-X-X-
Masyado nang na-willy si Sehun sa pagkakayakap nya sakin kaya tinulak ko na sya. Akala ko nga nakatulog na sya habang nakayakap sakin e. Mga 3-4 minutes din yun ha. Antagal na masyado! Tsaka baka mamaya, china-chansingan nya na pala ko eh. Malay natin diba? Amoy downy pa sya!
Tsaka naisip ko lang kasi, Bakit nya ba ko niyayakap? Wala naman akong problema diba? Tsaka bakit nya hinahagod yung likod ko? Wala naman kasi kong mabigat na problema e. Alam ko sa mga kino-comfort lang yun e. Hays weird talaga.
"Amoy downy na ko." Sabi ko pagkatayo ko at inayos ko na yung sarili ko.
"Ha?" Nagtataka namang tumingin si Sehun sakin.
"Wala." Inamoy-amoy ko yung sarili ko. Huhuhu! Amoy downy na nga talaga ko! Ano ba kasing trip ni Sehun sa buhay at ginawa nyang perfume yung downy? Ang alam ko panlaba yun eh. Bakit 'tong si Sehun.. hays!
"Labas na tayo?" Si Sehun.
"Oo naman! bakit? Balak mo pa bang magkulong dito? OMG! Don't tell me, dito ka matutulog?! wah! ang dumi kaya dito!" Pasigaw kong sabi sa kanya. Balak pa nya ata kong isama dito sa pagtulog nya! Ano ba talagang trip nya?
"Pfft ano bang sinasabi mo jan? Tara na nga!" Nauna na syang maglakad sa pinto at binuksan yun. Ako naman, inayos ko muna yung sapatos ko.
"Ah-- hi?" Napatingin ako kay Sehun. S-sino kausap nya? May imaginary friend ba syang hindi nakikita? Wah! May multo ba dito? At nakakausap pa ni Sehun?! Ohmygod! Di ko na keri 'to! May sixth sense pala tong si Sehun.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ulit ni Sehun.
Ano daw ginagawa ng multo dito? Waah! Grabe! Baka naman dito talaga nakatira sa kwartong 'to yung multo?
Tumakbo agad ako palabang ng pintuan at nakita ko si Luhan
"Narinig ko kasing parang may in--" Naputol yung sasabihin nya nung nakita nya ko. Tumaas yung kilay nya at tumingin kay Sehun tas tumingin naman sakin.. Tas tumingin ulet kay Sehun. Pabalik-balik yung tingin nya saming dalawa. Hala bakit kaya?
"Anong ginagawa nyong dalawa dito?" Tanong ni Luhan. Halaaaaa! Bakit parang galit sya? Nagtatanong na nga lang sya, Galit pa sya? Ayos!
"Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Naisip ko lang kasi, Mas matangkad pala talaga 'tong si Sehun kay Luhan no?
181 cm si Sehun e tas si Luhan naman, 178. Ang konti lang ng agwat. Pero mas mahal ko si Luhan. Nyahahaha!
"May maingay kasi, kaya ko pumunta dito. Eh kayo?" Tumingin sakin si Luhan ng masama kaya napayuko naman ako.
"Tss none of your bussiness" Sabi ni Sehun at nilagpasan nya na si Luhan. Binangga pa nya 'to nung naglakad na sya. Ang angas!
"W-war ba kayo ni Sehun?" Nagtatakang tanong ko kay Luhan. Nakatayo pa din kami dito. Ako naman nakatingin pa din sa naglalakad na si Sehun.
"Eh ano bang pakialam mo?" Napatingin naman ako bigla kay Luhan.
"Nagtatanong lang eh!" Alam nyo sa totoo lang, Medyo nahu-hurt na ko kasi ang sungit sungit ni Luhan sakin. Nasasaktan pa ko sa mga sinasabi nya. Hays.
Bakit sabi sa mga fact about Luhan, MABAIT daw sya? Bakit parang hindi naman?
"Alam mo hindi talaga kita maintindihan, Bakit ba ang sungit mo? May ginawa ba ko sayo? Sorry ha! Pero kasi kung dati, Kinikilig ako ngayon medyo naiinis na ko." Sabi ko sa kanya. Sa totoo lang, Medyo nahu-hurt naman talaga ko. Pero konti lang. Sa totoo lang, Kinikilig naman talaga ko! Myehehe. Umaapaw pa din talaga yung kiligan feelsxz ko kapag nakikita, nakakausap at nakakasama ko si Luhan kahit sandali lang.
