Chapter 21

267 15 5
                                    

-X-X-

Kahit nagtataka ko sa nangyayari, Tumakbo pa din ako at sinundan si Luhan. Pero nasa unahan ko yung tumatakbong tatlong babae. Hinahabol din nila si Luhan? Pero bakit?

Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko yung pinasukan ni Luhan.

Sa CR ng girls.

Bakit sya andoon? Diba lalaki sya? Bakla ba talaga sya? Di ko alam kung bakit pero nainis ako. Kaya ba talaga sya nagagalit sakin kasi insecure sya sa ganda ko?!

Tapos ngayon makikita ko syang tumatakbo papuntang Cr ng babae. Para ano? Para mag make-up? Hays. Tanggap ko naman kung anong kasarian ang meron sya e. Tanggap naming mga fans yun. Siguro? hehe.

Tatalikod na sana ko para umalis sa lugar na yun ng may mag sink in sa utak ko. Andaming tanong sa utak ko like

Bakit nya kaylangang tumakbo papuntang cr?

Bakit sya hinahabol ng mga babae?

Dahil sa curious ako, Naglakad na lang ako papunta don. Ayoko ng tumakbo. Nakaka-ubos ng energy.

Nasa tapat ako ng pintuan ng cr ng girls. Pipihitin ko na sana yung door knob ng makarinig ako ng sigaw. why? Walang ano-ano binuksan ko kaagad yung pinto at nakita ko yung tatlong babae at si Luhan. Lahat sila nakatingin sakin.

"Why?" Sabi ko bigla. nakoko conscious kasi ko sa klase ng titig nila e.

"Sino ka?" Tanong sakin nung isa sa kanila. Sasagot pa lang sana ko ng mapansin kong may mali.

"Bakit nyo sya hawak-hawak?" Nagtatakang-tanong ko. Ngayon ko lang kasi napansing hawak pala nung dalawang babae si Luhan sa magkabilang kamay.

Akala ko kasi friends friends sila kaya nasa gitna nila si Luhan. Ee?

"Wala kang pakialam!" Singhal sakin nung G1. *Pout*

"Umalis ka na kung ayaw mo madamay ha!" G2.

"Ano bang gagawin nyo sa kanya? Siguro auhm huhu waaa---" Nagulat ako bigla nung binato sakin nung babae yung hawak nyang matigas na box. Natamaan tuloy yung ulo ko.

"Masasama kayong tao no? Bitawan nyo asawa ko. *pout*" Humina yung pagkasabi ko nun.

"Tss sasaengs. Let go of me." Bored na sabi ni Luhan. Sa itsura nya, mukha naman syang hindi natatakot.

Wait--

"Sasaeng kayo? Wah! Bitawan nyo si Luhan!" Lumapit ako sa direksyon nila kaso bigla kong tinulak nung babae. *pout*  Ansakit ha! Hindi ako marunong makipag away kaya di ko alam kung paano ang first attack.

Nawala yung pag nguso ng bibig ko at tumitig ng masama dun sa babaeng tumulak sakin.

Parang bigla kong napagtanto na Sasaeng pala 'tong mga kaharap ko. Ang mga taong pinakainaayawan ko. Sila ang taong pinakanagagalit ako dahil sa mga katarantudahang ginagawa nila sa mga Kpop idol.

"Bitawan nyo daw sya." Walang emosyon kong sabi. Ewan ko ba kung bakit bigla kong nakaramdam ng galit towards them.

Naalala ko bigla kung paano ko umiyak non dahil sa mga ginawa nila. Sinasaktan nila ang EXO. Mga taong walang magawa sa buhay at pati pinaggamitang napkin nila, Iniiwan sa harap ng dorm ng EXO. Yung pananakit nila kay Lay. Sila yung madalas na dahilan kung bakit nasasaktan ang mga taong pinahahalagahan ko.

"Wag kang lumapit, Jheanne." Gusto kong ngumuso sa sinabi ni Luhan. Pero pinigilan ko yung sarili ko. Nagpapaka hero wannabe na nga ko dito ayaw pa din nya kong lumapit sa kanya?

"They have weapons. They will hurt you.." Ahh. kaya pala. Napatango-tango ako.

Kung tutuusin kaya naman ni Luhan yang mga babaeng yan e. Kaya siguro parang hindi sya pumapalag. May patalim pala. huhu.

Expectation vs. Reality (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon