Chapter 17

252 14 4
                                    

-X-X-

Hindi pa nagsisimula yung concert pero andami ng tao. halos wala na kong maintindihan dahil puro sigawan ang naririnig ko. Tapos bigla na lang magpa-fanchant yung mga tao, Kahit wala namang kanta. Tapos kanina, Namatay yung ilaw dahil naapakan ko pala yung wire. Kaya yun, natanggal yung saksakan at namatay yung ilaw. Kaya biglang nagsigawan yung mga tao. Akala ata nila magsisimula na.

Huhuhu. Eh naapakan ko lang naman yung wire. Nakakahiya nga eh. Feeling ko gusto na kong sabunutan nung babaeng masungit. Nag peace sign na lang ako.

Isang oras na lang magsisimula na yung concert. Ramdam ko yung pagiging excited ng mga taong manunuod ngayon. Ang kaibahan lang di wala ko sa tabi nila na nakikisigaw dahil oras ng trabaho ko ngayon. Gusto ko pa naman sana magwala dahil ito yung unang beses na napuntuhan kong concert.

"Hyumi.." Inuga-uga ko yung braso ng katabi kong si Hyunmi dahil kanina pa ko nakakaramdam ng gutom at naiihi na din ako.

"Ano ba?!" Singhal nya sakin. Ang bad talaga nito. Sarap batukan.

"Nagugutom na ko. *pout* Tsaka naiihi na ko. *mega pout*" Kanina pa ko nagpapaawa sa kanya, Pero wala syang pakialam.

"Pwede ba Jheanne?! Kung gusto mo kumain, Kumain ka! Lumabas ka para pagbalik mo sabonin ka na naman ng masungit na yan! Tsaka pwede ba ulit? Tumigil kaka-pout." Ang hard nya. Grabe. Parang yung mga kaibigan ko din 'to eh.

"Nagugutom na ko!" Nagpa-padyak padyak ako sa harapan ni Hyunmi dahil ayaw pa nya kong samahan lumabas.

Umirap muna sya bago nagsalita. "Wala kong paki. Lumabas ka na. Hindi kita isusumbong." Ngumiting aso pa sya sakin. Yung halatang plastic na ngiti. Ganun na ganun.

Hays. Sya nga lang yung kaibigan ko dito, Tapos kaugali pa nya yung dalawang kaibigan ko. Mga bully. Huhuhuhuhu.

"Di mo ko isusumbong ha?" *puppy eyes* Kapag kasi nalamang lumabas ako sa oras ng trabaho, Papagalitan ako. O baka di lang yun, Baka patalsikin na kong korea.

"Oo na! Oo na! Ako ng bahala sa gagawin mo dito!" Tinulak-tulak pa nya ko na animo'y ayaw nya ng makita yung mukha ko. Ansama. Huhu.

Wala kong nagawa kundi pumunta sa di ko alam na lugar dito sa loob ng concert hall. Anlaki-laki kasi dito. Maliligaw ka talaga kung hindi mo alam yung lugar. Tulad ko, Naliligaw na ko ngayon. Hindi ko alam kung nasaang parte na ko ng lugar na 'to.

Patay tayo dyan. Baka mamaya magsimula na yung concert. Huhu. Ay isang oras pa naman eh. Hindi naman siguro ko aabutin ng isang oras dito.

Naglakad-lakad pa ko saglit hanggang sa makita ko yung mga malalaking banner na nakatayo. Dahan dahan akong lumapit dun na abot yung ngiti sa magkabilang tenga.

Banner ng EXO. OMG lang. Parang ayoko ng bumalik sa trabaho ko at mas gusto ko pang pagmasdan yung mga mukha ng mga lalaki sa buhay ko.

Lumapit ako sa banner at hinawakan ko yung mukha ni Kai at kinausa. "Hi Squid! Bakit ang hot mo?! Stop bitting your lips kung ayaw mong gahasain kita.. adsfghmkle huhuhu!" Sobrang lapit ng mukha ko kay Kai na halos magkadikit na yung labi naming dalawa. Huhu kaso banner lang 'to! POOR ME!

Tiningnan ko yung ibang members. Grabehan talaga. Pano kaya sila nabiyayaan ng ganitong itsura? Napaka perpekto nila sa paningin ko.

Na kahit ang haba ng baba ni Kris, Eh bumagay naman sa kanya. Parang naging asset na nga nya yung baba nya eh. Tapos yung mata ni D.O na kasinglaki ng tarsier. Siguro kung mata 'to ng ibang tao, Mapapangiwi ka na lang eh. Pero kay D.O? Bumagay talaga sa kanya at masasabi mo na lang na ang cute cute nya lalo dahil sa mata nya. Si Kai naman, Sa sobrang init naging negro. Kaylangan ko pa bang isa-isahin? Sobrang ina-admire ko talaga sila.

