-X-X-
"Come in.." Narinig kong may nagsalita sa loob. Waaah! Gusto ko na lamunin ng lupa kase di ko talaga alam yung mangyayari sa loob. Waaaah! Hndi ko din alam kung magaling ako umacting na hindi ko kilala yung EXO!
MEGA WAAAAAAH!! What to do? Pakamatay na kaya ko?! Uwi na lang akong Pilipinas! Waaah!
fok fok talaga! I feel my body shaking because of nervousness. Pati yung pawis ko na tumutulo galing sa noo ko. fokshet na malupit! Ang lamig lamig sa korea pero bakit ako pinagpapawisan?
Naluluha na din yung mata ko. Naiiyak ako. Hndi ko alam magiging reaction ko pag pumasok ako sa loob ng kwartong 'yon.
Hindi ko pinangarap na magpipigil ako ng kilig kapag nakita ko na ang EXO. Dahil yung mga nai-imagine ko nun, halos himatayin na ko kakasigaw sa concert nila. Ganun yung alam kong mangyayari kapag nakita ko sila.
Pero ngayon? fok! Baka hindi ako makahinga. Baka manigas lang ako sa kinatatayuan ko. Baka umurong lang yung dila ko. Naiiyak ako! Hindi pwedeng mangyari 'to! Mamamatay ako!
Pagsubok lang 'to! Tama tama! Pagsubok lang 'to sakin ng Dyos. Kayang-kaya ko 'tong lagpasan!
Naiihi pa ko takte. Kung umalis kaya muna ko? Punta muna kong cr tas magdadasal muna ko. Tapos kapag hinanap ako-- sasabihin ko naiihi kase ko kaya umihi muna ko. Tama tama! Tumango-tango pa ko habang patalikod.
Maglalakad na sana ko ng bigla kong hatakin ni tita. Ay anu ba yan!
"Tita.." Nagpa-puppy eyes ako sa kanya. Subukan ko kung effective. Ayoko pa talaga pumasok! Kinakabahan ako!
"Ano na naman ba? Tawag na tayo ni Sir. Wag mong pag-antayin yun!" Sabe ni Tita. Pinanlakihan pa nya ko ng mata. Sya kaya sa kalagayan ko ngayon no? Palit kami ng pwesto!
"H-hindi pa ko ready.. Tita.. B-baka himatayin ako.. t-tapos tita baka m-makita ko si L-luhan tapos m-mbuntis ako.." Naluluhang sabi ko kay Tita. Hindi ko talaga kaya! Kaylangan ko pa ng konting oras.
Gulat na gulat naman ako nung bigla kong batukan ni Tita. Napahawak pa ko sa ulo ko! Anong ginawa ko?! Bakit nya ko binatukan? Child Abuse 'to!
"Kung makapag-drama ka jan! Anung mabubuntis ka? Nakita mo lang mabubuntis ka kaagad? Tsaka di ka paptulan nun!" ARAY HA! ANSAKIT LANG NUNG HULING SNABI NI TITA. Ikulong ko kaya syang freezer e no? Tapos hindi ko na sya palabasin forever! Makasabing hindi ako patulan ni Luhan.. nakakaiyak tuloy.. ansakit kaya!
"Mrs. Sanchez?" WAAAAAH! Napalingon kame pareho ni Tita sapinto. Tinatawag na si Tita! Oo si Tita yun! Yun yung apilyedo nya. OMG! Tintawag na sya. Ayan na naman naiiyak ako--
Ayoko ngang pumasok kasi andun daw yung EXO sabi ni Tita eh! Di ko pa kaya! Wala kong dala ng tank ng oxygen. Yung obaryo ko nanganganib!
"A-ah sir.. Ito na po kame.." Bigla-bigla na namang hinatak ni Tita yung braso ko. Waaah! Ansakit na ng braso ko. Kung kagatin ko kaya sya? Balak nya ata baliin braso ko.
/pout/
May braso naman sya bakit di yun yung baliin nya.
Natigil ako sa pag-iisip ng napagtanto ko na nandito na kame sa loob.
Nilibot ko yung paningin ko-- WAAAAH!!! Ang ganda dito! Ang ganda ng kwarto na 'to!
Parang office 'to-- Ah tama-tama! Office nga 'to tapos punong-puno ng mga poster ng iba't-ibang KPOP Grouuup kyaaaah! Ang cute! Sana ganito na lang din yung kwarto ko!!! Kinikilig ako OMG nakatingin kase sakin yung poster ni Suho she--
BINABASA MO ANG
Expectation vs. Reality (Fanfic)
Fanfiction"Don't expect something that you know can make you hurt."