"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Sana habang naglalakad kasabay si Dahyun. Ni hindi siya nakatanggap ng sagot mula dito. Patuloy lamang ito sa paglalakad na tila ba hindi siya napapansin.
"Saan ka ba nakatira?"
"Bakit naisipan mo kong balikan?"
"Nag-alala ka sakin?"
"Pupunta ba tayo sa bahay mo?" Humarang siya sa harapan ni Dahyun kung kaya't tuluyan na siya nitong tiningnan.
"Sobrang dami ng tanong mo. Baka biglang magbago ang isip kong isama ka kung saan man ako magpupunta." Seryosong sagot ni Dahyun sa kanya kaya naman napatikhom na siya ng bibig bago tuluyang sumunod muli sa paglalakad.
"Ang sungit naman. Nagtatanong lang eh." Mahinang sabi niya.
"Ano 'yun?" Narinig siya ni Dahyun kaya nakaramdam siya ng kaba.
"Uhm. Wa---Wala."
"Mabuti naman. Tumahimik ka na lang dahil sasakay tayo sa bus." Muli niyang hinawakan ang kamay ko nang may humintong bus sa harapan namin.
"H--Huh?"
"Sakay na." Wala na kong nagawa kundi sumakay sa loob ng bus. Naupo ako sa dulong pwesto sa tabi niya.
"Ito ang unang pagkakataong makakasakay ako dito. Bus pala ang tawag dito. Nakikita ko lang palagi noon ang mga taong sumasakay sa ganito eh." Kwento ni Sana kay Dahyun na nakatuon ang atensyon sa bintana ng bus upang pagmasdan ang tanawin sa labas pero hindi maipagkakailang napakikinggan niya ang sinasabi ng kasamang babae.
"Seryoso?" Gulat na tanong ni Dahyun sabay tingin sa kanya.
"Oo. Walang halong biro."
"Kakaiba ka talagang babae ka."
"Tama, hindi ako katulad ng iba kaya dapat hayaan mo kong sumama sayo."
"Sinasabi mo? Tsk. Manahimik ka na nga lang. Baka mahalata pa ng ibang pasahero na may kasama akong baliw eh. Kahihiyan 'yon."
"Kung 'yan ba ang gusto mo eh, tatahimik na muna ako." Nakangiting sagot ni Sana bago tuluyang namnamin ang pakiramdam nang makasakay sa bus.
May kakaiba siyang nararamdaman ngayon. Yung pakiramdam na nararanasan na niya ang mga bagay na noon ay iniisip niya lamang.
Simula nang makasama niya si Dahyun, unti-unti na niyang nararanasan ang buhay ng mga taong noon ay pinagmamasdan lamang niya.
Dahil sa sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin na pumapasok mula sa nakabukas na bintana, hindi napigilan ni Sana ang sariling mapaidlip.
"Damn it. Gi--Ginawa pa talaga niyang sandalan ang balikat ko." Ikinagulat ni Dahyun ang biglang paglapat ng ulo ni Sana sa kanyang balikat.
Sinubukan niyang ilayo ang ulo ni Sana sa kanyang balikat ngunit patuloy parin itong bumabalik sa kanya. Sa pagkakataong ito, mistulang napayakap si Sana sa kanyang kanang braso.
"H---Hoy, tulog ka ba talaga? Aish." Kinalbit-kalbit niya nang marahan si Sana ngunit payapa parin itong natutulog nang komportable sa tabi niya.
May mga pasaherong napapalingon sa kanila kung kaya't napahinto na lamang siya sa pagpilit na pagtulak palayo kay Sana.
Isang malalim na paghinga ang nagawa niya. Hindi na siya nagpumilit pa't hinayaan na lamang si Sana.
Habang patuloy sa pagbiyahe, hindi niya naiwasang mapansin ang itsura ni Sana habang natutulog. Kung pagmamasdan, parang wala namang mali kay Sana.
"Si--Sino ka ba talaga?" Napaisip na lamang siya habang pinagmamasdan ang katabi na natutulog nang payapa.
Hindi rin naman niya maitatangging may kakaibang ganda ang kasamang babae. Dahil sa kagandahan nito, naisip rin niyang mas magiging lapitin ito ng kapahamakan mula sa mga taong mapagsamantala.
"Bakit ba kasi ako nag-aaksaya ng oras para intindihin ka?" Mahinang tanong niya habang patuloy parin sa pagiisip ng paraan kung ano ang dapat niyang gawin kay Sana.
Dahil sa paghampas ng malakas na hangin sa buhok nito, natatakluban ang mukha niya kung kaya't dahan-dahang gumalaw si Dahyun upang hawiin ang buhok niya.
Bago pa man niya maisaayos ang buhok nito, ikinagulat niya ang biglaang pagmulat ng mata ni Sana.
"Ah--Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ni Sana. Agad namang napaiktad si Dahyun palayo sa kanya.
"Ah--Eh--Wala."
"Bakit ang lapit ng mukha mo kanina sakin?"
"Hindi kaya. Feeling mo naman. Tsk. I--Iniiisod lang kita palayo kasi ginawa mo kong unan."
"Ganun ba? Pasensya na, Ang sarap pala kasing sumakay sa bus." Nakangiting sagot niya nang di parin inaayos ang magulong buhok niya.
"Ayusin mo nga 'yang buhok mo. Para kang baliw eh."
"Ah. O--Oo nga. Pasensya na ulit. Hehehe." Napapakamot-ulong sagot niya sabay tawa kaya naman napakunot-noo na lang ako sa kanya.
"Kumilos ka na diyan. Bababa na tayo ng bus." Muli niyang hinawakan ang kamay ni Sana dahil babagal-bagal pa itong kumilos.
Nang makababa mula sa bus, napalingon siya kay Sana na patuloy ang pagtingin sa paligid nang may halong pamamangha.
Sandali niyang kinuwestyon ang naging desisyon na pagpayag kay Sana na sumama sa kanya. "Tama bang isinama ko siya dito sa resthouse na tinutuluyan ko sa tuwing mag-aaway kami ni Lola?"
"May problema ba?" Tanong ni Sana sa kanya.
"Oo, meron."
"Ano naman 'yun?"
"Ikaw. Tara na nga sa loob!" Problemadong sagot ni Dahyun bago siya muling hawakan sa kamay upang isama papasok sa loob ng resthouse.
- To Be Continued -
A/N: Sorry sa slow ud. Busy talaga ako.
Vote.Comment.Share

BINABASA MO ANG
Shot Thru The Heart
FanfictionIn which cupid Sana accidentally shot herself with a magical arrow. "My heart, since when it's like this. Your heart, I want to know your heart." - Shot Thru The Heart by Twice Date Started: January 09, 2019 Date Ended: A/N: For SaiDa shippers. I...