Hinanap ng mata ko yung taong tinitibok ng puso ko.. NAKS! Tinitibok? Kinikilig ako. Bakit ang cheesy ko huhuhu! *pout*

Nilapitan ko si Luhan. I mean yung banner. Sya kasi yung nasa dulo, Kaya hindi ko sya napansin o naamoy. Huhu.

"Hi Luhan!" Nakayukong sabi ko sa kanya pero nag-wave ako ng kamay. Kasing-laki ng tao 'tong banner kaya hindi ko na kaylangang tingalain pa sya.

*pout* "Bakit ba ang gwapo mo? Kaso ansungit mo." Tiningnan ko si Luhan sa mata nya. Nakakainis talaga. Nakaka-magnet yung mata nya. Kahit banner lang 'tong kausap ko, Kinikilig pa din ako.

"Wag mo nga kong titigan ng ganyan!" Malanding sabi ko na may kasama pang paghampas sa banner dahilan para mapa-'aww' ako. Bakal pala yun. Huuhuhuh.

"Ano ba talaga ha? Gusto mong dukutin ko mata mo? Bakit ganyan ka makatitig at makangiti? Pakyut ka na naman eh! Pa-charming ahmp!" *pout*

"Titigan contest ba talaga ang gusto mo?! Sumagot ka naman!" Tanong ko kay Luhan.

Pano kaya kung bigla 'tong magsalita no? Tatakbo talaga ko. syempre, nakakatakot kaya no. Baka mamaya doubleganger pala ni Luhan yun eh. O kaya biglang gumalaw yung mata nya no? Myghad. Kinikilabutan ako sa mga naiisip ko. Huhuhu.

Bigla ko na lang naramdaman na kumalam yung sikmura ko. az@r. Dahil sa kalandian ko, Nakalimutan kong nagugutom nga pala ko at naiihi.

Tinitigan ko muna si Luhan sandali bago umalis. Gusto ko syang kissan. Kahit banner lang 'to. Namimiss ko na kasi yung mga poster ko na lagi kong ginagahasa. Halikan ko kaya 'tong banner ni Luhan? Huhu. Banner lang naman eh. Wala namang masama dun, Kung sana yung mismong Luhan ang hahalikan ko. Diba? Naiintindihan nyo ba yung pinaglalaban ko? Huhu.

Nilapit ko na yung mukha ko sa banner ni Luhan. Nakakamiss talaga ang labi ng asawa ko. Pinikit ko yung mata ko at halos milimeter na lang ang  mga labi namin ng biglang

"Anung ginagawa mo?"

HOLY MOLLY!

Tumayo ko bigla ng diretso at nakita ko si..

"Hala sino ka?" Nanlalaki yung mata ko habang nakatingin kay Baekhyun.

"Sino ko? A--" Balik tanong ni Baekhyun.

"He-he Ay napanuod mo na yung frozen? Ang ganda nun no? he-he" Sabi ko kay Baekhyun na halatang nagtataka sa mga sinasabi ko.

"Sinasabi mo? Ano ba kasing gi--"

"Ha-ha-ha! Grabe kaya yung ending nung Tinkerbell! He-he ang cute kaya dun ni Zarina. Maganda yun panuodin mo. Tapos--"

"Ano b--"

"Pati yung wonderpets maganda! Alam mo ba kantahin yun? Gan--"

"Ewan ko nga sayo." Nagkakamot ng ulo si Baekhyun nung umalis sya at iniwan akong nakatayo dito.

MISSION ACCOMPLISHED! Ang galing ko diba? Edi hindi na sya nagtanong about sa ginagawa ko. Syempre, Alanganamang sabihin ko na 'Kinikissan ko lang si Luhan.' Nakakahiya yun. Hindi naman sa nakakahiya. Pero parang ganun na din yun. hehe. Iisipin nga lang nyang baliw ako--

OHMYGOD IISIPIN NYANG BALIW AKO? HUHUHU. Baka tumawag syang mental kaya nya ko iniwan dito? Huhu. Super duper ultramega POOR ME!

Naglakad ako habang nakayuko yung mukha ko at iniisip si Byun Baekhyun ng bigla kong may maramdaman na humawak sa magkabilang braso ko  at inuga-uga ako.

Times ten yung laki ng mata ko ngayon habang nakatingin sa taong hindi ko naman kilala. Halaa sino 'to????????

-----

Oh/ Thank you kay  Iyrah dahil nakapag-UD ako. Pagti-thank you ko to sa kanya. Kasi pinakopya nya ko ng assignment. Huhuhuhuh. How sweeeet. ♥♥ Yay. lol. short update.

 06.13.14 ♥

Expectation vs. Reality (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon