe. Buti nga makakapasok ka dun e. Tsaka nagtataka kami kasi paano ka napiling kumanta dun samantalang ang panget panget naman ng boses mo.." pumangalumbaba si Ayis.
Grabe nakaka offend tong mga to a! Hindi ba pwedeng suportahan na lang ako imbis na hamakin?! Ngumuso na lang ako.
Ngayon ang celebration ng 52 Anniversary ng SM Town. May gaganaping event sa loob ng building tapos kasama lahat ng artist pati mga staff. Ultimo ang BigHit at BTS nandoon. Tapos pati ano.. pati.. waaah!! Napili akong kakanta sa harapan! Huehuehue hndi ko talaga alam kung bakit sa dinami-dami ng staff dun ako pa yung napili! Pakiramdam ko ito na yung parusa sa kin dahil hindi ko inaayos ang trabaho ko! Huehuehue
"Oo nga. Ang panget kaya ng boses mo. Juice ko. Baka batuhin ka lang ng kamatis at itlog dun e. Hahaha!" Sabi ni Iyrah. Grabe talaga!
"Ililigtas nyo naman ako pag nangyari yun, diba?" Paninigurado ko.
"Ha? Feeling mo Jheanne?!"
"Kami pa ang mangbabato ng kamatis sayo no! Hahaha!" Ayis.
Nag high five sila at tuwang tuwa sila.
hays ano ba 'to. Wala talaga kong maasahan sa mga to e kahit manlang sana banner gumawa sila hays
Sa katunayan, marami naman kaming mga staff na magpeperform talaga. May mga grupo grupo, may solo. Kasali nga din sila Hyunmi dun e, sasayaw ata sya. Buti pa yon mataas ang self-esteem. Ako kasi, hindi talaga e. Kahit medyo makapal ang mukha ko ay marunong pa naman ako mahiya. Kaya nga ewan ko kung bakit ako napasama sa mga magpeperform na yan e. Pati ako dinadamay nila sa mga kalokohan nila pwede namang audience na lang ako. Hays kung pwede lang na tumanggi ako e
"Tayo ka nga.." pinatayo ako ni Ayis at tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Ayan.. mukha ka ng tao. Hehe joke peace!" Sabay peace sign ni Ayis.
Sya ang naglinis ng kuko ko sa paa at kamay tapos si Iyrah ang nag make up pati yung nag ayos ng buhok ko. Hindi naman kasi ako marunong sa ganon.
"Ganda mo na." Sabi ni Iyrah kaya ngumiti ako at kumindat.
"Naniwala ka naman. Ulol," Sabay tawa nila.
Umalis din silang dalawa at nagpuntang kwarto. Narinig kong inutusan ni Ayis si Iyrah na magbihis na din. Pupunta talaga sila? Sana makapasok sila hays
Pakiramdam ko tuloy magpapaka sasaeng tong dalawang kaibigan ko ha. Private party kasi yun ng SM kaya bawal ang outsiders. Gusto ko sana isiping ang swerte ko dahil first time kong dumalo sa ganito kaso pag naiisip ko na kakanta naman ako doon ay iniisip ko tuloy kung may balat ba ko sa puwet.
BINABASA MO ANG
Expectation vs. Reality (Fanfic)
Fanfiction"Don't expect something that you know can make you hurt."