-X-X-
JHEANNE'S POV
Alam nyo ba yung meron ngayon? Ako kasi hindi ko alam e. Joke. Haha. Medyo happy happy ako ngayon dahil Day-off ko. Oo! Day-off ko! Akalain nyong magkakaroon pala ko ng Day-off! For the first time pinagbigyan kami ngayon ni Mrs. Lee na magpahinga.
Patayan naman kasi. Araw-araw gigising ng maaga tapos uuwi ng gabi galing trabaho tapos ang sakit na ng katawan ko. Buti na nga lang may dalawa kong tiga-hilot sa likod ko pag-uwi e. So ito, ang saya saya ko at balak ko matulog maghapon ngayong Sabado! Uaaah.
Bumangon muna ko saglit at lumabas ng kwarto para makita ko yung ginagawa ng dalawa kong kaibigan. Paglabas ko naabutan ko silang bihis na bihis at nagpapaganda sa salamin. Nagtaka naman ako..
"Saan kayo pupunta?"
"Kung saan malayo sa'yo. Ahehe" Ayis. Ngumuso ako.
"Yung totoo kasi?" Ako.
"Mamamasyal kaming dalawa! Igagala namin yung sarili namin sa buong Korea! Magliliwaliw kami. Magwi-window shopping kami! Magsasaya kami! Mainggit ka! Hahaha!" Sabi ni Iyrah tapos nag-belat pa. Ako naman napa-kunot yung noo.
"Bakit pa kayo mamimili ng bintana? Eh maayos naman yung bintana natin a? Magsasayang lang kayo ng pera!" Sabi ko sa kanilang dalawa. Chineck ko pa yung bintana namin pero wala naman akong nakitang sira. Hays balak pa nilang mag-aksaya ng pera.
"Bobo!"
"Ay tanga!"
"Grabe naman! Ako pa ba yung tanga? Sino kaya samin yung mamimili ng bintana" Sabi ko at umirap pa.
"Aba Iyrah iniirapan ka oh"
"Haha ang panget mo" Iyrah.
*Pout*
"Saan nga kayo pupunta?" Tanong ko ulit. Malay ko ba kasi baka pinagloloko lang nila kong dalawa.
"Sabado ngayon bhe. Kaya naisip namin ni Iyrah na mamasyal kasi first time lang naman namin dito kaylangang sulitin." Sabi ni Ayis.
"Eh bakit ako hindi kasama? *pout*"
Magkasabay silang tumingin sakin ng masama. Eh? May mali ba kong tanong?
"Sa pagkakaalam ko Maria Jheanne ayaw mo magpa-istorbo ngayon. Di mo ba naaalala kagabi? Walang katapusan yang bunganga mo kakasabi samin na bawal kang istorbohin kasi matutulog ka maghapon diba? Oh ayan.. mabait kami kaya hindi ka na namin isasama sa pamamasyal namin. Matulog ka lang a? Wag ka ng magising. Byebye Moonlight!" Pang-aasar ni Iyrah. Kinuha nya yung shoulder bag nya at lumabas na kasama si Ayis.
*pout* "iiwan nyo talaga ko?" Grabe! Kung alam ko namang mamamasyal sila ngayon sasama naman ako e! Ito lang kaya yung free day ko. Ito lang din yung araw na pwede ako mamasyal kasama sila. Huhu.
"Oo. Matulog ka na dyan! Magpahinga ka nalang diba masakit katawan mo kagabi?" Sabi ni Iyrah. Tumango ako.
"Aalis na kami. Iyak ka na bh3. Hahaha!" Mukhang demonyo si Iyrah na tumatawa sa harap ko. Bakit ba trip na trip ako ne'to?
"Aalis na kami ni Iyrah. Babye Jhe! Inggitin ka na lang namin mamaya! Haha!" Isa pa 'to si Ayis.
Nakakatampo naman sila. Wag ko na kaya sila pauwiin dito sa bahay?
"Ewan. I hate you both. Sagad." Sabi ko sa tonong galit. Matutulog na lang talaga ko at hindi na ko gigising! Aapihin lang naman nila kong dalawa e!
"Aylabyu too!" Ayis.
"Aylabyu moree!" Iyrah.
"Pakyu kayo. Sagad." Sabi ko at binalibag ko yung pinto. Leche lumayas na sila! Huhu!

BINABASA MO ANG
Expectation vs. Reality (Fanfic)
Fanfiction"Don't expect something that you know can make you hurt."