-X-X-
Napalingon ako ng marinig kong mag-alarm yung cellphone ko. Kaya naman agad ko tong pinatay dahil baka sipain na naman ako ng kapatid ko. Kanina pa ko gising. Sa totoo nyan, Hindi na ko nakatulog. Hindi ako natulog dahil sa mga iniisip ko na mangyayari mamaya.
Ito na yung araw na pinakahihintay namin ng mga kaibigan ko. ang araw ng SABADO. Hindi ko na nagawang matulog dahil tuwing ipinipikit ko yung mga mata ko EXO ang pumapasok sa isip ko. at wala kong ginawa kundi ngumiti at antayin lang yung oras ng pag-alarm ng cellphone ko. 5AM na. 7AM ay dapat nasa byahe na kami papuntang MOA. Yes. Doon gaganapin yung concert nila.
Nasabi ko na ba sa inyong V.I.P standing kami? Isa yun sa dahilan kung bakit excited ako at hindi ako nakatulog. Malapit kami sa stage. Malapit kami sa EXO. Makikita namin sila ng malapitan. Oh diba? Pano ko makakatulog nun? At tsaka hindi ko maiwasang hindi mag-imagine eh. Pano kaya kapag nakita ko ni Luhan? yung maiinlove sya sakin. yung mga nangyayari sa wattpad. Imposible bang mangyari sakin yun?
Well ayoko ng tumunganga kaya naman diretso na kong banyo tsaka naligo. at kinuha yung damit ko na Wolf 88. yung may 12star sa balikat. Ito yung napag-usapan namin ng mga kaibigan ko na suotin.
Sakto naman sa oras ng magkita-kita kami ng dalawang kaibigan ko. at diretso na kaming MOA. Ang start ng concert ay 6PM. Pero ba-byahe kami ng 7AM.
Pag sa school ako kalahating oras late, minsan nga lagpas pa. Pero kapag concert.. mapapa-tawa ka nalang sa sobrang aga eh. Syempre, hindi kami pwedeng ma-late dito. Mahirap na kapag maraming tao.
Bumyahe kami ng mahigit isa't kalahating oras tsaka nagtungo sa Mcdo. Hindi kami kakain ah. Andito din kasi yung iba kong kaibigan. Mga kaibigan ko na nakilala ko sa internet na mga EXO Stan din. Sabay-sabay kami manunuod. Tinawag ko sila at napalingon sila sakin tsaka sila tumakbo at yumakap sakin.
"Bheee!! Concert na ng EXO!! Kyaaaaaaaaahhh!" Sigaw ni Jasmine. Isa sa mga friend ko. Tatlo sila. Si Reymond, Dexie at ito nga si Jasmine.
Pinakilala ko sila kay Ayis at Iyrah. Pare-parehas naman silang mga Fan ng EXO kaya hindi nagtagal, Nagkasundo din sila. Ang naka-poker face na si Iyrah, eh ngayon ay nakangiti na. Excited eh. Ilang minuto pa kami nag-stay sa Mcdo na yun. At tsaka dumating yung huli ko na lang na inaantay. Si Ate Lerry. Future sister ko yan dahil Boyfie nya ang Kapatid ko. And yeah, andito din sya dahil manunuod kami lahat ng concert ng EXO.
"Hahahahahhaha! Hindi ko talaga makakalimutan yung Chicken is not my style ni Kris eh! Epic!" Salita ni Reymond na ikinatawa namin.
"Kkaeb song~ Kkaeb song~" Kanta naman ni Jasmine.
BINABASA MO ANG
Expectation vs. Reality (Fanfic)
Fanfiction"Don't expect something that you know can make you hurt."