Chapter 24

185 5 1
                                    


-X-X-

Nanginginig yung kamay ko habang binubuguhan ko 'to ng hangin. Naiihi na ko sa sobrang lamig na nararamdaman. Ngayon ko lang napansin na lalo pang lumamig yung klima dito sa Korea. Ghad! Dalawang buwan pa bago mag December pero ramdam ko na ang pasko. Ibang-iba klima nito si Pinas e.

"Okey ka lang?" Kinagat ko yung daliri ko at tumango. "Ano ba kasi ginagawa natin dito, Jeon?" Tanong ko sa kanya ng naiirita.

Tumitig lang sya sakin at hindi nagsalita. Bwisit naman kasi 'to. Hindi nga kami close pero kung makapag-ayang lumabas kami, akala mo kung sino. Kilala ko sya pero hindi kami mag-kaibigan o ano. Like duh

"Bakit ba ganyan ka? Ang sungit mo pala." Tiningnan ko sya ng masama at minura sya ng mahina na ikinatawa nya.

"Bakit ba kasi?" Naningkit yung mata ko. Teka-- hindi naman siguro rape 'to no? Tapos na kami dun. Tapos na kami sa eksenang napagkamalan ko syang rapist at nung kasama nya. Baka naman budol-budol gang naman ngayon?

"Wala kong pera ha, wala kang mananakaw sakin" wala sa sarili kong sinabi habng nililibot yung mata ko sa buong lugar. Teka asan ba kami? Wah!

"Pakialam ko naman sa pera mo? Tsaka hindi ako magnanakaw.. o rapist. Ano ba.." Iritadong nyang sambit.

Nung una ko syang nakita, naawa ko sa kanya. Kasi akala ko wala syang nanay. Mukha syang mabait. Kanina naman nung pinasok nya yung bahay ko, okey naman sya. Ngayon, mukha sya iritado na. Nakakairita ba ko? Probably, why Luhan hate me, uh?

"Malay ko ba.. hindi naman kita kilala e.." Nagkibit-balikat ako at inunahan sya sa paglakad. Huhu! Ang lamig na ng kamay ko. Buti na lang nag-jacket ako.

"Jheanne,"

Wala kong paki kahit narinig kong tinawag nya ko dahil nakita ko yung lugar.. manghang-mangha ako habang tinitingnan yung mga batang naglalaro ng bubbles. Wah! Gusto ko din nun!

Asan ba kami? Bakit may mga rides dito? Wah nasa Enchanted Kingdom ba kami?! Wah o baka naman sa Star City?! Eh diba sa Pilipinas yun?

Nagulat ako bigla nung hinablot ni Jungkook yung kamay ko habang binubugahan ko ng hangin. Pampatanggal yun ng lamig e!

"Hindi ka nag-gloves? Malamig e." Hinatak nya ko at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ngayon ko lang din napansing balot na balot sya.

"Jungkook.. bakit tayo andito? Hay gusto ko pa naman sanang matulog ngayon.." nahikab ako at tumingin sya sakin. Huminto sya at humarap sakin. "Ayaw mo ba dito? Gusto mo bang matulog na lang tayo?" Tiningnan ko sya at tumango. Maganda naman dto pero.. inaantok talaga ko e ang lamig pa.

"Oo mas gu-- Anong sabi mo?!" Aba gago ba 'to? Kung matutulog man ako ayoko syang kasama no! Jesus

"Kung ayaw mo naman pala kong kasama dito edi sasamahan na lang kita matulog?" Medyo nakangiti sya habang nagsasalita kaya nasuntok ko sya.

"Teka lang ha? Hindi nga tayo magkaibigan tapos gusto mo kong samahan matulog tsaka?.. bakit nga ba mo ako kinakausap? Yun talaga yung gumugulo sakin e.. Pinuntahan mo pa ko sa bahay? Yung totoo? Pangalan mo lang ang kilala ko. Member ka ng isang KPOP Group. Yun lang. Napagkamalan ktang rapist. Tapos?" Naguguluhan naman kasi talaga ko e. Di lang ako pumapalag sa paghatak-hatak nya pero nagtataka din ako a

"Uh.. kasi.. ang hirap naman nito.." Napakamot sya sa ulo nya at hindi tumitingin sakin. Ako naman naweirduhan. "Bakit?" Yun lng yung nasabi ko.

"Masyado ba kong mabilis?" Napanganga ko at nakita kong namumula yung ilong nya. Pati mukha nya. "Ay, ang galing! Namumula ilong mo o!" Natawa ko bigla kasi.. ang kulit ng mukha nya. Maputi kasi kaya pansin talaga yung pagkapula. Eh teka bakit sya namumula?

Expectation vs. Reality (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon