Chapter 28

121 6 2
                                    

-X-X-

Napayuko ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano ba ang dapat ginagawa sa taong nag walk out? Dapat ba silang sundan? O pabayaan na lang? Pwede bang pektusan na lang sila? Haaay. Huminga akong malalim. Ano ba 'to. Namumroblema ko sa isang bagay na hindi naman dapat pinoproblema. Gusto ko syang sundan. Pero naiinis ako sa kanya. Kanina ayaw ko syang makita kasi nabibwisit ako sa ilong nya, Noong nakita ko naman sya at nakausap, Nabibwisit pa din ako. Tapos ngayon umalis sya.. Naiinis ako. Ah! Naiinis ako kasi umalis sya?! E ANO NAMAN KASI KUNG UMALIS NGA SYA?! Nakakaasar! Nabibwisit ako. Lecheng Jungkook!

"Jheanne, Ano ba y--"

"Susundan ko ba?" Naiiyak na tanong ko kay Luhan. Nakatayo sya at tinitingnan ang buong paligid.


Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Gusto ko syang sundan kasi pakiramdam ko natatae ako pati hindi ako mapalagay.


Aaah!

"Sino? Yung lalaki?" Tanong nya ng hindi tumitingin sa akin.

Hindi ba nya kilala si Jeon Jungkook? Ngumuso ako at tumango.

Lumuhod sya at tinanggal yung mga nakaharang na extension. Nagtaka ko sa ginagawa nya. Naglilinis ba sya? Kanina kasi napansin ko, Inaayos nya yung table sa gilid nya. Pero di ko yun pinansin. Tapos ngayon naman, Yung mga extension, Kung hindi nya tinatabi sa gilid, Kinukuha nya at pinupulot. Dahan-dahan lang ang mga kilos nya.


"Bakit mo sya susundan?" Nagayon ay na sa akin na ang atensyon nya. Hindi ko sya nasagot. Bakit ko nga ba sya susundan? Kasi natatae ako? Huhu


Hindi naman mukhang banyo si Jungkook pero bakit parang naji jebs ako? Umiling na lang ako. Tiningnan ko sya at hawak nya ang kulay puting extension at pinupulupot nya 'to.


"Anong gagawin mo dyan?" Nagtatakang tanong ko. Tama ako. Naglilinis nga sya. Huaah! Ohmyghad! Ohmyghad!

Kaya ba sya nanddito sa Staff room na ito para maglinis? Wah! Nag apply ba sya bilang staff? Ha?

Hindi ba member sya ng EXO? E bakit sya nag apply sa pagiging staff? Kulang pa ba yung sinasahod nya? Shet! Nagkamot ako ng ulo. Bakit?

"Lu, Di ba member ka pa naman ng EXO?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngayon ay medyo maayos na ang nandito sa pwesto namin. Yung mga nakakalat na gamit sa lamesa at sahig ay dinampot nya na. Malaki 'tong kwarto na 'to kaya imposibleng matapos nyang mag isa 'to.

"Ha? Syempre member ako ng EXO." Tumayo sya at humalikipkip. Tinaas nya ang kaliwang kilay nya at tinagilid ang ulo.

"Ano na naman ang naiisip mo?"

Napahawak ako sa batok ko at ngumuso.

"Kasi nagtataka lang ako pwede pala dalawa trabaho dito?" Mag apply din kaya ko bilang guard no? Para kapag aalis sila at madaming fans, ako yung nasa gilid nila. Tapos yayakapin ko si Luhan tutal siksikan naman e.


Wow! Tama! Tama!


"ha?" Umirap ako sa sagot nya. Hindi na nman nya ko na gets?! Ang ibig kong sabihin ay dalawa ang trabaho nya dito. Sayang 'to si Lu e. Minsan may pagka palpak e.

"Ang slow mo." Ngumuso ako at tumalikod. Mahirap makipagtalo sa slow kaya pinabayaan ko na lang sya. Magtatanong na lang ako mamaya kay tita.

Naglakad ako at naalala ko bigla si Jungkook. Hala! Ayan na naman yung feeling. Pakiramdam ko natatae ako kapag naisip kong hindi ko sya nasundan. Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko at napapikit. Kalmahin mo ang sarili mo, Jheanne.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Expectation vs. Reality (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon