Chapter 22

258 11 0
                                    

-X-X-

Iyrah Ecaldre's POV (Ito po yung isang kaibigan ni Jheanne. Keri na 'to. HAHAHA.)

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Hinawakan ko yun at mahina kong pinukpok ng kamay ko. Nakakaasar dahil sa ulo na 'to nagising yung mahimbing kong tulog. Dagdag pa yung pesteng liwanag na nanggagaling sa liwanag ng ilaw kaya nasisilaw tuloy ang mga magaganda kong mata.

Napaupo ako bigla ng mapansin kong wala pala ko sa sarili kong kwarto. At naalala ko na.. nasa Korea na pala ko at andito ko sa tinitirhan ni Jheanne. Emeghed. KOREA. Tumingin ako sa tabi ko at nakita kong walang tao. Ang alam ko natulog akong katabi si Ayis. Nasan na yun?

"Tangina.. ang sakit" napahawak ulit ako sa ulo ko dahil naramdaman kong kumirot yung sa may part ng noo ko..

"Shit bakit may dugo?" Nagtatakang sabi ko sa sarili ko ng may mahawakan akong basa sa noo ko..

Natulog ba kong dumudugo ang noo ko? Sa pagkakaalam ko makinis at walang bahid ng dugo yung noo ko nung humiga ako a? Shit.

Tatayo na sana ko para tingnan sa salamin kung anong meron sa noo ko ng may mahawakan yung kamay ko na kung ano banda sa gilid ko at pagtingin ko.. Cellphone.

Parang bigla naman akong nainis. Sino ba yung tanga tangang naglagay ng cellphone nya dito sa gilid ko? Paano kung madaganan ko 'to? Edi sira. Kargo ko pa, Ako pa magbabayad. Hindi nag-iisip.

Baka naman cellphone ni Ayis 'to.. Eh? Pero hindi e, Kaylan pa naging tanga si Ayis? Si Jheanne siguro pwede pa. Sya lang naman yung tangang kilala ko e. Hahaha. At tsaka hindi naman gagawa si Ayis ng mga bagay na alam nyang ikaba-badtrip ko e.

Kinuha ko nalang yung cellphone at binuksan.. Woah?

"Sehun?" Aba si Sehun kasi ang wallpaper ng cellphone na 'to.

Tinitigan ko ng mabuti yung phone.. Hindi naman 'to kay Ayis e.. Hindi din kay Jheanne.. Woah baka nagbago sya ng phone? ABA NYETA KUNG GANON BAKIT SI OH SEHUN 'TO?! MALILINTIKAN SYA SAKIN!

Sisigaw na sana ko para tawagin si Jheanne ng bigla ulit sumakit yung ulo ko dagdag pa yung pagkirot ng noo ko.. may sugat ba ko sa noo?

Naiintindihan ko yung pagsakit ng ulo ko dahil siguro sa eroplano. First time ko kasing bumyahe na sakay ang eroplano. pero yung dugo sa noo ko? Hinawakan ko ulit yung noo ko at may nakapa kong parang sugat.. Ano bang nangyari sakin? Wala naman akong sugat sa noo nung natulog ako e.

Expectation vs. Reality (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon