STTH #17

30 1 0
                                    

"Tara na?" Muling napalingon si Sana kay Dahyun na nag-aalok ng kamay sa kanya matapos tumayo.

"Ha? Saan?"

"Pabalik sa bahay ko."

"Diba sabi mo..."

"Kalimutan mo na yung sinabi ko. Sasama ka ba o hindi?" Seryosong tanong niya kaya naman dali-dali na akong humawak sa kamay niya.

Nang maghawak ang kamay nila, wala nang nagawa si Sana kundi hayaang hilahin siya palakad ni Dahyun.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik ka. Paano mo nalaman na may mga lalaking nanggugulo sakin?"

"Nagkataon lang na may bibilhin ako sa kabila. Sakto, nadaanan kita." Sagot ni Dahyun sa kanya habang abala pa rin sa paglakad.

"Ganun ba? Teka, nabili mo na ba yung bibilhin mo sa kabila? Baka hindi mo pa nabibili dahil ipinagtanggol mo ako sa mga lalaking 'yon."

"Ayos lang, sa susunod na lang."

"Pero..."

"Wala nang pero-pero, Sana." Awat ni Dahyun kaya hindi na siya nagpumilit pa.

"Dahyun"

"Hmmm?"

"Hindi pa rin ako makapaniwala na tinatawag mo na ako sa pangalan ko ngayon. Pakiramdam ko tuloy mas naging malapit na tayo sa isa't-isa." Kinikilig na sambit ni Sana dahilan para sandaling mapahinto si Dahyun.

"Ano ba dapat ang itawag ko sayo?"

"Ang sungit mo na naman sakin."

"Sinasabi ko lang ang totoo." Bahagyang napahikbi si Sana sa kanya.

Sa muli nilang paglalakad, may napansin na naman si Sana na siyang nagpangiti sa kanya.

"Ganito pala ang pakiramdam kapag may kahawak-kamay. Dahyun, teka lang...Bakit mo naman binitawan ang kamay ko?"

"Lahat na lang binibigyan mo ng malisya. Kaya mo na 'yan, malaki ka na. Bilisan mo na lang ang paglalakad." Masungit na pagkakasabi ni Dahyun bago tuluyang lumakad nang mabilis kaya naman walang nagawa si Sana kundi bilisan rin ang paglalakad.

"Sandali, Dahyun!"

Nang marating nila muli ang resthouse, 'di nila inaasahan ang naabutan nila. Naghihintay sa labas ng resthouse sina Chaeyoung at Jeongyeon.

"Anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ni Dahyun sa kanila.

"Bro, bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag namin sayo? Pinag-alala mo kami." Napapakamot-ulong sabi ni Jeongyeon.

"Tama, Bro. Kinukulit kami ng Grandma mo. Binalikan ka namin doon sa camp, wala ka na. Akala namin napaano..." Hindi na natapos ni Chaeyoung ang sasabihin nang biglang sumulpot si Sana sa likuran ni Dahyun.

"Dahyun, napagod ako kakahabol sayo. Ang bilis mo naman maglakad." Hinihingal na sambit ni Sana sabay tingin sa dalawa na kasalukuyang nakatingin rin sa kanya.

"Bro, kasama mo?" Tanong ni Chaeyoung sabay turo kay Sana.

"Kumusta, ako si Sana." Masayang pagbati ni Sana sa dalawa.

"Hi, ako si Jeongyeon. Eto namang maliit sa tabi ko, si Chaeyoung." Agad na hinampas ni Chaeyoung si Jeongyeon sa braso.

"Guys, balik na lang kayo sa susunod." Sinubukang itulak ni Dahyun ang mga kaibigan niya palayo kaso nagmatigas ang mga itong manatili.

"Wait, Dahyun. Girlfriend mo? Hindi mo sinasabi sa amin na may girlfriend ka. Paano na si Mina?" Makulit na tanong ni Chaeyoung.

"Hindi ko siya girlfriend" Seryosong sagot ni Dahyun dahilan para lumapit si Sana sa dalawa.

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon