A/N: Hello! November 03, 2020 pa pala huling update ko dito. June 02, 2023 na now HAHAHA!
Matagal-tagal ring nanatiling gising si Dahyun habang si Sana'y malalim na ang pagtulog. Sandaling nahiga si Dahyun sa tabi upang pagmasdan ang mga tala hanggang sa 'di niya namalayang nakatulog na rin pala siya.
Sinag ng araw mula sa kalangitan ang nagpagising sa kanya.
"Grabe. Inaantok pa ako. Ay wait!" Pa-inat na pagkakasabi niya bago mapatingin sa tabi niya nang mapagtantong sa rooftop siya nakatulog.
Bahagya siyang napagalaw nang magulat na nakayakap si Sana sa kanya habang ito'y tulog pa rin.
"Feeling close na naman 'to. Hoy, gising!" Sinubukan niyang kalbitin si Sana sa braso ngunit tila tulog pa rin ito.
"Pambira, mas nauna pa siyang matulog tapos mas nauna pa rin akong nagising. Hoy, ano ba? Gising sabi eh!" Inis na sambit niya bago muli subukang gisingin si Sana.
Dahil hindi ito gumigising, sinubukan niyang kumawala ngunit masyadong mahigpit ang pagkakayakap nito. Pupwersahin na sana niyang bumangon ngunit natigilan siya nang muli siyang mapatingin sa tulog na si Sana.
"Kahit kailan 'di ko inakalang gagawin ko 'to pero sige, matulog ka lang diyan hanggang kailan mo gusto. Kung 'di ka na gigising kahit kailan, siguro mas mabuti para mabawasan na ang nanggugulo sa akin. Ang ganda-gandang babae, hirap gisingin!"
Walang magawa si Dahyun kundi pagmasdan na lang ang mga ulap habang nakakulong pa rin sa yakap ni Sana.
"Paano na lang kung sa kalsada ka natutulog tapos ganyan ka na 'di nagigising agad? Eh 'di napahamak ka nang 'di mo nalalaman kasi tulog ka pa rin. May mga tao na masasama talaga ang budhi, kaya mag-ingat ka. Kahit sa akin, dapat 'di ka nagtitiwala kaagad." Sermon ni Dahyun sa natutulog pa na si Sana.
"Kailangan mo rin tumayo nang 'di naka-depende sa iba paminsan-minsan para kapag wala ka nang makapitan, magagawa mo pa rin tumayo mag-isa."
"Bawas-bawasan mo ang pagtitiwala kaagad sa mga taong 'di mo naman kilala. Lakas ko magsabi ng ganyan noh? Hindi ko naman nagawa sa sarili ko dahil pinatuloy kita dito. Pero anong magagawa ko? Hindi kita pwedeng pabayaan basta kahit 'di naman kita responsibilidad. Gusto kitang itaboy palayo dahil ayoko ng magulo pero 'di ako mapakali sa tuwing maiisip ko na baka mapahamak ka sa labas." Pagpapatuloy ni Dahyun sa pagsasalita.
"Awww. Sabi ko na nga hindi mo ako matiis eh." Napaiktad palayo si Dahyun nang marinig si Sana na ngayo'y nakangiti sa kanya.
"Akala ko ba tulog ka pa?!"
"Ah. Eh. Nauna pa akong magising kaysa sayo."
"Huh? Bakit hindi ka nagsasalita kanina noong ginigising kita?!"
"Wala lang. Gusto ko lang yung pakiramdam na nakahiga lang tayo, yung hindi mo ako sinusungitan."
"Narinig mo ba yung mga sinabi ko? Aish! I can't believe you! Agang-aga, iniinis mo kaagad ako."
"Oo, narinig ko lahat 'yon. Bakit ka naman naiinis? Sa totoo, masaya nga akong malaman na hindi mo pala talaga ako matiis. Ibig sabihin, nagiging malapit na talaga tayo sa isa't-isa. Hehe."
"Assuming mo naman. Kalimutan mo na yung mga narinig mo dahil wala namang katotohanan yung mga 'yon. Ang ibig sabihin ng mga 'yon, gusto ko nang umalis ka na kaagad para maging tahimik at maayos na ang pamumuhay ko dito." Pagpapaliwanag ni Dahyun nang may halong inis.
BINABASA MO ANG
Shot Thru The Heart
FanfictionIn which cupid Sana accidentally shot herself with a magical arrow. "My heart, since when it's like this. Your heart, I want to know your heart." - Shot Thru The Heart by Twice Date Started: January 09, 2019 Date Ended: A/N: For SaiDa shippers. I...