"Hindi ka pa ba matutulog, Dahyun?" Tanong nila Jeongyeon kay Dahyun na nakaupo sa harapan ng bonfire.
"Hindi pa ko inaantok." Matipid niyang sagot sa kanila.
"Gusto mo samahan muna kita diyan?" Mabilis na tanong ni Mina dahilan para mabilis ring mapailing si Dahyun sa kanya.
"Hindi na. Matulog na kayo diyan. Ayos lang ako dito."
"Pero pwede naman kitang sama---" Hindi na naituloy ni Mina ang sasabihin dahil kay Nayeon na hinila na siya.
"Matulog ka na, Mina. Hayaan na muna natin siya diyan." Sambit ni Nayeon sabay tulak kay Mina papunta sa tent nila.
"Ang ingay niyo naman! Let me sleep." Rinig nilang sigaw ni Chaeyoung mula sa loob ng tent nito.
Nagdesisyon nang magpahinga ang lahat maliban kay Dahyun na mas piniling manatili sa kinauupuan sa harapan ng ginawa nilang apoy.
Maraming bagay ang bumabagabag sa kanya. Maraming tanong ang nais niyang mahanapan ng sagot. Hindi niya maisip kung bakit paulit-ulit siyang napapabisita sa kagubatang kinaroroonan nila ngayon. Ang tanging alam lamang niya ay may kakaibang nangyari sa kanya sa lugar noong siya'y bata pa.
Sandali niyang hinubad ang kanyang damit upang pagmasdan ang scar na natamo sa kanyang balikat noong siya'y bata pa.
"Sa lugar na 'to ko ba talaga nakuha ang scar na 'to?"
"Bakit ang gulo ng ibang detalye tungkol sa scar ko na 'to?
"Bakit ba dito ko pa naisipang pumunta?"
"Bakit iba ang pakiramdam ko sa lugar na 'to?"
"Bakit parang nakapunta na ko dito noon?"
"Bakit parang palaging may nakamasid sakin?"
Nakabibingi ang katahimikan ng buong paligid. Mas nagfocus siya sa pakikiramdam nang makarinig ng kaluskos mula sa madilim na parte ng kagubatan.
Nacurious siya kung ano ba ang nasa likuran ng mga halamang kasalukuyan niyang pinagmamasdan. Bago tuluyang tumayo, lumingon muna siya sa tent na pinapahingahan ng mga kaibigan. Siguradong tulog na sila, naisip ni Dahyun kung kaya't naglakad na siya palapit sa madilim na parte ng gubat.
Nang hawiin niya ang mga nagkukumpulang halaman, wala siyang nakitang kakaiba.
"Baka inaantok na ko kaya kung ano-anong naiisip ko. Di bale, makatulog na nga." Napakamot-ulo na lang siya't lumakad na pabalik para magpahinga sa loob ng tent.
Ang hindi nalalaman ni Dahyun, nakaalis kaagad si Sana sa pwesto kanina sa likuran ng mga halaman.
"Muntik na ko dun ah." Nang masiguradong nagpapahinga na si Dahyun, muli nang lumabas si Sana mula sa likuran ng punong pinagtataguan niya sa madilim na parte ng kagubatan.
Malalim na ang gabi ngunit heto siya ngayon, nagmamasid nang palihim sa bawat galaw ng kinahuhumalingan ng kaibigang si Momo.
Napagisip-isip niya kasing matyagang muli si Dahyun bago niya tuluyang tulungan si Momo kinabukasan. Gusto niyang makasigurado na tama ang gagawing desisyon para matulungan si Momo.
Bago pa man may makakita sa kanya, umalis na siya para bumalik sa kampo. Dahan-dahan siyang kumilos upang hindi makagawa ng ingay na siyang magiging dahilan para malaman ng iba na may pinagkaabalahan siyang kahina-hinala.
Bago pa man makarating sa tinutulugan, napahinto na lamang siya sa kinatatayuan dahil sa narinig.
"Saan ka nagpunta sa ganitong oras?" Siguradong-sigurado si Sana sa boses na narinig. Walang iba kundi si Pinunong Jihyo.
"Uhm. Nagpahangin lang po sa labas."
"Talaga ba?"
"O--Opo. Bakit po?"
"Wala naman. Nagtaka lang ako na nasa labas ka pa sa ganitong oras samantalang tulog na ang kaibigan mong si Momo." Nakapamewang na sagot ni Pinunong Jihyo sa kanya.
"Sesermonan niyo na naman po ba ko?"
"Hindi naman. Sige na. Magpahinga ka na rin."
"Si--Sige po. Kayo rin po."
"Sandali lang pala."
"Po?"
"Kumusta ka na?"
"Ayos lang po ako. Bakit niyo po tinatanong?" Nagtataka si Sana sa ikinikilos ng kanilang Pinuno na palagi siyang sinesermonan ngunit ngayo'y mukhang inaalala pa kung ayos lang siya.
"Gusto ko lang malaman. Responsibilidad kong malaman kung ayos lang ang mga nasasakupan ko. Bilang Pinuno niyo, dapat kong siguraduhing nasa maayos ang pamumuhay niyo."
"Ganun po ba? Ayos lang po ko. Salamat po."
"Sige na nga. Lakad na. Magpahinga ka na rin." Hindi na nakasagot si Sana nang mauna nang lumakad si Pinunong Jihyo paalis.
Napakamot-ulo na lamang siya dahil sa pagtataka kung ano bang iniisip ng kanilang Pinuno.
Habang nakahiga, bumalik sa kanyang isipan ang nasaksihan kanina. Napagtanto niyang magaling palang kumilatis ng magugustuhan ang kaibigang si Momo. Napaghalataan ni Sana na responsable si Dahyun sa pag-aalaga sa kanyang katawan dahil sa tikas nito.
"Ano ba 'yan?! Sana! Tigilan mo na ang kakaisip sa matikas at makisig na katawan ng Dahyun na 'yon?!" Nasabi na lamang niya sa sarili.
Pinilit niyang ipikit na lamang ang mata ngunit muli siyang napadilat nang maalala ang isa pang bagay na napansin niya kay Dahyun kanina. Hindi niya maiwasang maalala ang nakitang scar sa balikat ni Dahyun.
"Saan kaya niya nakuha 'yon? Parang pamilyar. Nako. Di bale na nga. Makatulog na lang!"
- To Be Continued -
A/N: Nakucurious na ba kayo? Charot. Lalaki po si Dahyun dito. Wag talaga kayong ano HAHAHAHAHA.
VOTE.COMMENT.SHARE
BINABASA MO ANG
Shot Thru The Heart
Fiksi PenggemarIn which cupid Sana accidentally shot herself with a magical arrow. "My heart, since when it's like this. Your heart, I want to know your heart." - Shot Thru The Heart by Twice Date Started: January 09, 2019 Date Ended: A/N: For SaiDa shippers. I...