Medyo dinaan ko lang sa galit yung 'tono' ng boses ko para masindak sya at sabihin sakin kung bakit ba nya ko sinusungitan. Talino ko diba?!
Kinikilig nga ko ngayon eh, Kasi kausap ko sya. KILEG!
"I hate liars. Wag mo kong kausapin. Ayoko sa madaldal." Titig na tigig si Luhan sakin habang sinasabi yun.
I hate liars. Bakit bigla kong kinabahan dun?
Liar? A-ako ba yung tinutukoy nya?
Bakit nya sinabi yun? Ano bang ginawa ko? A-alam ba nyang nagsinungaling lang ako kaya ko nakapasok dito?
P-pero imposible eh. Narinig nya kaya yung sinabi ko kay Sehun?
"Bakit kayo magkasama ni Sehun?" Nabaling yung atensyon ko sa nagtanong na si Luhan. Bakit daw kami magkasama ni Sehun?
Sasagutin ko na sana sya ng bigla kong maalala yung sinabi nya.
'I hate liars. Wag mo kong kausapin. Ayoko sa madaldal.'
Wag ko daw sya kausapin. At ayaw nya daw sa madaldal. Kaya hindi ko na lang sya sinagot. Ayokong ma-turn off sya sakin.
Hindi ko na lang muna sya kakausapin. Tutal yun naman yung gusto nya diba? Para naman hindi nya na ko masabihan ng madaldal.
"Aren't you going to speak?" Tiningnan ko lang sya at saglit na nakipag-eye contact sa kanya. Para namang biglang may mabilis na kuryente sa katawan ko at parang bumilis pa yung tibok ng puso ko.
Myghad! Nababaliw ka na naman Jheanne!
Hindi ko na lang pinansin si Luhan at tinalikuran na sya. Makapag-trabaho na nga lang.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng biglang humarang si Luhan sa dinadaanan ko. Masungit na nga, bastos pa? Nakakunot noo ko syang tiningnan. Naga-antay lang ako ng sasabihin nya.
"Diba kinakausap kita? Bakit di mo ko sinagot?"
May napansin ba kayo kay Luhan? Ang moody nya no? Diba sabi nya wag ko syang kausapin? Bakit ngayon nagi-inarte syang hindi ko sya kinakausap? Sinusunod ko lang naman yung sinasabi nya. Ayoko nang masabihan ng madaldal no!
"Bakit ba hindi mo ko sinasagot?!" Tanong nya. Bakit daw dko sya sinasagot? Nanliligaw ba sya? Hala! Anubayan! Naguguluhan na ko ah! Mukha pa syang frustrated na ewan! Bahala na nga sya!
Nilagpasan ko ulit sya at iniwan syang nakatayo dun. Sorry Luhan, Pero sinusunod ko lang talaga yung sinabi mo na wag kitang kausapin.
Tsaka naisip ko lang, Bakit ba parang nainis sya nung nakita kami ni Sehun sa kwartong yun? Nagseselos ba sya? Eh dba wala naman silang relasyon ni Sehun? Ano namang ikakagalit nya? Tapos kanina, Ang angas ni Sehun.
Parang galit sya kay Luhan. Nag-away kaya sila? Ano namang dahilan? Selos? Away sa lalaki? Third party?
*iling* *iling* Ano ba 'tong mga sinasabi ko? Eh hndi naman DAW bakla si Sehun eh.
Kung hindi bakla si Sehun, Edi si Luhan nga yung bakla? Wala naman sinabi si Sehun na hindi bakla si Luhan eh. Baka nga ganon?
Pero kung bakla sya, Bakit nakita ko sya kanina na nagbabasa ng magazine ng mga sexy na babae? Yes, nakita ko sya kanina hawak-hawak yun.
Medyo ang weird. Naguguluhan ako. Ang weird ni Sehun. Ang weird ni Luhan.
Ang weird ng HunHan. Ayoko mahawa sa ka-weirdohan nila, Aish!
---
// 05.15.14 ♥♥
BINABASA MO ANG
Expectation vs. Reality (Fanfic)
Fanfiction"Don't expect something that you know can make you hurt."