-X-X-
"Uy Bhe mag-iingat ka dun ha!"
"Wag mo pababayaan sarili mo!"
Inirapan ko yung dalawang kasama ko. Wala na kong ibang marinig kundi yung 'mag-ingat ka' ganun-ganun. Paulit-ulit! Nakakabobo na ah!
Silang dalawa na lang yung kasama ko ngayon. Malapit-lapit na din yung flight ko. and i'm so fcking excited!
Kanina andito yung mga kapatid ko pero pinauwi ko na din sila. Kaya ko naman na mag-isa. Hihintayin ko na lang yung eroplano. Pero itong dalawa. Si Iyrah at Ayis. Hindi daw muna sila uuwi! Hintayin na daw muna nila kong makasakay sa eroplano.
Takte naka-jacket naman ako, Pero nilalamig pa din ako. Anlamig ng dalawang kamay ko.
"Wag kang kabahan. hahaa!" Hinawakan ni Iyrah yung dalawang kamay ko eh kasi naman ang lamig kaya ng kamay ko.
Eeeeeeeeh? Bakit naman ang init ng kamay nya? Tas sakin anlamig. Eee?
"Ang init ng kamay mo. Akin ang lamig." Napanguso pa ko.
"Kinakabahan ka kase masyado. Chill!" Sabi nya.
"Wag kang ngumuso-nguso. Mukha kang aso." Sabi nya ulit kaya inirapan ko na lang.
"hahaha!" Natawa naman sila ni Ayis. Hilig kase kong sabihan na 'aso' takte sa ganda kong to? Pang-dyosa ko e.
Binitawan nya na yung kamay ko tsaka sila nagdaldalan ni Ayis. Takte kinakabahan talaga ko. Tumingin ako sa orasan ko. Shit! 20minutes na lang!
"Bhe, May cr ba si eroplano?" Bigla silang nagtawanan sa tanong ko.
"Antanga mo! Malamang meron! San iihi yung mga tao dun? Sa bintana? hahaha katangahan talaga oh." Sabe ni Iyrah. Malay ko naman kasi eh!
"Nasi-cr ka ba bhe? Cr ka muna habang wala pa naman."
Makapag-cr na nga lang muna!
Pagdating ko sa pwesto namin nakita ko silang nagtatawanan na parang kinikilig tapos may tinitingnan sila sa cellphone nila tas kikiligin ulet.
"Anong nangyayare sa inyong dalawa?"
"Oy bhe anjan ka na pala." Hindi! Baka picture ko lang 'to. Tss
Umupo na lang ulet ako. Ghed malapit na!!
"Bhe kilala mo yung BTS?"
BTS?
"BaTang Supot? haha!" Nakakatawa ba yung joke ko? Eh hindi ko alam kung sino yun eh!
"Iyrah BaTang Supot daw? hahaha hindi kaya!" Tawa ng tawa si Ayis.
"Eh ano?" Nagkatinginan silang dalawa tsaka nagsalita
"BAKLANG TAGA- SEOUL!" In chorus nila yang sinabi.
BTS?
Baklang Taga Seoul?
Whut?
Di ko gets. Tumango-tango na lang ako kahit hndi ko sila maintndihan.
"Di mo kilala no? Bagong KPOP Group kase yun. Puro kase EXO eh!" Singhal saken ni Iyrah.
"Yun nga daw yung next EXO eh. Astig kase sila! La la la la la ~" Biglang sayaw ni Ayis. May pagka saltik din 'to eh. Nilaklak na naman siguro yung femenine wash.
BINABASA MO ANG
Expectation vs. Reality (Fanfic)
Фанфик"Don't expect something that you know can make you hurt."