Chapter 26

216 9 0
                                    

-X-X-

Ang problema kasi sa sarili ko, Wala kong kontrol. Walang filter yung bibig ko sa pagsasalita minsan kaya ako napapahamak o napapahiya. Ang exaggerated ko sa mga bagay na bagay na alam kong nakakainis na. Hindi ko lang talaga kasi mapigilan ang pagiging OA.

Tulad ngayon, Hindi ko mapigilan ang pagpaypay sa sarili ko gamit ang kamay ko. Pakiramdam ko naiinitan ako pero hindi naman talaga. Kinikilig ako kaya pati buong pagkatao ko, damay.

"Waah! Maganda ba talaga ko?! We?! Omg hindi nga?! Hala! Kinikilig ako!!! I'm dying already! Eotteokeee" Yung bibig ko walang preno sa pagsasalita.

Umirap yung lalaking nasa harapan ko. Kita ko ang ngiti nya. Right! Amusement is written all over his face.

"Pag may make up lang. Tss bakit ka ba nagha-hyperventilate?" Tanong ni Luhan. Oo si Luhan! Parang heaven sa pakiramdam dahil kinakausap nya ko. At hindi lang yun! Nung nakita nya ko, ngumiti sya.

Kaya nakakapagtaka. Kasi naman walang ginawa yun kundi irapan ako e. Hindi ko naman maintindihan kung bakit ganun sya.

"I don't get you. Ang babaw mo," Sabi nya at tumayo bigla. Yeah, tumabi pa talaga sya sakin para lang sabihing ang ganda ko daw. Huehuehue pag may make up nga lang!

Pero okey na yun no!

Tumayo ako nung tumayo din sya. "Magmi-make up na ko araw-araw para sayo," humagikhik ako. Titiisin ko ang pangangati ng mukha ko para lang sa kanya.

Tumingin sya sakin at umiling-iling habang natatawa. Ang galing.. tumawa sya. Wah!! Halo-halo yung pakiramdam ko! Di ko keribells

Umalis sya ng walang paalam at ako nakatayo lang hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

Natauhan na lang ako ng may magsalita na sa harapan. Kinabahan na naman ako.. Simula na. Shit!

Umupo ako ng maayos at nagdasal pa. Madami na ding tao at.. Takte makakakanta kaya ko neto?! Di nga! Baka mamaya bigla na lang akong ma-discover dito! Huehuehue jok

Tinawag ang pangalan ko sa harapan. Nilalamig ang kamay ko at pakiramdam ko babagsak ako bigla. Nagpalakpakan naman yung mga kakilala ko. Napangiwi pa ko nung makita ko yung picture ko sa harap. Tangina! Picture ko sa facebook yun a! Ang panget ko jusko.

"Mukha kong jejemon. Pakitanggal naman ho yung mukha ko sa screen," pabulong na sabi ko sa MC pero hindi bulong yun dahil may hawak pala kong mic na nakatapat sa bibig ko kaya ayun.. narinig nila. nakakahiya!!

Wala na kong narinig. Kahit kinakabahan ako, hindi ko na lang sya ininda at nag focus ako ng mabuti sa kakantahin ko

"Mapapansin mo ba Kaya ang tulad ko Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata"

Chinito. Ilang linggo kong pinagpraktisan ang kanta na 'to. Kahit hindi naman talaga maganda ang boses ko ay naghanda pa din ako para dito.

"Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa'yo Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap Oh chinito Balang araw ay, malalaman mo rin"

Lumibot ang mga mata ko sa mga tao. Kilala ko naman sila lahat dahil dito sila nagtatrabaho. Kinabahan ako bigla ng makita ko yung mga artista. Yung mga artista ng SMent, jusko hindi ko naman akalain na dadating pala yung araw na 'to.

Yung kakanta ko sa harapan nila. Nakakahiya lang dahil ang pangit talaga ng boses ko. Huehuehue

"At kung ikaw ay nakatawa Ako pa ba ay nakikita Nalilimutan ko ang itsura ko Kapag kausap na ikaw Sana naman ako'y pakinggan At nang ikaw ay malinawan Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin Oh! Chinito... Chinito... "

Expectation vs. Reality (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon