STTH #10

312 17 2
                                        

"Oh. Anong nginingiti-ngiti mo?" Tanong ni Dahyun kay Sana na hindi parin mawala ang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan si Dahyun sa kanyang tabi.

"Masaya lang ako na bumalik ka. Akala ko talaga iiwanan mo na ko don eh."

"Iiwanan naman talaga kita dapat kaso ----"

"Kaso ano? Naisip mo na hindi mo pala ako kayang tiisin?" Napapangiti na namang tanong ni Sana.

"Hindi. Naisip ko na mas mabuting sa bayan na lang kita iwanan kaysa sa kagubatan. Delikadong magala don nang mag-isa lalo pa't babae ka."

"Nag-aalala ka ba sakin?"

"Tsk. Bakit naman ako magaalala sayo? Ayoko lang na madamay kapag may nangyaring masama sayo. Tumahimik ka na lang diyan dahil baka magbago pa ang isip ko. Pwedeng-pwede kong pahintuin ang taxi na 'to para lang pababain ka."

"Taxi pala ang tawag sa bagay na 'to." Sambit ni Sana sabay lingon pa sa paligid ng loob ng sasakyan.

"Hindi mo alam na taxi ang tawag dito? Mygosh. Saang lupalop ka ba nagmula?"

"Sa kagubatan. Madalas kong makita ang bagay na 'to sa tuwing bibisita ako sa bayan pero ngayon lang ako nakaranas sumakay sa ganito."

"Huwag mo na nga kong kausapin. Sari-sari na ang sinasabi mo eh. Tumahimik ka na lang."

Nagpatuloy na lamang ang pagbiyahe ng dalawa hanggang sa makarating sila sa bayan. Nang makababa sa sinasakyang taxi, tuluyan nang humiwalay ng direksyon si Dahyun kay Sana.

"Sandali!" Rinig ni Dahyun na pagtawag ni Sana sa kanya ngunit hindi siya nag-abalang huminto o lumingon man lang sa pag-aakalang lulubayan na siya ni Sana sa ganung paraan ngunit nagkakamali siya.

"Saan ang punta natin?"

"What the ---- Hindi mo parin ba ko lulubayan?!" Gulat na sabi ni Dahyun nang magsalita si Sana sa tabi niya.

"Diba sinabi ko na sayo, sasama ako sayo. Kailangan kong sumama sayo."

"At bakit na naman? Pakiusap, tigilan mo na ako. Lakad na. Hindi pa ba sapat na tinulungan kitang makaalis sa delikadong kagubatan na 'yun? Ngayon panahon na para ikaw mismo ang kumilos sa sarili mo. Okay? Aalis na ko."

"Pero hindi naman delikado ang kagubatan na 'yun para sakin."

"Pwede ba? Mag-isa ka lang don. Ni wala kang kasama. Wala kang gamit na pangdepensa sa kung sino mang magbabalak sayo ng masama."

"Kaya ko namang protektahan ang sarili ko eh."

"Ganun naman pala eh. Ngayon, panahon na para protektahan mo ang sarili mo. Kaya mo na naman pala eh, hindi mo na kailangang sumunod pa sakin."

"Pero kailangan kong sumama sayo."

"Bakit ba kasi ako ang kinukulit mo?!"

"Kasi may nararamdaman akong pagmamahal para sayo. Sa tingin mo kung hindi kita mahal, susunod ako sayo?" Seryosong sabi ni Sana na mas nakapagpagulo lamang ng kaisipan ni Dahyun.

Paano siya mamahalin ng isang taong hindi naman niya kilala? Ni hindi pa sila magkakilala nang matagal. Isama pa ang kakaiba't weirdong pagkilos ni Sana. Napapaisip na lamang siya kung galing ba talaga sa mental ang babaeng kasama niya.

"Okay. Nabubwisit na talaga ako sayo."

"Ako din naman nabubwisit na sayo." Napakunot-noo si Dahyun sa narinig.

"Ikaw pa 'tong may ganang mabwisit sakin? Eh ikaw 'tong sunod nang sunod."

"Nakakainis ka kasi eh. Gusto ko lang namang sumama sayo. Yun lang naman."

Shot Thru The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon