-X-X-
"Okey ka lang ba?" Tanong sakin ni Baekhyun pagkaupo ko. Medyo sanay na din ako sa presence nila. Kung dati sobrang kilig kapag nakikita ko sila, Ngayon sobra-sobra-sobrang kilig na! huahuhua. Biro lang. Normal na yung nararamdaman ko pag nakikita sila. Sanay na din akong kinakausap nila.
At improvement! Hindi na ko nauutal pag kaharap sila! Oha!
"Uy na space out ka na naman!" Napatingin ako kay Baekhyun.
"A-he-he. Okey naman ako. May sipon at ubo lang ako." *pout* suminghot-singhot pa ko.
"Para kang bata. Pft. Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong nya. EEEH? Concern ba sya?! Kinikilig naman ako!
"Oo. hehe." Pagsisinungaling ko. Actually hindi pa ko umiinom ng gamot eh. Hindi pa din ako pumupuntang botika kasi busy ko sa trabaho.
"Naninibago lang siguro ako sa klima. Brrrrr.." Napayakap naman ako sa sarili ko. Anlamig kasi talaga dito!
"Pft. Bakit kasi hindi ka nagdadala ng jacket?"
"Nakalimutan ko eh. Cge na babye!" Tumayo na ko. Nagtexx si Tita eh.
May bibitbitin na naman akong kahon. Hays! Pahirap sa buhay ko talaga yang mga kahon na yan.
Nilalamig pa ko! kasi naman yung jacket ko nakalimutan ko. Ewan ko ba! Kaya pala feeling ko anlamig! Tapos bigla ko na lang narealize hindi pala ko naka-jacket! Aish. antanga ko na ata.
"Hi Jheanne!" Ngumiti sakin si Sungmin at inakbayan ako. Kadiri talaga tong baklang to! Hinampas ko naman yung braso nya.
Andami-daming pwedeng landiin dito, Ako pa yung nilalandi nya?
"Ang sungit mo naman." Nanga-asar na sabi ni Sungmin.
"Tigilan mo nga ko bakla!--tara na Hyunmi!" Hinatak ko na si Hyunmi at inunahan naming maglakad si Sungmin.
Si Sungmin at Hyunmi yung dalawang bagong staff dito tulad ko. Kaya magkakasama din kaming tatlo. Pero sa totoo lang ayoko sana isama yang Sungmin na yan para kasing bakla. Pero di naman talaga sya bakla. Ewan ko ba! Inis ako sa kanya eh.
Nag-give away kami bigla para makadaan si Taeyeon. Sh*t ang ganda ganda nya sa personal. Naaalala ko dati, Pag nakikita ko yung mga picture nya, Baliw na baliw ako. Natitibo ako sa kagandahan nya eh tapos ngayon nakakaharap ko na sya at nakakasalubong pa.
And i know how to control myself na. Hindi na ko basta-basta na lang sumisigaw. Dahil sa kinikilig ako. Tulad nga ng sinabi ko, Nasasanay na din ako.
"Hoy babae, Sinabi kumuha daw ng kahon, Hindi tumunganga." Natauhan ako bigla sa sinabi ni Hyunmi.
"Tulala na naman sya.." Natatawang sabi nya ulit kaya napanguso ako.
"Hmmmp." Kumuha na lang ako ng dalawang kahon.
"ugh ambigat! Magkaka-muscle na ata ko!" Reklamo ko habang bumubwelo sa pagbuhat.
"Pwede naman kasing isa-isa." Singit ni Sungmin.
"Pakialam mo. Gusto ko mabilis matapos eh."
Naglakad na ko bitbit yung dalawang kahon. Huhuhu! Sana kasi apat na lang braso ko eh. Para di ako nahihirapan ng ganito!
Hindi ko naman alam kung ano yung laman ng mga to pero mabigat Aish! Basta madala sa stock room, tapos!
Nung natapos ko na lahat ng ginagawa ko eh, Pumunta ulit akong stock room. Ewan ko ba, Parang naging tambayan ko na 'to kapag gusto kong magpahinga. Tahimik kasi. Tsaka hindi naman masyadong madumi dito.
BINABASA MO ANG
Expectation vs. Reality (Fanfic)
Fanfiction"Don't expect something that you know can make you hurt."