"Sana! Bilisan mo namang lumipad!" Nagmamadaling sigaw ni Momo kay Sana na tila ba tinatamad nang sumunod papunta sa kung saan naroon ang taong matagal nang minamatyagan ng kaibigan.
"Sandali lang naman. Bakit ba kasi ayaw mo pang tigilan ang pagsubaybay sa taong 'yon?" Nakakunot noong tanong ni Sana.
"Tama nang satsat. Halika na!" Agad siyang hinila ni Momo kung kaya't hindi na siya nakatanggi pa.
Nang matunton nila ang kinaroroonan ng taong kinahuhumalingan ni Momo, hindi na lamang maiwasang mapailing ni Sana.
"Seryoso? Uubusin mo ang oras mo sa panonood sa taong 'yon imbes na bumalik na lamang sa kampo? Tsk."
"Tumahimik ka diyan, Sana. Baka marinig tayo eh."
"Hayaan na natin siya at ang mga kaibigan niyang magsaya. Mukhang may camping sila dito. Bumalik na tayo kay Pinunong Jihyo."
"Mamaya na ko babalik. Mauna ka na kung gusto mo."
"Ano? Momo, Baka itanong sakin ni Pinunong Jihyo kung nasaan ka."
"Sabihin mo, mamaya pa ko uuwi. May inaasikaso pa kamo."
"Hindi 'yun titigil sa pagtatanong hanggang sa bumalik ka. Gusto mo pa talagang magsinungaling ako? Tsk. Ako na naman ang masesermonan eh."
"Sanay ka namang masermonan eh."
"Kahit na. Ano kaya kung lapitan mo na yung taong 'yon?"
"Huh? Seryoso? Ni magpakita nga sa kanya hindi ko magawa eh."
"Eh ano? Habang-buhay ka na lang ganyan? Pasunod-sunod sa kanya nang pasikreto. Teka, ano bang tawag ng mga tao sa salitang 'yon? Hhhmmm." Napaisip si Sana.
"Anong salita?"
"Alam ko na. Stalker! Isa kang stalker."
"Stalker?"
"Oo. Nakakatakot 'yang ginagawa mong pagsunod sa kanya nang pasikreto. Baka nga matakot pa yang taong 'yan kapag nalamang noon mo pa siya sinusubaybayan." Paliwanag ni Sana kay Momo na bigla namang nag-alala.
"Si--Siguro nga may punto ka. Baka matakot siya sakin kapag nalaman niya kung ano talaga ako. Mananatili na lang akong ganito."
"Huh?"
"Mananatili na lang ako sa pagsubaybay sa kanya mula sa malayo kaysa naman malaman niya kung ano talaga ako. Baka lumayo siya sakin."
"Tsk. Ang ibig kong sabihin, umuwi na lang tayo sa kampo. Tigilan mo na siya."
"Pero gustong-gusto ko siya. Alam mo 'yan, Sana."
"Gusto ka ba?"
"Grabe ka naman magsalita, Sana. Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan?"
"Paano kung hindi niya magustuhan ang pagkatao mo? Paano kung ipagtabuyan ka lang niya? Paano kung ikwento niya sa ibang tao kung ano ka talaga? Paano kung may masama siyang gawin sayo? Matalik kitang kaibigan, Momo. Kahit na nakakabuwisit ka, may pakialam parin ako sayo."
"Salamat sa pag-aalala. Gusto ko lang naman talaga kasing mapalapit kay Dahyun." Sandaling natigilan si Sana sabay tingin sa taong gusto ni Momo.
"Dahyun pala ang pangalan ng taong 'yon. Ano bang kagusto-gusto diyan? Parang katulad lang naman 'yan ng ibang tao na nakikita ko sa bayan? Yung mga taong pinaglalaruan yung nararamdaman ng taong nagmamahal sa kanila." Nakapamewang na sambit ni Sana habang inuusisa si Dahyun na walang kamalay-malay sa kanila kasama ng mga kaibigan.
"Kim Dahyun ang pangalan niya. Ibahin mo si Dahyun sa kanila. Matiyaga at masipag 'yan. Kung pagmamasdan mo siya, parang katulad lang ng iba pero sa oras na makilala mo siya---maiisip mong may kakaiba sa kanya. Maalaga talaga siya sa mga taong nagpapasaya sa kanya tulad ng mga kaibigan na kasama niya ngayon."
BINABASA MO ANG
Shot Thru The Heart
FanfictionIn which cupid Sana accidentally shot herself with a magical arrow. "My heart, since when it's like this. Your heart, I want to know your heart." - Shot Thru The Heart by Twice Date Started: January 09, 2019 Date Ended: A/N: For SaiDa shippers. I...